Chapter 19: Good, War's Over
#DittoDissonanceWP
Don't forget to vote <3 malapit na tayo sa exciting part. mehehe :P enjoy!
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: MAY 2024]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Ngiwing-ngiwi ako nang pagka-add sa akin sa GC ng subject ko kanina ay bumungad ay dalawang activities. Dalawang plates agad? Putangina. Akala ko pa naman makakapaghayahay ako.
Inabot din kami ng alas-dos sa kakachikahan nina Leroy. Since walang pasok si Ashton ng Monday, makakasama pa siya sa amin ni Leroy mag-ice cream sa tabi ng Tafiti's Cafe. At saka parang bet ko rin magkape. Para hello CR ako talaga mamaya. Ngayon pa lang sasabihin kong deserve ko 'to dahil excuse nga sa klase kanina, may nag-hello naman sa aking dalawang activities agad.
"Nakakainis talaga, may dalawang activities agad ako. Hello to the world talaga," sabi ko habang nakasimangot.
Inakbayan ako ni Ashton kaya nilingon ko siya. Kinunotan ko siya ng noo pero nanatili lang ang ngiti niya sa akin.
"Libre kita ice cream. Alam kong magkakape ka rin kaya libre rin kita ng kape," sabi ni Ashton kaya nagningning agad ang mga mata ko.
"Sabi mo 'yan, ah!" sabi ko at tinuro pa siya pero tinawanan lang niya ako bago tumango.
"Ang lungkot ko rin grabe! OMG, sobrang lungkot. Gusto ko rin ng kape at ice cream. Sobrang lungkot ouch! Sakit ng heart ko!" napatingin kami kay Leroy nang bigla siyang nagdrama.
Humalakhak kaming tatlo. Inakbayan din siya ng Ashton, "Oo, ikaw rin. Mas maarte ka kay Zern, e. E 'di baka nagdabog ka ro'n at gumulong-gulong sa sahig kung hindi kita ililibre, 'di ba?" sabi ni Ashton kaya humalakhak ako.
"Ang OA mo naman! Pero totoo naman, chariz," sabi ni Leroy kaya mas lalo kaming nagtawanan.
Hindi ko maitigil ang pagtawa ko dahil ang ingay namin habang naglalakad. Para kaming mga tanga. Sugar Daddy talaga namin si Ashton. Kaya konting request lang namin ay pumapayag agad siya. Minsan nga wala na akong nagagastos, puro si Ashton na lahat. Pero minsan, ako na lang din gumagastos sa sarili ko at nililibre ko rin sila ni Leroy.
Soft serve ang pinabili ko kay Ashton at bilang gaya-gaya 'yung isang bading 'yon din ang in-order niya. Nagiirapan pa kaming dalawa kaya natatawa si Ashton dahil para raw kaming tanga. Pero ipo-portray ko nang mabuti ang pagiging kontrabida ko kaya tinataasan ko pa rin ng kilay na may kasamang sama ng tingin si Leroy.
Hindi bumili si Ashton ng ice cream, gusto niya raw mag-frappe. Hindi ko pa ubos ang soft serve ko ay in-order-an na ako ng Spanish Latte ni Ashton. Nandidiri kong tiningnan si Leroy habang namimili siya ng o-order-in niya kasi baka gayahin niya ako ulit. Inirapan niya ako at saka natawa.
"Para kayong tangang dalawa. Ikaw na bumili ng iyo, Leroy. Ang tagal mo mamili," sabi ni Ashton habang natatawa bago ibinigay kay Leroy ang perang pambayad sa order naming tatlo.
Mahina kaming natawa ni Ashton nang hilahin niya ako sa napili naming table. Nilingon pa kami ni Leroy habang nakakunot ang noo dahil tumatawa kami ni Ashton. Hindi ko rin maintindihan ang trip namin. Putangina. Mamaya iiyak na naman ako sa mga activities ko. Dalawa subject ko bukas, kaya putangina. Trahedya na agad.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance[BOYS' LOVE] (REVISED VERSION: MAY 2024) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ They say life is about compatibility. When you are pai...