isang katok sa pinto ang narinig ni Cee kaya pansamantala nyang itinigil ang ginagawang lesson plan at mga activity paraphernalias."sino yan?" tanong nya. "kayo ba yan, Nay?"
"oo anak, ako nga. buksan mo muna itong pinto. may dala akong sandwich at gatas para sa 'yo." tugon nito. inusog nya ang kahoy'ng upuan at tinungo ang pinto. agad nya itong binuksan.
"naku Nay, nag-abala ka pa." aniya na kinuha mula dito ang tray at nilapag sa study table nya. "may lakad pa naman kayo bukas, dapat maaga kayong matulog."
"ayos lang. hindi naman ako araw-araw nagpupuyat. ikaw itong dapat matulog na dahil may klase ka pa bukas. tingnan mo nga yang orasan. aba eh, malapit nang mag-ala-una."
ngumiti na lang sya sa pagiging worrywart ng ina. para pa rin syang estudyante kung ituring nito.
"Nay, para ka namang hindi na nasanay sa 'kin nyan. alam nyo namang walang pinipiling oras ang pagiging guro. hayaan mo, matutulog na 'ko mamaya." aniya. walang nagawang sumang-ayon na lang ang ina. lagi naman.
"na hala, sige. kapag mas nauna kaming magising ni Tatay nyo bukas, paglulutoan namin kayo ng mga kapatid mo. goodnight, anak." anang ina sabay yakap sa kanya. lumabas na ito ng silid.
bumalik sya sa pagkaka-upo at pinagpatuloy ang mga ginagawa. may malaking school activity bukas kaya dapat nyang matapos ang ginagawa. ang mga ito ang magiging props ng mga pupils nya.
*****************0o0***************inabot din sya ng isang oras kaya pagtingala nya sa wall clock, alas dos impunto na. napapahikab na rin sya kaya kinain nya ang sandwich at ininom ang isang basong gatas na hinanda ng Nanay nya.
matapos nito, inorganize nya ang mga gamit at niligpit. pagkahiga nya sa kama at pagkapatay nya ng ilaw, agad syang hinila ng antok.
maaga syang nagising kinabukasan, at exactly 5:00 AM. sanay na ang body clock nyang magising sa ganitong oras kaya hindi pa rin sya nale-late kahit matagal syang makatulog.
she's blowing her hair dry when her smartphone pinged. it's a text message.
she tap it to read.from: Audrey
[flag cerem ka today, ghurl.]
anang message nito. ang ibig nitong sabihin, sya ang magsisilbing conductress ng kanilang flag ceremony.
she tap to reply and sent it. binaba nya ang smartphone saka inabot ang pantali nya ng buhok. dito sya madalas natatagalan dahil abot hanggang bewang ang haba ng buhok nya na kakulay ng cacao.she then made a few spritz of her french-vanilla perfume saka sya naglagay ng pink liptint sa kanyang labi at matte foundation sa kanyang mga pisngi. then, she's good to go.
"tulongan na kita, Ate." wika ng nakababata nyang kapatid na lalaki.
"salamat, Lito. si Nessa, gising na?" tanong nya na tinutukoy ang isa pa nyang kapatid at kakambal ni Lito.
"opo, kumakain na po sya. nakaalis na kasi sina Nanay at Tatay. nag-iwan lang sila ng breakfast natin." anito. nilapag nito sa sofa ang mga gamit nya saka ito umupong muli at bumalik sa pagkain.
"good morning po, Ate." bati ng isa pa nyang kapatid, si Nessa.
"good morning din. kain lang at mamaya'y aalis na tayo. yung gatas, huwag nyong kalimutang inumin."
aniya. tumalima naman ang dalawa at kumain ng mabilis. inubos din nila ang gatas. iniligpit nya muna ang mga plato at hinugasan saka nya sinigurong wala ng nakasaksak sa mga outlets at na-lock nga ang mga pinto.
pinatunog nya ang kotse para ma-unlock ang mga pinto nito. agad na lumulan doon ang mga kapatid.
isa itong Ford Focus EcoBoost Sport+ na kulay asul. hulugan itong binabayaran ng kanilang ama para maging service nilang magkapatid. mahal kasi ang school bus fee at dagdag lang iyun sa gastos.
bumibyahe na sila sa malawak ngunit abalang high-way ng Metroceanna. ang syudad na kinalakihan nila ang isa sa mga highly-populated at dense cities sa Pilipinas katulad ng Metropolis.
"Ate, may mga activities po kami ngayon. baka po matagal kaming makuwi ni Nessa. huwag nyo na lang po kaming hintayin." anang kapatid nang ipinasok na nya ang kotse sa parking area ng St. Cendeleon Academy. dito sya nagtuturo at dito naman nag-aaral ang mga kapatid.
"okay. basta diretso lang sa bahay pagkatapos, ha?"
tagubilin nya sa dalawa.
"opo, Ate." tugon nila. bumaba sila mula sa kotse at nagmano sa kanya bago tumungo sa building ng Senior High. grade 12 na ang kambal at malapit nang magtapos.
kipkip at bitbit ang mga gamit, pumunta na rin sya sa building ng montessori kung saan sya nagtuturo sa elementarya.
"good morning po, Ma'am Ganda!" ang nakangiting bati ng gwardya sa kanya. she smiled back and greeted the guard.
"magandang umaga din po, Mang Claro." bati nya at dumiretso sa hallway papunta sa kanyang advisory class.
"kaya pala ang ganda ng umaga. hello po, Ma'am Cee!" bati naman ng utility man na si Luciano. nakangiti itong yumukod pa sa kanya.
"good morning din." aniya. lumakad lang sya at pinagkibit-balikat ang mga sa papuring natanggap.
magmula pa nang makapasa sya sa LET at maging ganap na guro sa akademyang ito. sa totoo lang, hindi sa nagbubuhat ng sarili nyang bangko--ngunit talagang biniyayaan sya ng nakakabighaning ganda at alindog. dulot iyun ng Portuguese genes ng kanyang ina.
she's tall for a typical filipina at five feet eight inches. she has a curvaceous and slim figure kaya naman maraming kalalakihan ang nabibighani sa kanya. ngunit ni isa sa mga yun, wala syang sinagot. masyado syang abala sa kanyang pagtuturo.
binuksan nya ang classroom at isang maingay at magulong eksena ang nadatnan nya.
nagliliparan ang mga nilukamos na papel, lapis at iba pang mga abubot. nakakabingi ang tinis ng mga boses at parang mga munting kabayo na nagtatatakbuhan.
she breathed in deeply. this ain't new to her, anyway. para sa kanya, hindi magsisimula ang araw nya bilang guro kung hindi ganito kagulo ang kanyang mga mag-aaral.
kaya nilapag nya ang dalang kahon sa sahig at binuksan ang kanyang shoulder bag.
isang pito.
*****************0o0***************she smiled and blew the whistle loud enough to be heard by these noisy and rowdy little fellows. automatic ang naging epekto at parang na-freeze ang mga makukulit na bubwit, nakangangang tumingin sa kanya. may isa pa na nagtago sa ilalim ng mesa nito.
binuhat nya ang kahon at nilapag sa kanyang desk, pati ang bag nya.
she then cleared her throat, raising one eyebrow at advisory class.
"have you forgotten something, kids? what would you say now that i'm here?" tanong nya. agad na nagsipulasan at bumalik ang mga bata sa kani-kanilang mga upuan.
"good morning, Teacher Cee! we're glad to see you today." ang magkapanabay nilang pagbati sa kanya. she smiled thoughtfully. mahal nya ang mga batang ito kahit gaano pa sila kakulit.
"good morning, too. okay, since it's only a minute before the flag raising--you'll do the cleaning of the classroom right after. is that clear?"
"Yes, Teacher!" tugon nila.
"okay, that's great. now, line-up properly with arms forward." aniya. bumuo ng linya ang mga bata at nagsimulang maglakad palabas ng classroom.
naka-linya na ang mag mag-aaral nya kaya umakyat na sya sa entablado. sinimulan ng patugtogin ang national anthem.
naging abala na sila sa mga sumunod na oras lalo pa't may malaking program ngayon.
*****************0o0***************
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...