Chapter 12: Comfort Night
#DittoDissonanceWP
Don't forget to vote! thnx <3
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・
[REVISED VERSION: MAY 2024]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Nakatingin ako sa kamay namin ni Ashton na magkahawak. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko mula no'ng inalisan namin 'yung bwisit na 'yon do'n. Medyo nahuhuli ako ng lakad kaya mas natititigan ko nang maayos ang likuran niya. Maging ang mga kamay naming magkahawak.
I haven't seen Ashton like that before. Iba 'yung galit niya kanina kung ikukumpara ko noon. Galit na galit siya ngayon. Alam kong kung hindi ko siya pinigilan, baka kung ano na ang nagawa niya sa bobong 'yon. Walang utak amputa. Pasalamat siya at inisip ko pa rin siya. Naaawa rin ako sa kaniya dahil sa kayang gawin ni Ashton.
Ilang beses ko ng nakita si Ashton makipag-away, nagdidilim talaga ang paningin niya at marami siyang nagagawang ayaw niyang gawin talaga. Sadyang nadadala na lang din siya ng galit. Ayaw na ayaw niyang inaapi kami ni Leroy. Since magkakaibigan na kami noon na noon pa lang.
Kahit parehas kaming bading ni Leroy, at nakikita as somehow flaw sa kaniya 'yon dahil hindi siya nakipagkakaibigan sa mga lalaki. Wala siyang pakialam. Never niya rin kaming pinag-isipan na type namin siya ni Leroy, o may balak kami sa kaniya. Hindi niya naisip na magkakagusto kami sa kaniya dahil lang hindi kami straight. Hindi niya ginamit against sa amin 'yung sexuality namin ni Leroy.
Instead, he accepted us. He loved and cherished us as his friends. Palagi niya kaming sinusuportahan sa kaartehan namin ni Leroy. Kapag tinatamad kaming maglakad or mag-commute, sinusundo niya kami palagi kahit nagpapahinga siya. Kami na lang mismo 'yung nahihiya dahil papayag agad siya.
Kaya palagi rin naming sinu-surprise si Ashton tuwing birthday niya. Palagi rin kaming naka-support sa paglalaro niya ng basketball. Binibilihan namin siya palagi ng mga kailangan niya at after ng game niya, ililibre niya kami ni Leroy.
Mapang-asar din talaga minsan 'to si Ashton, pero mahal na mahal ko pa rin siya kahit palagi niya akong iniinis. Silang dalawa ni Leroy. Love ko sila kahit minsan bwisit sila. Sobrang na-appreciate ko lang silang dalawa.
Kaya ako nabi-bwisit do'n sa lalaking 'yon. Ang kapal ng mukha niya. Hindi ako tinatrato nang gano'n ng mga kaibigan ko pati ng pamilya ko, tapos siya ide-degrade niya ako na para akong basura kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Uubusin ko lahat ng mura at ire-recite ko sa kaniya nang paulit-ulit para maramdaman niya kung gaano ako kagalit sa kaniyang bobo siya.
Weakness ko siya, sa totoo lang. Dahil sobrang gwapo niya, as in. Talagang sobrang gwapo. Nakakatulala 'yung kagwapuhan niya. Gano'n ka-OA, kasi gano'n talaga ka-perfect 'yung features niya. Ang ganda pa ng physique niya.
Kung sana kasing ganda ng mukha at katawan niya 'yung ugali at pananalita niya, e 'di favorite na anak na talaga siya ni Lord. Kaso may kagat ata 'yung utak no'n dahil siraulo. Kung inayos niya lang 'yung ugali niya at straight siya, e 'di crush ko lang siya at baka naging magkaibigan pa kami.
Feeling main character lang ako minsan, pero hindi ko pipilitin baguhin 'yung straight para lang magustuhan ako. Parang tanga naman. At hindi rin ako manyanyansing or mangmomolestiya kahit gaano pa ako ka-turn on sa moment na 'yon. Matagal na akong walang dilig, pero hindi ko 'yon gagawing dahilan para gumawa ng mga bagay na hindi maganda. Kaya sana naiisip niya 'yon, bobo siyang tanga siya. Tangina niya. Sobrang bobo. Sobrang OA.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance[BOYS' LOVE] (REVISED VERSION: MAY 2024) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ They say life is about compatibility. When you are pai...