Chapter 65: Nonstop
#DittoDissonanceWP
Daris! We have an official group, link in my bio.
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Caiden and I sat through the film while my heartbeat refused to settle. Ilang minuto na kaming nanonood, pero hindi ko pa rin ma-process nang maayos 'yong nangyayari. He didn't clarify anything as well. Basta kami bumili ng drinks at kinuha ko ang ticket ko saka dumeretso sa loob.
Napatingin ako sa kamay ni Caiden nang gumalaw 'yon para kuhanin ang drink niya. Ngayon ko lang napansing suot niya pala ang bracelet na bigay ko.
Kahit gulo-gulo ang isip ko, napangiti ako't napatingin kay Caiden na tutok ang mga mata sa pinapanood habang tipid na sumisipsip sa straw.
Did he plan this? If so, how? How did he plan all of this?
Inilapag na ni Caiden ang inumin niya at saktong napatingin din siya sa akin. Maaliwalas ang kanyang mukha saka maamong ngumiti sa akin.
Caiden wiped the edge of my mouth with his thumb. "What's the matter, baby?" he whispered.
Napangiti ako saka umiling. "Tell me everything about this later..." bulong ko.
He chuckled, leaning closer to my ear. Nagsitayuan ang balahibo ko sa leeg nang sinadya niyang patamain ang mainit niyang hininga ro'n.
"I love you. . ." he whispered.
Napangiti ako at napapikit nang halikan niya ang pisngi ko. Our eyes met the moment he settled back into his seat, and he was still wearing that sweet smile.
Inginuso niya ang pinapanood namin kaya sabay kaming mahinang natawa, kaya binalingan ko na 'yon at nagsimula na ring manood.
Kumain na rin ako ng popcorn dahil sobrang dami nito, mauubos ko siguro 'to hanggang sa matapos ang movie.
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Alas-tres pasado na rin nang natapos ang movie. Hindi naman gaano marami ang nanood. Kami nga lang ni Caiden ang nasa likod, halos lahat ng mga nanonood nasa unahan. Pero hindi ako hinalikan ni Caiden kasi may nagbabantay sa gilid.
Tinulungan din ako ni Caiden na ubusin 'yong popcorn na binili ko, dahil 'yong pinakamaliit 'yong binili niya para sa kanya kaya naubos agad.
Our hands were intertwined as we exited the cinema. Iniiwasan kong tumingin sa mga tao para hindi ako mahiya. Nag-focus lang ako sa presence ni Caiden at sa mga kamay naming magkahawak.
"Are you hungry? Gusto mo ba mag-snacks? Gusto kong alisin sa bibig ko 'yong lasa ng popcorn," sabi ni Caiden at mahinang natawa.
Mahina rin akong natawa. "Sige, mag-DQ tayo tapos ikuwento mo na sa akin 'yong nangyari... Hindi ako papayag na hindi ko malalaman," sabi ko kaya lalo siyang natawa.
Sumimangot ako kaya bumaba ang mga mata ni Caiden sa mga labi ko. "CR muna tayo siguro. . . malaki CR dito sa sinehan, e. . ." sabi ni Caiden.
Hindi na ako nakaapila dahil mabilis niya akong hinigit papunta sa CR.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
