Chapter 23: What's Coming?
#DittoDissonanceWP
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]
.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.
Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)
Nakahinga ako nang maluwag matapos tumayo ang grupo nina Caiden para umalis. Tiningnan ko siya pero hindi na siya tumingin pabalik. Samantalang kanina, tingin siya nang tingin.
Nare-realize na ba niya 'yong sinabi ko kanina? Mabuti 'yan. Maging mabait na siya sa ibang tao. Kahit 'wag na niya akong kaibiganin, i-apply na lang niya sa iba 'yong sinabi ko.
Nakakainis lang na hindi niya magawang maging mabait sa ibang tao. Akala niya, siya lang ang nakakaranas ng hirap sa buhay para gawin niyang excuse 'yon to be rude to anyone.
Meron din kaming problema, accla.
Feeling main character talaga 'yong lalaking 'yon, eh. Kung pa-main character kami ni Leroy, first honor 'yong buwisit na 'yon.
Sanasa susunod na mga araw, hindi na kami talaga magpansinan dahil hindi ko siyapapansinin. I-ignore ko siya palagi. Para tumigil na rin siyang buwisit siya.
Pagkatapos naming kumain ni Mishael ay nagpunta kami sa tiangge para bumili ng coin purse niya. Madalas din siya mag-phone. Ina-update siguro 'yong jowa niya. Wala namang chat sa akin si Mama or sina Leroy. Baka nagpapahinga na 'yong dalawang 'yon.
Inaya pa ako ni Mishael maglibot at sumakay sa rides kaso tumanggi ako dahil kailangan ko na rin umuwi. May mga gagawin pa ako at matutulog na ako nang maaga dahil may pasok bukas. Alas-nuebe pa ang unang klase ko. Sana lang walang biglaan na meeting sa org na 'yan, please lang putangina. Bwisit kasi naging president pa. Dagdag responsibilidad. Talaga naman, oo!
Pasado alas-nuwebe na rin nang makabalik kami sa university.
Nagtatawanan pa kami ni Mishael dahil sa kinukuwento niya habang naglalakad kami pababa sa elevator, nang bigla akong nagulat dahil nadatnan naming nakaupo sa hallway sina Ashton at Leroy.
"Anong ginagawa ninyo diyan?" sabi ko at gulat na gulat pa rin.
Tumayo na sila. Ngumiwi naman si Leroy sa akin pero binalingan din si Mishael.
"Hello, Mishael," sabi ni Leroy.
"Hi... Hinahanap ninyo si Zern? Kumain lang kami. Tinupad ko lang 'yong pangako kong libre kasi tinulungan niya ako kahapon mag-unpack," sabi ni Mishael at mahinang tumawa.
"Oo, aayain naming lumabas. Wala kaming magawa ni Ashton, eh. Kaya guguluhin namin ang nananahimik na buhay ni Zern," sabi ni Leroy at ngumiti sa akin nang nakakaasar.
I hissed silently. "Marami akong gagawin, Leroy. Dalawang activity. Inaya pa nga ako ni Mishael maglibot sa perya, kaso inaya ko na siya umuwi. Kayo na lang ni Ashton, mukha namang magka-club kayo."
"Kahit tumanggi ka nang one hundred times, isasama pa rin kita. Hintayin ka namin ni Ashton matapos 'yung activity mo," sabi ni Leroy at mas nilawakan pa ang mapangasar niyang ngiti.
Nakikitawa lang si Mishael kaya bigla akong nahiya dahil lalabas na 'tong kabadingan ni Leroy. Hindi ko ma-trash talk dahil maririnig ni Mishael. Nababaliw na naman 'tong si Leroy at panigurado dinamay niya lang si Ashton.
BINABASA MO ANG
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)
Romance𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗟𝗜𝗕 𝘅 𝗪𝗮𝘁𝘁𝗽𝗮𝗱 [BOYS' LOVE] (REVISED: 2025 VERSION) Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ⋆౨ৎ⋅˚₊‧⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅‧₊˚ ⋅୨ৎ⋆ The...
