Chapter 29

33.3K 959 643
                                        

Chapter 29: Colors of Caiden

#DittoDissonanceWP

Read this note: I understand your frustration about Caiden. But I like Caiden as his writer. I know how he works. If you would like to see Caiden just like how I see him, you should continue reading. Hindi ko naman isusulat si Caiden para lang inisin ang mambabasa, I like growth. It makes us human. It helps us to realize that there's a chance. We would seize it if we wanted to. 

He is a great person. There are just some things that need to be fixed. He needs realization. He can accept corrections. He respects his mother and father. He's young. He will learn. Just trust the process and believe that novels are novels. It will always have its building process, climax, and resolution. 

But again, I am not pleasing anyone for this story. Kung sino ang may gustong magbasa, maaring magbasa. Kung ayaw, maghanap ng story na pasok sa taste. 

I write deep stories. You always have to analyze and learn to be patient as you read my stories. Once you get it, you'll know it. As a reader, you have to read it properly and enjoy it as well.  

Hindi na dapat lahat sinasabi at sobrang binibigay.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"So, ita-try muna natin unang mag-inquire sa Ginto's Coffee. 'Tapos kahit hiring din sa Ginto's, ita-try pa rin nating mag-inquire sa Tafiti's?" sabi ko kay Magnus habang naglalakad kami palabas ng school.

Tumango si Magnus. "Oo, p're. Mas maganda kung may iba ka pang choice. Kung kaya, puwede ka ring mag-apply sa iba pang coffee shop," sabi niya at tumango-tango ako bilang pagsagot.

Pagkarating namin sa Ginto's, nag-inquire agad kami sa cashier. Nakangiti siya buong pag-uusap namin at hindi iniiwas ang tingin sa mga mata ko.

Mukhang type niya ako?

Kaso mas gusto ko munang mag-focus sa mga dapat gawin. Kung dito rin ako magtatrabaho, hindi rin siguro maganda na magkaroon ako ng ka-hook up dito.

'Pag student pa lang pala, kailangan lang ng resume, isang valid ID at school ID. Hindi ko na need kumuha ng TIN ID. 

Kailangan ko ring magpasa ng registration form na enrolled ako. Mayroon na ako n'on kaya resume na lang ang gagawin ko. Papatulong ako kay Echo kung ano-ano ang mga kailangan kong ilagay.

Tulad ng sinabi ni Magnus, pumunta rin kami sa Tafiti's para mag-inquire kaso hindi raw sila hiring. Okay lang kasi open naman sa Ginto's.

Nase-stress na nga ako sa mga kailangan kong gawin. May mabigat na nakatanim sa aking pressure at frustration. Kailangan ko ring i-process ang mga nangyayari, tapos bigla kong malalaman na kinausap na pala ni Zern ang cashier ng Tafiti's na 'wag sabihing hiring sila.

Kung hindi ko pa narinig 'yong sinabi n'ong cashier tungkol sa application niya, hindi ko pa malalaman. 

I mean, can you believe that? 

Paano kung hindi hiring sa Ginto's? Eh, di kailangan ko pang maghanap ng iba pang puwede? Paano kung may nahanap na nga ako, kaso magiging hassle sa pag-travel at maging conflict sa schedule ko lalo? 

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon