Chapter 37

32K 1.3K 1.2K
                                        

Chapter 37: The Struggle

#DittoDissonanceWP

I hope you enjoy this chapter! Don't forget to vote!

Short Note: You'll probably see a few errors near the end. I couldn't fix them because it would erase the inline comments. I just love revisiting your comments here.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"So, kailan mo gagawin 'yong activity na in-assign kanina ni Ma'am?" sabi ni Leroy habang naglalakad kami palabas ng BS Architecture's building.

I pouted. "Ewan ko! Ang dami niyang pinagawa tapos deadline bukas agad ng gabi. Pagpupuyatan ko na lang mamaya. Na-stress ako bigla."

I sighed deeply. "May klase pa tayo mamayang alas-singko. Tapos babalik pa ako sa Tafiti's by 9 PM at hanggang alas-onse ako ro'n. Pagbalik ko sa dorm, gagawa ako ng activity. Bukas kasi busy rin ako. Sa umaga, nasa school ako. Tapos sa hapon hanggang gabi, nasa trabaho naman ako."

Leroy chuckled with comfort. "Aww. Kawawa naman ang main character kong friend, nai-stress na."

Napabuntonghininga ulit ako pero kaagad din akong napangiti nang makita ko si Ashton na hinihintay kami sa labas ng building. Ngumiti rin siya nang mamataan na kami ni Leroy.

"Ashton!" maligaya kong bungad 'saka siya niyakap. Nagulat si Ashton pero niyakap niya rin ako pabalik at natatawa pa.

"Stressed na ang Disney princess natin, Ashton. Kanina pa 'yan nagrereklamo. Ang dami kasing gagawin," sabi ni Leroy at mahinang natawa.

"Aww... Stressed ka na?" sabi ni Ashtonsa akin pagkahiwalay ko sa yakap.

Tumango ako. "Oo, buwisit na 'yan. 'Pag namatay na ako, sisihin ninyo 'yong Tafiti's. Charing," sabi ko at mahinang tumawa.

"Ice cream tayo?" alok ni Ashton.

Tumango ako at lumiwanag ang mukha. "Sige! Kaso hindi pa tayo makakatambay dahil may klase pa rin tayong tatlo."

"Yeah, may klase pa ako ng 5 p.m. then ang tapos ko pa ay 7 p.m." sabi ni Ashton at mukhang pagod na rin.

"Kami hanggang alas-otso pa. 'Tapos babalik si Zern sa Tafiti's ng 9 p.m.," sabi ni Leroy at mukhang na-stress na rin para sa akin.

Ashton chuckled softly, then walked over and put his arm around me. "Tara na nga. Pagkain lang naman nagpapawala ng stress ninyo," he said, tugging Leroy closer so he could sling an arm over him as well.

Mahina rin kaming natawa ni Leroy bago kami nagsabay-sabay maglakad papunta sa bilihan ng ice cream. 

Kung ano-ano ring kinuwento ni Ashton sa klase niya kanina at may mga gagawin din siya. Hindi niya sinasabing nai-stress na siya dahil hindi siya sanay na nagve-vent out masyado. Tinatawanan niya lang 'yon pero alam namin ni Leroy na nabibigatan din siya.

Umupo muna kami sa tabi ng daan, sa tapat ng ice cream store, habang dinadamaang malamig na simoy ng hangin kasama ng aming soft serve. Tahimik at ilang oras na lang, didilim na ang langit. Mailap ang mga sasakyan pero may iilang mga naglalakad.

Napangiti ako at nilingon ang dalawa kong kaibigan na busy sa pagkain ng soft serve nila. Since katabi ko si Ashton, siya ang napatingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay pero umilingako at ngumiti rin pabalik. 

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon