Chapter 49: Opacity and Proximity
#DittoDissonanceWP
AUTHOR'S NOTE: tenchu for waiting! don't forget to vote :) enjoy! always and always kong ma-appreciate ang votes and comments ninyo :> cute lahat ng reactions hahaha
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Alas-diez na ako ng umaga nagising ng Wednesday. Sinulit ko talaga 'yung day-off ko putangina. Sabi ko kina Ashton, hindi ako puwedeng hindi makatulog nang mahimbing kagabi. Sinabihan ko rin sila na 'wag akong ayain mag-almusal nang sobrang aga. Sinabayan naman nila ako, gigising na lang din daw sila ng mas late.
Nakapagkuwentuhan din kami saglit ni Mishael habang nagbibihis siya. May lakad daw sila ng girlfriend niya. Sakto raw kasi na-cancel 'yung pasok niya ngayong Miyerkules. Hindi ko na rin kasi siya gaano nakakausap dahil salungat 'yung schedules namin.
Dahil maganda ang gising ko, naligo na rin ako agad para mas guminhawa ang umaga ko. 'Pagkatapos, nag-chat na ako kina Leroy.
Mga bading (except kay Ashton)
Zern:
@everyone gising na kayo? nagising na me kanina, nakaligo na ako.
Ashton:
Nakahiga ako. Hinihintay kita magising. Hinihintay ko chat mo HAHAHAHA
Leroy:
Sakto pala! Sa sobrang inip ko hindi na ako makapaghintay at nagugutom na ako kaya otw na me sa dorm mo zern HAHAHAHAHA
Zern:
Okay, bihis ka na rin Ashton HAHAHAHA kain tayo. Gutom na rin ako. Ano gusto niyo kainin? Kayo naman magdecide palaging yung main character nagdedesisyon e. Kakapagod din kaya mag isip HAHAHAHAHA
Ashton:
Sa Aritori nalang tayo ulit. Gusto ko ng pasta :D
Zern:
Sige HAHAHAHA kaso baka maging hyper na naman si Bading.
Napatingin ako sa pinto nang narinig ko sa labas si Leroy kaya tumayo na ako para labasin siya.
"Nabasa ko 'yon!" bungad ni Leroy sa akin habang nakataas ang kilay.
"Ano? Totoo naman, ah. Tikman ko nga 'yon, parang gusto ko rin ng matamis ngayon. Masarap kasi tulog ko. Maganda ang mood ng main character mong friend ngayon," sabi ko at ngumiti na parang nanalo ng award sa stage.
Nginiwian niya ako. "Nagugutom na ako, teh. Kaya tara na," sabi ni Leroy at nauna na maglakad.
Humalakhak ako't isinarado na ang pinto. Tinulak ko pa ang pinto para i-check kung naka-lock 'yon. Susunod na sana ako kay Leroy nang bigla kong narinig na bumukas ang pinto ng dorm ni Caiden.
Nakangiti akong lumingon. "Hi, Caiden!" sabi ko at kinawayan siya.
Mukhang nakaligo na rin siya at ready na rin lumabas. Baka maga-almusal din. May try-outs pa sila mamayang ala-una. Tapos may party naman ng alas-sais. Ang cute naman ng araw na 'to! Wala akong gagawin!
"Hi, Zern. Good morning. Saan ka punta?" nakangiting sabi ni Caiden 'saka isinarado ang pinto niya.
"Mag-almusal kami nina Leroy. Nagpa-late ako ng gising kasi day-off naman. Deserve ko rin matulog nang mahaba-haba," sabi ko at mahinang tumawa.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance[BOYS' LOVE] (REVISED VERSION: MAY 2024) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ They say life is about compatibility. When you are pai...