Chapter 55

37.1K 1.1K 1.1K
                                        

Chapter 55: A New Happy Place

#DittoDissonanceWP

Enjoy, Daris! Don't forget to vote!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Hindi gano'n katao ngayong shift ko kaya kung minsan ay nakikigulo ako kina Ashton. Gumagawa si Ashton ng activity habang si Leroy ay nagre-render na ng logo namin. Nasabihan ko rin siya na pinaplanong gumawa ni Caiden mamaya pagkatapos ng shift namin. Baka mamaya na rin ako magsimulang mag-sketch.

Kung minsan din ay napapatingin ako sa kabilang store—sa Ginto's—kung kumusta naman kaya si Caiden. Hindi na siya maalis sa isip ko. Lalo na 'yong sinabi niya kanina bago kami naghiwalay.

Tangina lang talaga. He's into me? So, dapat na talaga akong mag-assume, 'no? Wala naman sigurong friends na gano'n, 'di ba? Totoo naman na 'to, 'di ba? Nag-kiss na nga rin kami. Nagtabi na kami matulog. May mga sweet gestures din siya. Yeah. . . oo nga, ito na nga 'yon.

This is my first time experiencing this. Wala pang lalaking gumawa sa akinnang ganito.Wala pang lalakingnagpa-feel sa akin na safe ako bukodkina Ashton. And so far... I was liking it at hindi ako natatakoto kinakabahan sa magiging outcomenito.

Palagi kasing may constant assurance na binibigay sa akin si Caiden. Palagi niyang tinatanong kung ano 'yong nararamdaman ko at nagso-sorry agad siya kapag na-feel niyang hindi ako comfortable. He always cared.

Pero tao pa rin si Caiden, may flaws pa rin akong nakikita sa kanya. Marami pa rin siyang pini-figure out talaga sa sarili niya, at alam kong tina-try niya ring mag-step up. To accept things as they were and as they were not.

Overall, he was a good person. He had a nice family. He had an ambition. His friends were average but normal. He knew what respect was. And he knew how to make me smile—to make me happy.

For now, kahit may mga naliwanag na sa akin, ayaw ko pa ring i-overthink. I'd just accept things as they were. Hindi ko na gaanong io-overanalyze para hindi ako ma-drain. 

Kung ano ang mayroon ngayon, 'yon na lang. Naniniwala naman ako kay Caiden, at gano'n din ang paniniwala ko kina Ashton at Leroy.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Hinintay ako nina Ashton at Leroy hanggang sa matapos ang shift ko. Marami na ring natapos si Ashton na mga gagawin at natapos na rin ni Leroy 'yong isang logo namin.

Umupo ako sa tabi ni Ashton saka sinuksok ang braso ko sa braso niya. Mahina siyang natawa nang tingnan ako, kaya ngumiti ako na parang baby.

"Mag-CR lang muna si Leroy tapos tara na raw," sabi ni Ashton.

Tumango ako bilang sagot.

Tumango ako. "Okay ka lang, Ash? Okay ka na? Hindi ka na nalulungkot?" maamo kong tanong.

"Uh-hmm. Okay na ako. Nakausap ko na si Caiden. Nakausap niya rin pala si Leroy. Okay na ako ro'n. Ang wino-worry ko lang kasi, hindi ka niya mapahalagahan kagaya ng pagpapahalaga namin sa 'yo. Ayaw kong magmukhang territorial, pero gusto ka lang naming protektahan," sabi ni Ashton.

Sumandal ako sa balikat niya. "I know... naiintindihan ko kayo ni Leroy. Never kong na-feel na pinapangunahan ninyo ako. Nabibigatan lang din ako minsan. Kasi may care din ako sa inyong dalawa. Ang mahalaga ngayon ay okay na kayo ni Caiden. He likes me..."

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon