Chapter 5: Ditto Quarrel
#DittoDissonanceWP
Please don't forget to vote for this chapter! Thank you and enjoy!
Warning: Excessive Cursing. Please be advised. Read at your own risk.
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Potaena.
"Ang anghang, Ashton. Buwisit ka," singhal ko sa kaniya at lumagok ulit ng isang basong tubig. Busog na ako kaiinom ko ng tubig. Hindi ko na na-enjoy 'yung ramen. Pota talaga.
Humalakhak si Ashton. "Hindi ninyo naman sinabi kung maanghang ba o hindi. Eh,di sinabi ko na lang extra spicy," sabi ni Ashton, nagpapanggap na walang mali sa sinabi niya.
"Alam mo namang hindi mahilig 'yang si Zern sa maanghang," sarkastikong sabi ni Leroy at halatang tuwang-tuwa sa pinlano ni Asthon na prank sa akin.
"Ay, oo nga pala! Sorry, nakalimutan ko, Zern. Pasensiya na," sabi ni Ashton para sakyan 'yong pagiging sarkastiko ni Leroy saka sila sabay na humalakhak.
Nginiwian ko lang sila at umaktong nakikitawa rin sa joke nila. Gusto 'ata masabitan ng medal ng dalawang 'to.
"Hahaha!" sarkastiko kong sabi at kinuha ang tinidor kong galing sa mainit kong ramen saka tinusok 'yon sa forearm ni Ashton.
"Aray ko, ang init!" inda ni Ashton, pero nagpatuloy pa rin sila sa paghalakhak ni Leroy.
"Hala, nanunusok na ng tinidor!" sabi ni Leroy na hindi pa rin tumitigil sa pagiging sarcastic niya. Isa pa 'tong sasakalin ko, eh. Tuwang-tuwa si Bading porke mahilig silang dalawa ni Ashton sa maanghang.
Humahagalpak ng tawa si Ashton at hindi na makakain. Mukhang tawang-tawa na rin 'to kanina pa habang umo-order at nai-imagine na ang magiging reaction ko sa prank niyang mukhang successful naman ang kinalabasan. Dahil putang-ina, hindi ko na makain'tong ramen. Sayang lang pera ko.
Nanahimik na ako't binalingan na lang ang lamesa. Ang akala ko ay titigil na sila sa pang-aasar pero mas lalong lang humalakhak si Leroy. 'Yon naman ang goal nila e, pikunin ako. Kaya muli akong nag-angat ng tingin sa kanilang dalawa para tingnan sila nang madiin.
"Stop na. Sige na, sorry na. Joke lang, Zern," maamong sabi ni Ashton saka agad ding tumigil sa pagtawa.
Nangunot ang noo ko nang kinuha niya ang wallet niya at naglabas ng pera. "O,'ayan. Libre ko na 'yang ramen sa 'yo, 'tapos ito 'yong pera na exact price niyan para pambili mo ulit next time," sabi ni Ashton.
Kinunotan ko siya ng noo habang nakataas ang isang kilay. Ngumiti siya nang malawak na parang natatawa na naman kaya kinuha ko na nang padabog 'yong pera na iniaabot niya dahil baka bawiin.
"As if naman makakain ko 'yong ramen na binili mo. Ang anghang, bwisit! Saka parang binalik mo lang din 'yong pera ko," singhal ko saka siya sinimangutan.
Humalakhak na naman sila ni Leroy. Tuwang-tuwa na naman siguro sila dahil pulang-pula ako sa sobrang anghang. Sobrang init din ng bibig ko. Gusto kong lumaklak ng maraming gatas.
"Bahala kayong dalawa! Bibili na lang ako ng kape. Sobrang anghang!" reklamo ko at kinuha ang phone ko sa lamesa bago nagmartsa paalis.
Iniwan ko sila ro'n na tawa pa rin nang tawa. Sobrang ingay nila kahit medyo nakalayo na ako sa puwesto namin.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romansa𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
