Special Chapter 2: Ashton

32.7K 1K 920
                                        

Special Chapter 2: Ashton

Hi, Daris! This is an introduction of Ashton's character. You can read more of him in his story: Flowers in Volcano. The second installment of the Yellow and Mishaps Series.

Trigger Warning: Death & Violence

Enjoy and don't forget to vote!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Grade 6

"Bakit ayaw mong mag-basketball, Ashton?" Leroy asked me while eating his club sandwich.

I sighed deeply. "Ayaw kong magkasugat. Hindi gusto ng Daddy ko. Mas lalo niya akong susugatan kapag nagkaroon ako ng sugat," malamig kong sabi habang mabagal na nginunguya ang binili ko ring sandwich.

Humalakhak si Leroy. "Baliw ba sila? Bakit ka naman niya susugatan, eh, may sugat ka na nga?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Ang mga mata ko ay nakabagsak sa hawak kong sandwich habang mabagal ang pagnguya.

Kaklase ko si Leroy, 'yon lang siya. Nilalapitan niya ako kasi crush niya raw ako. Kung ano-ano'ng tinatanong niya sa akin kahit hindi ako interesadong magkaroon ng kausap.

I hate people.

Nahihiya ako. Mabilis akong ma-awkward at mabilis akong matahimik.

Good for Leroy, I thought he had nice parents. I didn't know much about sexuality, but I was aware of when a boy liked a boy instead of a girl. I was a bit uncomfortable with the idea of it. I didn't know. I didn't have much interest.

The next day, Leroy followed me everywhere. He always told me about his day and shared his sandwich with me. Kinukuwento niya ang tungkol sa mga gusto niyang bagay tulad ng cartoons na pinapanood niya galing school at habang kumakain ng dinner.

Hindi ko alam kung bakit niya ako crush. Tahimik ako at walang kaibigan. Hindi ko nga alam kung ano ba 'yong meaning ng pagkakaroon ng crush. Ang alam ko lang ay tungkol 'to sa paghanga sa isang taong maganda or guwapo.

"Tsaka alam mo ba, pupunta kami ng family ko sa Disney Land! Favorite ko kasi si Mickey Mouse. Sabi ni Daddy, kung gusto ko rin bang maging daga katulad ni Mickey Mouse. Ang sabi ko, papayag lang akong maging daga kung ako si Minnie Mouse," sabi ni Leroy at humalakhak.

Napatingin ako sa kanya. Tuwang-tuwa siya sa kinukuwento niya kahit hindi ko sinasagot. He enjoyed my company kahit halata namang wala akong interest sa mga sinasabi niya.

But somehow... I'm kind of enjoying his company as well.

His voice became the noise cancellation for my head. Natutuon ang atensiyon at isip ko sa mga sinasabi niya kahit hindi ako mahilig sa mga topic na sinisimulan niya. Bukod pa ro'n, hindi ako makuwento at hindi ako madaldal.

Until... Leroy and I became friends. Not just friends, but close ones.

Every day, he would always share his food with me, kaya hindi na ako bumibili ng pagkain dahil nabubusog na ako sa mga binibigay niya sa akin.

Araw-araw din siyang may dalang kuwento kaya aliw na aliw ako. Nasanay akong makinig sa mga kuwento niya at 'yon ang naging dahilan ng pagka-excite ko tuwing magre-recess na.

Kung noon, hindi ko siya tinitingnan at hindi ako nagre-react, ngayon palagi na akong nakatingin sa kanya at nakikitawa ako kapag tumatawa siya. 'Yon nga lang, hindi ko pa rin magawang magkuwento dahil wala naman akong magandang ikukuwento.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon