Chapter 17: Getting Back the Hate
#DittoDissonanceWP
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: MAY 2024]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Mahina akong natawa habang naglalakad kami nina Leroy papasok sa gym. Gusto ko sanang mahiya dahil narinig niya 'yung sinabi ko, pero naalala ko wala palang hiya 'yong taong bwisit na 'yon. Kaso nga lang baka isipin niya head-over-heels ako sa kaniya. Gano'n pa naman stereotype sa mga bading. Porket may guwapo, nagkakandarapa agad.
May standard naman ako at preference. Pasok siya sa pagiging gwapo at pagkakaroon ng magandang mukha, isama na rin natin 'yung boses niyang nakakahalina sa lalim. Pero putangina ng ugali niya. Sinong magtatagal do'n bwisit siya. Na-gets ko tuloy kung bakit nando'n siya sa gano'ng klaseng lugar. Siguro, naghahanap din ng babae. Tapos kung makasita sa akin naghahanap ako ng guwapo, akala mo siya hindi.
'Pagkarating namin nadatnan naming marami ng tao sa gym. Nakapuwesto sila sa gitna ng court kaya ro'n na lang din kami naghanap ng pwesto nina Leroy.
Sinulyapan ko si Ashton na tahimik lang. Hinayaan namin siya ni Leroy dahil kanina pa siya napipikon kay Caiden. Mula kanina pang registration ng org. Nakikitawa lang siya sa amin sa Pancake House pero naririnig kasi namin si Caiden sa kabilang table. Hindi ko alam kung sadya or ewan. Kaya naiinis si Ashton. Nakita pa namin si Caiden sa pool area kaya nagpipigil siya. Mabuti na lang hindi ako ginalaw ni Caiden kanina, kundi baka may away na na nangyari ro'n.
Pumwesto na lang kami banda sa sulok para hindi masyado kita.
"Natatawa ako kanina sa lalaking 'yon. Nakikinig pa sa atin. Hindi ko alam na may chismoso rin palang lalaki," sabi ni Leroy at humalakhak.
"Sinadya niya 'yon. Hindi niya nga ako ginulo, nangi-invade naman siya ng personal bubble. Gusto niya ata may malaman tungkol sa akin, para makabawi. Hindi ako naniniwala na mananahimik na 'yon. E, hari 'yon ng impyerno," singhal ko kaya mas lalong natawa si Leroy.
"Natatawa talaga ako kapag tinatawag mo siya ng names, kasi bagay sa kaniya. At saka tama ka, pakiramdam ko rin may niluluto 'yong pambawi sa 'yo. Sa ginawa niyang pakikinig kanina, halatang may gustong makuha 'yon," sabi ni Leroy at tumango-tango pa sa akin.
Bumuntonghininga ako at nanliit ang mga mata. Subukan niya. Hindi ko rin siya uurungan. 'Wag niya akong subukan, ngayong mas nairita na ako sa kaniya at mas naging desidido na akong i-portray nang maigi ang pagiging kontrabida ng buhay niyang buwisit siya.
I scoffed when I saw him and his stupid friends walking happily towards the representatives. I hissed silently. Mukhang close sila sa mga officers last year? Nanliit muli ang mga mata ko. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko riyan, ah? Parang dito na ata siya babawi. Hindi ko lang alam kung ano ang ibabawi niya. Either way, tangina pa rin niya at hinahabol na siya ng apoy sa impyerno sa sobrang bwisit siya.
Ilang sandali lang na paghihintay ay nagsimula na ang orientation. Si Miss Yumiko ang nag-opening remarks and such. May kung ano-anong keme siyang sinabing hindi ko masyado pinapakinggan dahil nadi-distract ako sa nakatayo sa gilid ng lamesa. Naiinis ako dahil 'yung hitsura niya parang may binabalak.
Nagtiim ako ng panga nang magsimula na ang nomination para sa bagong representative ngayong year. Since ga-graduate na sina Miss Yumiko, kailangan ng mag-assign ng bagong rep. Alam kong graduate na sila next year, thesis na lang.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romansa[BOYS' LOVE] (REVISED VERSION: MAY 2024) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ They say life is about compatibility. When you are pai...