Chapter 18

34.4K 1.1K 624
                                        

Chapter 18: Quarrel's Over?

#DittoDissonanceWP

Daris! Don't forget to vote and enjoy! Thank you.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

The air was gentle as we sat at the table outside, near the BFA and BS Architecture building. I wasn't sure how to process what had happened earlier—it was both ridiculously funny and utterly terrifying. 

Had I just gotten myself tangled up with that prick again?

I couldn't believe that I was having my lunch thinking about that. Ni hindi kami nag-uusap-usap dahil may kanya-kanya kaming iniisip. Busy rin sila sa phone nila habang ako ay dahan-dahan lang ngumunguya at natutulala. Hindi ko alam kung matatawa ako o makikipagkuwentuhan sa kanila.

Napailing-iling ako at binalingan si Titus na saktong napatingin din sa akin. Nag-angat siya ng kilay pero natawa ako bago muling umiling. Nangunot ang noo niya at bigla ring natawa. Mukhang alam ko na kung ano'ng nasa isip nito.

"Taena ka talaga, Caiden. Dahil natawa ka, naalala ko na naman 'yong kinuwento mo kanina," sabi ni Titus at nagsimula nang humalakhak.

Unti-unti na rin akong natawa. "Natatawa kasi ako sa mukha niya. Halatang napipikon na siya," sabi ko.

Binitiwan na rin nina Magnus ang phone nila at nakikitawa na rin sa amin ni Titus. Dahil kanina, tawa kami nang tawa nang ma-elect si Zern bilang president. 

Bukod pa ro'n, tawang-tawa sila sa sinabi kong hahabulin siya ng girls. Hindi rin sila maka-get over sa tawa ko kaya tuwingnaaalala namin, kusa kaming nagtatawanan.

"Bwisit ka, Caiden. Tangina. Tawang-tawa ako sa kaniya kanina. Natatawa ako sa mukha niya. Mukha siyang mochi na pinisa kasi galit na galit 'yung titig niya sa 'yo. Parang ang squishy no'ng pisngi niya," sabi ni Magnus habang humahalakhak.

Bahagyang humupa ang tawa ko nang naalala ko 'yong sinabi niya kanina sa akin kaya bigla akong napangiwi. Talagang ginagamit niya 'yong term na "bading" para gumanti sa akin, ah? He really knew how to get on my nerves.

"Pero nagbulungan kayo banda sa gitna, Caiden, ah?" sabi ni Titus sa akin at bahagyang humupa na rin ang pagtawa.

Tumango ako habang magkasalubong ang mga kilay. 

"Oo, alam na alam niya kung paano ako bubuwisitin. Sabi niya, papatawag niya raw ang lahat ng bading na kakilala niya at uutusang magpa-picture sa akin," sabi ko at umiikot na agad ang tiyan habang iniisip ang sarili kung mapunta man ako sa gano'ng sitwasyon.

Nangunot ang noo ni Magnus. "Ngek. Hindi na dapat siya nagjo-joke tungkol sa ganiyang matter. Kung talagang gusto niyang makaganti sa 'yo, makipag-asaran siya sa 'yo nang maayos. Tutal mukhang ayaw ninyo talaga tumigil sa bangayan ninyo, e," sabi ni Magnus.

"Oo nga, feel ko hindi 'yan matatapos. Eh, di galingan mo na lang ding makipag-asaran sa kanya. Ang hirap ding hindi gumanti dahil nakakapikon din siyang mang-asar, eh," sabi ni Echo.

"Kahit gusto ko man din siyang hindi pansinin, palagi akong naba-bother sa kaniya. Kung hindi niya ako titigilan, hindi ko rin talaga siya titigilan. E 'di mag-asaran kami nang mag-asaran. No'ng una, puro inis lang nararamdaman ko, ngayon natatawa na rin ako. Natatawa ako sa mukha niya kapag napipikon siya, mukhang marshmallow na malungkot eh," sabi ko.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon