CHAPTER FIFTY-ONE
- Jade -
"ARGH! Natatae na naman ako!"
Marahas kong inalis ang kumot sa katawan ko nang humilab ulit ang tiyan ko. Nagdadabog ang mga paa ko habang bumababa papuntang banyo. Nakita ko pa si Kuya sa salas at may nagla-laptop kaya napansin niya 'ko.
"Sa'n ka na naman pupunta? Kanina ka pa pabalik-balik ah?"
Nanggigigil ko siyang nilingon. "Kasalanan 'to ng burger niyo, e! Ang sakit na kaya ng pwet ko! 'Kainis!"
Humalakhak siya. "Kasalanan mo 'yan dahil takaw-mata ka. Lakas ng loob mong sumugod do'n 'yan tuloy ang napala mo."
"E di wow! Matae ka rin sana! Everyday LBM! Tse!" Inirapan ko siya at nagpunta sa banyo para ilabas ang masasamang elemento sa tiyan ko.
Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa pagpasok ko kaya sumimangot ako sa inis. Tatawa-tawa pa siya samantalang mamamatay na 'ko rito. Napakabuti niya talagang kapatid.
Literal na masakit na ang tiyan at pwetan ko. Pa'no ba naman makailang beses na 'kong umupo sa tronong 'to simula no'ng makauwi ako. Kanina akala ko may constipation ako kasi 'di ko mailabas pero ngayon minu-minuto humihilab ang tiyan ko. Alas-dose na ng madaling araw pero heto ako't kalaban pa rin ang sarili sa banyo.
Wala akong ibang sisisihin dito kundi ang burger na 'yon na hayop sa laki. Sa aming dalawa ni Rence ako ang may pinakamaraming nakain kaya hayop din sa pagsakit ang tiyan ko. Ilang beses na 'kong naka-jebs pero bloated pa rin ako. Nakakainis dahil paniguradong hindi ako titigilan nito hanggang bukas.
Hindi na 'ko babalik at kakain sa burger house na 'yon. Sakit lang ang aabutin ko ro'n e, huhu.
TT_TT
0.0
Nagulat ako dahil nag-ring ang cellphone ko. Oo, dala ko 'to habang jumejebs kasi nanonood ako sa facebook ng video. May angal?
Kahit nagulat ay lamang sa akin ang pagtataka dahil si Rence ang tumatawag. Ngayon na lang ulit siya tumawag nang ganito ka-late. Hindi naman na siya namali ng pindot ngayon, ano?
"Ehem, ehem," umubo ako para ihanda ang boses ko. Syempre kailangan 'di ako tunog naiimbyerna sa pagtae, hehe. "Hello, Rence? Anong atin?" Nakangiti ko pang pagsagot.
"Oh. Hey, Jade, I thought you were sleeping. Uhm... did I wake you up?" Tuloy-tuloy niyang bungad sa akin.
"Hindi. Gising pa 'ko, hehe..." Nakagat ko ang labi dahil nakakahiyang sabihing 'di ako makatulog dahil maya't maya ako tinatawag ng kalikasan.
"I see, I see. Uhm... I have something to ask you that's why I called."
Kumunot ang noo ko nang mapansing parang may iba sa boses niya ngayon. Para siyang nagmamadali na hindi mapakali na ewan.
"Anong tanong naman?"
"Uh, I just wanna ask if Dominic is in your house?" Tanong niya kaya nagulat agad ako. "I-i mean, of course he's not gonna go there... but you know, just in case he's really there..." Mas lalo lang siyang nag-alangan. "O-okay, did he somehow text or call you? Like you know... I know he has your number."
"Wala siya rito, Rence. Hindi rin siya nag-text o tumawag sa 'kin."
"I see. Thanks and uhm... goodnight, Jade."
"Wait lang."
"Bakit?"
"Bakit mo siya hinahanap? Wala ba siya diyan sa inyo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/361615306-288-k560888.jpg)
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Fiksi RemajaMaraming nagbago sa tahimik na buhay ni Aleiha Jade simula nang makapasok siya sa prestihiyosong paraalan ng Jordan High. Ang akala niyang magiging masayang high school life ay unti-unting maglalaho sa kaniyang karanasan sa loob ng paaralan. Mula s...