Chapter 16

35.9K 1.2K 469
                                        

Chapter 16: Avoiding to be Bothered

#DittoDissonanceWP

Read this note: Just a reminder, the trope of this novel is enemies-to-lovers. Maraming bangayan bago magkaroon ng reconciliation and love story. Marami na akong warning, una pa lang. Kung hindi ninyo type 'yung kuwento, just exit quietly. You don't have to announce your departure. Bakit kailangan, right? Para kasing nanghihikayat kayo na tigilan na lang basahin 'yong kuwento. 

Novels have arcs. Introduction, Rising Action, Climax, Falling Action, and Resolution. Hindi puwedeng mapunta agad sa Climax without building the trope of the story. Therefore, it is meant to be written that way. So you don't get to decide for it. I'm writing this again to remind everyone reading this that my story is not for everyone. Hindi ko pinipilit ang mga tao magustuhan ang sinusulat ko, it's just a matter of chance. Kung bibigyan ninyo ng chance ang kuwento ko, doon lang 'yon lahat magva-vary. It's all about the intention of the reader. 

Again, I am a fan of character development. That's all I can promise to you as the reader of my story. I always love it when my characters realize what they should have done instead of making the mistake that they did. But either way, they're bound to make mistakes for them to grow. That's all. 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: NOVEMBER 2025]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Dumeretso na kami sa pool area pagkabalik namin sa university. May mga tao na ro'n, at magsisimula na siguro ang orientation mayamaya.

Sinamahan namin si Magnus sa locker room para magpalit siya ng trunks pero magsusuot din naman siya ng beach shorts kasi nahihiya raw siya.

Humalakhak si Titus habang nakauposa bench na nasa gitna ng bawat locker."Bakit ka naman mahihiya? Tutulunganmo ang coach mo na mag-demo, 'di ba?"

Ngumiwi si Magnus habang inaayos ang buhok niyang binasa kanina. 

"Ayaw ko, baka paglawayan ako n'ong mga first year. Bawal lumandi ng first year, puwede kung maganda at hindi minor. Putangina, may mga minor kasing first year. Nagugulat na lang ako, 17 pa lang, eh," sabi ni Magnus at umiling-iling pa.

"After nito, sabay-sabay na rin tayong magpunta ro'n sa general orientation ng org. Saan ba raw, nasabi ba?" sabi ko habang nakaupo rin malapit kay Titus.

"Doon pa rin 'ata sa building ng BS Architecture. Baka sa gym lang ulit," sabi ni Magnus bago sinara ang locker niya.

Tumango lang ako bago tumayo. Sabay-sabay na kaming lumabas sa pool area. Mas marami-rami na ngayong tao. 

I flicked my tongue while looking for some view, kaso kaunti lang ang babae saka baka minor pa 'yong iba riyan kaya 'wag na. Puro mga lalaki ang sumali sa swimming. May mga nakasabay rin si Magnus na nagpapalit kanina sa locker room

Nakihalubilo na si Magnus sa mga kasama niya habang kami ay umupo sa bleachers. Sa totoo lang, wala naman akong gagawin dito. Gusto ko lang lumipad ang isip ko at hindi ko na maisip 'yong inis ko.

"Club ulit tayo mamaya? Gusto kong magpakalasing?" yaya ni Echo kaya napatingin agad ako sa kanya.

Napangiti ako. 

Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon