Chapter 15

22.4K 701 127
                                    

Chapter 15: Crazy Things

#DittoDissonanceWP

Don't forget to leave a vote <3

Warning: This chapter contains scenes that may trigger you in any possible way. Please be advised. Read at your own risk. I want to remind you that my characters are not perfect, they are bound to create mistakes throughout the story. You don't get to decide for them.

Don't forget to vote and enjoy. Thank you!

.゜゜・・゜゜・..゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"Sa paanong paraan mo naman sisirain ang araw niya?" Tanong ni Leroy habang dahan-dahan ngumunguya.

Binalingan ko ang table nila 'saka mahinang natatawang ibinalik ang gawi ko kay Leroy. "Mang-aasar lang naman ako. Kung gusto niyang makipag-asaran at manira ng araw, madali lang naman akong kausap," sabi ko 'saka isinubo ang hiniwa kong pancake.

Mahinang natawa si Ashton. Habang si Leroy ay nangingiti nang nakaloloko. Mas masarap kasi manggago kapag ginagago ka. Kung naiirita siya sa akin, 'wag siyang mag-aalala dahil the feeling is mutual.

Umangat ang kilay ni Leroy 'saka may inginuso. "Tumayo na si Caiden," sabi ni Leroy.

Maagap akong lumingon sa nginunguso ni Leroy. Sarkastiko akong mahinang natawa habang pinanonood siyang dere-deretsong naglalakad papunta sa CR. Mukhang hindi niya kami napansin dahil tuwid lang ang mga mata niya habang naglalakad.

"Wait lang, ah. May aasarin lang ako sa CR. Maninira lang ng araw," sarkastiko kong sabi bago tumayo 'saka sila iniwanang dalawa na natatawa't napaiiling na lang sa gagawin ko.

Naabutan ko siyang nakapasok na ng CR at kasasarado lang ng pinto. Prente akong pumasok do'n at do'n na na nagtagpo ang mga mata namin. Habang siya ay nakangiwi, ako naman ay nakangiti sa kaniya nang matamis na matamis.

'Pagpasok ko sa CR, nadatnan ko siya malapit sa pinto. Mukhang papunta pa lang sana siya sa sink, kaso natigilan siya't napalingon sa gawi ko.

Nalukot agad ang mukha niya habang ako ay sarkastikong nakangiti sa kaniya. Kakikita pa lang niya sa akin, nasira na agad 'yung araw niya.

"Hi, nakita na naman kita. Parang palagi tayong pinagtatagpo, ah? Iniisip ko tuloy baka may ibig sabihin na. Hindi mo naman ako siguro sinusundan, 'di ba?" Malambing at casual kong sabi na parang close kami.

Mas lalong nalukot ang mukha niya. "You expect me to answer that nonsense statement? Why are you even talking to me? Can you just fuck off for once? Naaalibadbaran ako sa 'yo, e," iritadong sabi ni Caiden.

Mas tinamisan ko ang sarkastiko kong pagngiti 'saka humakbang kaya nangunot ang noo niya't bumaba ang mga mata sa ginawa kong paghakbang, pero muli niya rin ibinalik ang tingin niya sa mukha ko.

One thing that irritates this kind of person is to ask them nonsense questions and comments. To give baseless compliments in the form of gaslighting. To make them believe that you're curious about their well-being.

"Ang guwapo mo pala talaga, 'no? May girlfriend ka na? Guwapo ka sana, kaso naamoy ko kanina hindi ka pa ata nakapag-toothbrush. Pero okay lang 'yan, guwapo ka pa rin naman. Ano in-order mo rito?" Matamis kong sabi.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon