Please read, comment and vote po sana. 🙏🥺☺️
*****************0o0****************Cecelia tried to live her life kahit pa 'di na ito katulad ng dati. sa bawat sulok ng bahay, naaalala nya ang ama. ang brusko pero malumanay nitong boses at ang lagi nitong pag-alalay sa ina.
ang kanyang ina naman, under monitoring ulit matapos itong mahirapang huminga. napurnada ang sana'y paglabas nito sa ospital. wala namang problema sa bayarin, sadyang nami-miss lang nila ito. ang magandang balita para sa kanila, gising na ito. yun nga lang ay 'di ito makapagsalita ng maayos dahil may nerve sa utak nito ang naapektuhan ng husto dulot ng aksidente.
****************0o0****************simula na ng enrollment ng mga bata kaya naghahanda na rin sya. hindi naman sya inaapura ng Head Mistress na magbalik agad sa pagtuturo. Madam Caroline gave her time to grieve.
ngunit ayaw nyang walang ginagawa, dahil mas lalo lang syang nagiging emosyonal.
her door opened and Audrey came in with her things.
"sure ka bang kaya mo nang magturo ulit, mare? baka ma-overwhelm ka. mag-file ka kaya muna ng leave?" suhestyon nito. umiling sya.
"mas lalo lang akong mabo-bored nyan, mare. isa pa, wala naman akong lugar na gustong puntahan. kaya mas mabuti nang bumalik ako sa trabaho." aniya na muling hinarap ang laptop. hindi pwedeng lagi na lang syang umiiyak. kailangan sya ng mga kapatid nya.
"sabagay. para 'di mo na maisip ang mga 'di mo dapat iniisip. if you knew what i mean." wika ng kaibigan. alam nyang may pinapatamaan ito pero hindi nya na binigyang pansin. sariwa pa ang sakit at ayaw nyang ang taong yun pa ang pag-awayan nilang magkaibigan.
"ay, may nakalimutan nga pala akong sabihin, mare."
"ano yun?" tanong nya na sa screen ng laptop pa rin ang tingin.
"check your e-mail. nakatanggap ako sa inbox ko kanina. galing yan sa office ng headmistress." anito. tiningnan nya ang e-mail at meron nga syang natanggap. binasa nya ito.
[Subject: Advisory Re-Shuffling.
Body:
this is to inform all teachers that the re-shuffling of your advisories will start at the school year opening. thank you.]
"may tsansa pa lang malipat ako nito."
aniya."buti ka nga, may possibility na umangat ang grade level ng tuturuan mo. eh ako, baka mapunta sa kindergarten. naku, ngayon pa nga lang pakiramdam ko uubanin na ako." anito. natawa na lang sya dito.
"mare, kids are loveable whatever age they're in. pataasan lang talaga ng pasensya yan." aniya.
"sabagay. bawi naman sila sa cuteness kaya okay na rin."
they're being comical with each other when the incoming call alert of her phone ringed. ang doktor ng kanyang ina. agad nyang sinagot ang tawag.
"hello, doc? buti at napatawag po kayo. si Nanay po? kumusta sya?"
[ayos lang po sya, Ma'am. in fact, napatawag po ako to inform you na maaari nang ma-discharge ang Nanay nyo.]
napuno nang galak ang puso nya sa narinig. agad nya itong sinabi sa tyahin at mga kapatid. naghanda agad sila para iuwi na ito.
umarkila sila ng van para kumportable itong makasakay at hindi mabinat.
but their heart got broken nang makarating sila ng ospital. hindi nila inaasahang ganito ang mangyayari.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...