Chapter 33: Inevitably Too Close and Far
#DittoDissonanceWP
Read this note: Kung nakaabot ka sa part na 'to, I'm hoping na naiintindihan mo na nang mabuti ang side nina Zern at Caiden. They're both open for growth. I hope you're not limiting them to have that. They're still humans afterall.
From this chapter, head-on, I hope you enjoy this story well and always trust the process of the characters. Marami pang mangyayari.
Thank you for reading :)
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Pagbaba ko ng elevator, naglo-loading pa ako kung totoo ba 'yong nangyari kani-kanina lang. Naliligaw ang isip ko habang mabagal na mabagal na naglalakad papunta sa room.
Totoo ba? In-approach ba talaga ako ni Caiden? At ang sobrang nakagugulat pa ro'n, tinawag niya ako sa pangalan ko.
Medyo understandable 'yong in-approach niya ako dahil hinahanap ako ng council, pero sobrang bizarre no'ng bumalik pa siya para mag-thank you sa akin tungkol do'n sa kotse.
I mean... hindi ko alam ang mararamdaman ko! Gulat na gulat ako.
Puwede naman kasing hindi niya sabihin kasi nakaalis na siya, eh. Pero bumalik pa siya para lang mag-thank you sa akin kahit hindi naman kailangan. Baka sinabi ni Tita sa kanya na ako ang nagsabi na 'wag na i-confiscate ang kotse niya.
Nginitian niya rin ako! Gagi. Totoo ba 'yon? Gusto ko i-rewind para ma-recheck ko kung totoo ba talagang nginitian niya ako. Sinabi ni Ashton kanina sa amin na um-agree si Caiden tungkol sa 'wag na akong inaano, para nang sa gano'n, wala ng maging away sa loob ng court.
Ang tanong na lang, na-realize ba ni Caiden 'yong sinabi ni Ashton or gusto lang talaga niyang 'wag magkaroon ng gulo sa court? Either way, at least hindi na niya ako inaano.
At parang sobrang imposible na gagawa ng isang bagay si Caiden na labag sa loob niya. Eh, base sa na-observe ko sa interactions namin before, kung ano ang gusto niya, 'yon ang sinusunod niya. At 'yon din ang sinabi ni Tita tungkol sa kanya.
Kaya kung bukal man kay Caiden ang ginawa niyang pagngiti kanina sa akin, pati na rin ang pasasalamat niya, e 'di maganda! Mabuti kung gano'n! Mababawasan ang demonyo sa mundo. Baka expired na contract niya sa hell, charing lang.
Tumigil ako sa tapat ng pinto ng room ko, pero napatingin ako sa room ni Caiden.
He's probably there doing something.
Gusto ko i-try ulit kausapin siya. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Gusto ko tuloy ulit i-try kausapin siya.
Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang buong katawan ko. Parang kinuha ni Lord ang kaluluwa ko sa sobrang gulat nang bumukas ang pinto ni Caiden. Nagmamadali kong hinagilap ang susi ko sa bag.
Putangina!
"Nakapagbihis na ako, ngayon ka pa lang makakapasok sa room mo?" sabi ni Caiden kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
