Chapter 41

32.2K 1K 495
                                        

Chapter 41: Family and Intrusiveness

#DittoDissonanceWP

Daris! I hope you're enjoying the story. Don't forget to vote!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"I'm sorry. I didn't mean to see you—here—naked. I was looking for M-Magnus." I tried to speak straight, but fuck, I'm fucking trembling inside.

Namumula ang mukha at leeg ni Zern pero sinubukan niya pa rin akong tingnan deretso sa mga mata. He looked agitated, but I didn't know what to do. I didn't fucking know!

Ano ba'ng gagawin ko? Tangina. Fuck.

"It's okay. It's fine, Caiden. Ah... uh... You can... uh... leave now," sabi niya at umiwas na agad ng tingin.

Tumango agad ako. "I think so, too. Sorry, Zern. I didn't mean to make you uncomfortable. I'm sorry," sabi ko at tipid na ngumiti bago nagmamadaling umalis.

Kung umalis sana ako agad, hindi na sana niya ako nahuli. Bakit ba kasi ako sumilip pa ulit? Nakakahiya. Sana hindi 'to maging another reason para maging awkward kami. Tangina naman.

Ramdam ko pa rin ang pamumula ng buong mukha ko paglabas ng natatorium. What just happened? What did I do? At ano 'yong ginawa kong pagtitig sa kanya? This was too much to take in. Fuck. Nakakahiya talaga.

Hanggang sa shift ko ng ala-una, iniisip ko pa rin nang iniisip 'yong kahihiyan na nagawa ko. Habang nagtitimpla ng kape, bigla na lang akong mamumula at mapapapikit. Tangina talaga. Nakakahiya.

Iniisip ko pa kung nasaan sina Magnus. Hindi ko pa sila nakikita ngayong araw. Ni hindi rin nila ako kino-contact. Ano kayang nangyari do'n? Bakit hindi pumasok si Titus at bakit hindi nagre-reply si Magnus? Tangina talaga.

Halo-halo na nasa isip ko. Baka bukas ko na lang kausapin sina Magnus or mamaya after ng work ko. Ewan ko. Fuck. Sobrang gulo ng isip ko. Baka kailanganin ko pa ng ilang oras bago mag-function nang maayos 'tong utak ko.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Napasapo ako sa mukha ko nang bigla ko na namang naalala ang nangyari kahapon. Putangina talaga. Sa lahat ng puwedeng makahuli sa akin na kumakanta at sumasayaw-sayaw, si Caiden pa. Putangina lang talaga opo. Putangina.

Ang mas nakahihiya pa ro'n, nakahubo't hubad ako! Shutanginamerls.

Hindi first time na may makakita ng buong katawan ko, pero may consent ko kasi 'yon at bading din naman 'yong nakakita kaya walang problema. Hindi nakakadiri para sa kanya o kung anuman.

Pero kasi ngayon... si Caiden! Sa lahat ng tao, siya pa. Puwede naman 'yong hindi ko kilala, at least makakalimutan niya rin ako. Plus, hindi niya rin alam na bading ako. Kaya less awkward, less hiya.

Ano kayang naisip ni Caiden no'ng nakita niya akong nakahubad? Nakakahiya putangina. Baka isipin niya sobrang nakakadiring makakita ng nakahubo't hubad na bading. Kahit naman naging mabait na 'yon sa akin, may mga pangit pa rin 'yon na thoughts. Siyempre, may mga panglalait mode pa rin 'yon for sure.

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon