"in Science, the law of attraction states that opposite poles attract--- while same poles repel."
---Science Today
*****************0o0***************"oh, hija. mabuti at 'di ka nabasa. yung kotse mo?" tanong ng tyahin pagkapasok nya sa bahay.
"tumirik po, eh. pinadala na sa talyer baka sakaling masalba pa." sagot nya saka tinanggal ang suot na jacket. she shivered, kahit pa nasa loob na sya ng bahay.
"kuu, magbihis ka muna at ika'y nilalamig na. pagkababa mo, kakain na tayo. si Nanay nyo, pinakain na ni Lito kanina. sige na at baka sipunin ka."
umakyat na sya papunta sa kwarto nya. agad syang naligo at nagbihis. nang sinampay nya ang tuwalya, aksidenteng nahulog mula sa dresser ang scrapbook nya. tiningnan nya lang iyun ng matagal bago pinulot.
puminid ang cover ng libro at nakita nya ang mga bagay'ng ayaw nya ng makita pa. agad na bumangon ang sakit at galit sa kanyang kalooban.
humigpit ang hawak nya sa scrapbook. laman nito ang mga bagay'ng konektado sa taong yun.
her eyes stung as tears fell from it. these are wasted moments that became far-off memories.
they look so happy in these photos. they're in love.
they kiss, they made love. nagpakasasa ito sa katawan nya at hinayaan itong dominahin ng kanyang damdamin. naniwala sya sa mga hungkag nitong pangako dahil mahal na mahal nya ang taong yun.
she slam the scrapbook shut. tinalikuran sya nito, dinurog at pinaasa.
kaya wala na itong lugar sa buhay nya.
lumapit sya sa basurahan at walang alinlangang tinapon sa loob niyun ang naturang bagay. she'll dispose it first thing in the morning.
ayaw nyang maiwan sa ere at kinekwestyon palagi ang sarili. na kung ano ba ang mali sa kanya, kung saan ba sya nagkulang para iwan sya ng ganun-ganun lang.
that person belongs to the past. nakaraan na 'di nya na kailanman babalikan.
***************0o0*****************
"bakit 'di mo muna pinatuloy yung naghatid sa 'yo kanina, hija?"
tanong ng tyahin pagkadulog nila ng hapag. saglit syang natigilan. hindi nya alam kung sasabihin ba nya na ang taong yun ang pinaka-makapangyarihan sa buong Metroceanna."ano, busy daw kasi sya Auntie. at nagmamadali sya nung hinatid nya ako dito." aniya.
"eh sino sya, Ate? hindi ka naman nagpapahatid dito sa 'tin na hindi mo close, maliban kay Ate Audrey at Ar---nevermind." ani Lito na agad tumahimik ng may unwanted na pangalan itong kamuntik mabanggit.
"oo nga, Ate. sino nga kasi yun? 'di ka naman basta nagtitiwala kapag 'di mo gaano kakilala." ani Nessa.
na hotseat tuloy syang bigla. nahihiya kasi syang aminin na ang apo ni Lady Felicity ang naghatid sa kanya.
"hija?" tawag sa kanya ng tyahin.
"po?"
"it's okay kung ayaw mo munang sabihin. ang mahalaga, naihatid ka nya ng ligtas at may tiwala ka sa kanya." anito. ngumiti sya at tumango.
"ay. akala namin may bago kang kaibigan, Ate." wika ni Nessa.
hindi naman kasi nya matatawag na kaibigan ang apo ni Lady Felicity. masyado itong marangya at matayog para maging ganung tao sa buhay nya. oo at humingi ito ng tawad ngunit hindi iyun katiyakan na may koneksyon nga sila.
sya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. in between scrubbing the dishes, 'di nya maiwasang maisip si Avril Zhang.
**************0o0******************
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...