Chapter 27

19K 660 624
                                    

Chapter 27: A Lot to Take In

#DittoDissonanceWP

Something is cooking? Don't forget to vote and enjoy! Just trust the process of the story. Thank you <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ma-frustrate lalo habang nakaupo sa labas ng convenience store at naga-almusal ng wheat bread with coffee.

I let out a deep sigh, and the cold breeze followed along. Inayos ko ang buhok kong nilipad ng hangin bago sumimsim sa kape. This is getting much more annoying and beyond frustrating. Fuck. . .

Hanggang ngayon hindi ko pa rin napoproseso lahat ng nangyari kani-kanina lang. Kagigising ko lang at makikipag-sex lang sana ako then papasok. Tangina, biglang sobrang ang daming nangyari. Nao-overwhelm ako at hindi ko maiwasang hindi magalit sa lahat ng bagay at this point. I need to be alone for a while. Ayaw ko munang kausapin sina Magnus. Isa pa, mga lasing din 'yon. Panigurado masaya silang tatlo. Inaasahan din siguro nila na masaya ako dahil nga may babae akong naiuwi, but things got out of hand.

Sanay naman na akong dini-deal mag-isa ang mga problema ko. Sabihan ko na lang sina Magnus kapag mabuti na 'yung pakiramdam ko. Sa ngayon, gusto ko na lang munang pumasok sa tapos 'saka ko na iisipin 'yung trabahong puwede para sa akin. Mag-apply kaya ako sa mga night clubs? At least nakakapagtrabaho ako at nakakapaglibang din. Puwede naman siguro 'yon, 'no? I should try to inquire.

You got this, Caiden. You already survived a lot of things alone.

My mind is so messy right now. Maliligo na lang muna ako baka sakaling ma-refresh ang utak ko at somehow mas ma-process ko na nang maayos ang lahat ng nangyayari. Dinala ko na lang ang kalahating balot ng wheat bread na binili ko dahil tatlong piraso lang ang nakain ko.

This is just so. . . overwhelming. Baka maging sensitive ako sa mga susunod na araw at maging mabilis magalit lalo, though I'll also try to fix that one.

Punong-puno ang isip ko bigla. I need some days to recover from this. Hindi ko alam kung saan galing ang mabigat sa dibdib ko. Marami rin naman akong mali, kaya kailagan kong ayusin 'to lahat.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Ilang minuto na akong nakatulala habang nakaupo sa kama. Nasa CR si Mishael at naliligo. Gusto kong umiyak sa biglaang pagbigat ng dibdib at isip ko. Mabilis pa naman ako ma-overwhelm at kahit maayos naman ang pamilya't kaibigan ko, hindi ako exempted sa pagkakaroon ng anxiety. Nati-trigger pa rin ako nang mabilis kahit maayos naman ang childhood ko.

Napahilamos ako sa mukha habang pilit pa ring kinakalma ang sarili ko. Kani-kanina pa ako nakaupo rito sa kama mula no'ng pumasok ako sa room, pero nanginginig pa rin ang kalamnan ko.

Marami ka pang gagawin ngayong araw, Zern. Kaya mo 'to.

Kani-kanina ko pa rin sinasabi sa sarili kong 'wag ng mag-overthink, pero hindi ako maka-recover pa. Panigurado, 'paglabas ni Mishael kailangan kong i-explain sa kaniya 'yung nangyari at kailangan ko rin mag-sorry dahil sa na-witness niya. Kanina ko pa 'yan ino-overthink dahil nasa CR na siya 'pagpasok ko pa lang ng room kaya hindi kami nagkita agad.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon