CHAPTER TWELVE: FIRST KISS NI MA'AM

130 7 2
                                    


Please, comment and vote. Please 🙏
*************0o0******************

nakita nyang nagpalinga-linga sa paligid si ginger-head girl. tila ba may hinahanap. nanatili lang syang nakakubli at tiningnan mula dito ang mga taong yun. sumakay na ang mestizang babae sa kotse saka sila lumisan. dun pa sya lumabas.

humalukipkip sya habang tinatanaw ang papalayong mga sasakyan. hindi nya lubos akalaing kapatid pala nung babaeng nagngangalang Ara ang walang-hiyang ama ng mag-aaral nya.

"anong mukha yan? pwede nang sabitan ng isang kilong baboy yang nguso mo."

napalingon sya sa nagsalita at nakita ang magkasalubong na kilay ng kaibigan nya. she uncrossed her arms and shook her head.

"wala. naiinis lang talaga ako." aniya.

"don't tell me tungkol pa rin yan sa salawahang kapatid ni Miss Ara? naku, mare. huwag na tayong makialam sa issues nila. hindi natin alam ang buong kwento kaya zip mouth na lang tayo." wika nito.

"it's not meddling with their lives, mare. wala akong pakialam dun. pero ibang usapan kung may inosenteng nadadamay. naawa ako kay Noreen. apektado yung bata." giit nya.

"alam ko yun, mare. pero wala na tayong magagawa kung mas pinili nung Arvin na sumama dun sa first love nya. mali ang ginawa nya, oo---pero nagawa nya na. let karma get him and avenge for his estrange family." wika nito.

"yeah. alam mo, uwi na tayo. gusto ko na ring matulog."

"tama, mas mabuti pa nga."

sabay silang pumara ng taxi nito. nauna itong bumaba dahil mas malapit lang ang tinitirhan nito. pagkarating nya ng bahay, naka-off na ang mga ilaw sa bahay maliban sa mga nasa labas. siniguro nyang lock ang gate saka sya dumiretso sa front door.

she got her keys at sinusian ito. pagkasara at lock nya ng pinto, naupo sya sa sofa at hinubad ang heels na suot. minasahe nya ang mga binti na nangangalay sa kakatayo kanina. wearing high-heeled shoes is really a curse for her kaya ayaw nyang naka-takong.

nakapaa na lang syang umakyat at pumasok sa kanyang silid. hinubad nya ang cocktail dress at nag-half bath.

may oras pa syang gumawa ng mga activities kaya ito muna ang kanyang ginawa.
*****************0o0***************

mabilis lang syang naging abala sa ginagawa. naalala nyang kailangan nya palang gumawa ng questionaire para sa long quiz ng mga bata bukas. malapit na rin ang exams nila. speaking of children, naalala nya ulit ang paslit na si Noreen. hindi nya pa ang nakukumusta ang bata dahil hindi na tinuloy ng ina nito ang pag-homeschool sa bata. napag-alaman nyang mas pinili ni Simone na lisanin ang Metroceana. kung saan lilipat ang mag-ina, walang nakaka-alam. and she felt really sad about it. nawalan sya ng isang matalinong mag-aaral at bilang guro, masakit yun para sa kanya.

nalungkot ma'y pinagdasal na lang nya ang kabutihan ng mag-ina. sabi pa nga ni Audrey, wala na silang magagawa pa.

hindi sya inabot ng madaling-araw sa paggawa ng lesson plan at questionaires. inarrange nya ang mga gamit saka natulog.
***************0o0*****************

"anak, isa ako sa mga naimbita mamayang gabi sa Zhang Estate. kung wala kang masyadong gagawin pagkatapos ng klase mo, gusto ko sanang isama kita dun." anang Nanay nya habang nakadulog sila sa hapag-kainan.

"Zhang po, Nay? yung Valdez-Zhang Clan na may-ari ng MPU at SCA?" ang 'di makapaniwalang tanong nya. sino ba namang hindi nakakakilala sa napakayaman at maimpluwensyang angkan na yun. sila ang founder ng Metroceana 150 years ago at pioneers ng mga naglalakihang negosyo sa buong ciudad.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now