CHAPTER FIFTY
- Lourence -
NANG UMALIS si Jade ay napatingin ako kay Dominic nang may pagtataka sa hitsura. Narinig ko ang sinabi niya bago umalis ang kaibigan ko, at base sa naging kilos ni Jade ay para siyang nagmamadali na natataranta. Mas lalo lang akong nangapa sa nangyayari.
"What was that, JD? Why did Dad call her Ysabela?" Hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa. Tinanaw ko si Dad sa 'di kalayuan at may kinakausap pa rin ito sa cellphone.
"I don't know."
"Anong 'di mo alam e kanina pa kayo nagtitinginan ni Jade habang tinatanong ako ni Dad? Halatang ikaw ang may alam na kilala siya ni Dad sa ibang pangalan."
Napabuntong-hininga siya, nauubusan na ng pasensiya. "Hindi mo na kailangan pang malaman, Kuya. Ayokong magkwento."
"Private ba ang dahilan mo kaya 'di mo masabi-sabi? Maiintindihan ko naman kahit ano 'yon." Talagang nagpipilit pa rin ako.
"Lourence, stop asking your brother already. He doesn't want to answer nga, 'di ba?" Sumingit si Mom sa usapan kaya siya ang nilingon ko.
"Nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi kilala ni Dad sa totoo niyang pangalan si Jade, Mom. Kailangan bang hindi malaman ni Dad kung sino siya?"
"Of course not. Maybe he just misheard her name that's why he called her Ysabela."
"Jade and Ysabela don't sound alike, Mom. Sa syllables pa lang nagkakatalo na e," nanliit ang paningin ko nang makita ang pagkagitla niya. "You know something about that, don't you?"
Mas nagulat siya at napailing. "I don't, son."
"Then, why don't you want me to ask Dominic? Hindi naman masama kung malalaman ko 'yung dahilan niya, 'di ba?"
Hindi naman sa pagiging exaggerated, pero talagang nagulat lang ako sa mga narinig ko kanina. Alam kong kilala ni Dad si Jade pero hindi ko naman alam na sa ibang pangalan niya ito kilala. Mas simpleng banggitin ang isang pantig na pangalan pero pinahaba pa, at talagang doon pa sa hindi katunog.
Nagtataka lang naman ako kung bakit kailangan pang ibahin ang pangalan ni Jade kay Dad. May magiging problema ba kapag kilala niya nito sa totoo niyang pangalan? O baka naman hindi lang pangalan ang iniba kasi pati na rin 'yung apelyido niya?
"I just don't want him to know Aleiha that's why I changed her name. Is it now clear to you?" Sabi ni Dominic na para bang ubos na ubos na ang pasensiya.
"Bakit nga ayaw mo siyang makilala ni Dad?"
"Because I'm bored that time."
"Huh?" Taka kong sabi. "Iniba mo ang pangalan ni Jade just because you were bored? What kind of reason is that?"
"You know I sometimes do random and weird things, Kuya. I did that unintentionally but I didn't expect Dad would fall for it, so please don't make it a big deal as if it has something to do with you."
"Sure kang 'yun lang ang dahilan mo?" Hindi pa rin ako kumbinsido dahil kahit seryoso ang mukha niya nakukulangan pa rin ako sa dahilan niya. Parang hindi naman kapani-paniwalang out of nowhere lang nangyari 'yong gano'n.
He rolled his eyes, snorting out of a loss of patience. "If you don't want to believe me, then don't. Bahala kang mag-stress kakaisip sa bagay na 'yon."
"Fine, I believe you already. Sasabihin ko na lang kay Dad na hindi talaga—"
"Don't!" Sabay pang putol nila ni Mommy sa sasabihin ko sana.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?