CHAPTER ELEVEN: THE COMMONER AND HER MAJESTY

113 6 0
                                    


Cecelia on the other hand is also amazed with tall, modelisque ginger-head woman she met a while ago. 'di nya itatangging napakaganda nito at halata sa features nito na hindi ito purong pilipina gaya nya.

"antagal mo dun sa ladies room,ah. akala ko tuloy nilamon ka na ng kubeta ng buo." anang kaibigang si Audrey na abala sa pagnguya ng kinakain nitong cheese sticks. nakatayo silang dalawa palibot sa isang bilog na mesa. cocktail ang tema ng party kaya nakatayo silang lahat at finger foods lang ang nakahain. birthday ng Head Mistress nila tonight at lahat sila imbitado.

"wag ka nga, kubeta talaga? at isa pa, may nakilala at nakausap lang ako dun." sagot nya. bumalik na naman sa balintanaw nya ang magandang imahe ng babaeng yun kanina.

"weh? kailan pa gumamit ng women's restroom ang mga lalaki?" tanong nito. napakamot sya sa ulo at natawa dito.

"sira. syempre babae ang nakilala ko dun. nahulog yung lipstick nya at pinulot ko lang." sagot nya. dumampot sya ng isang cheese stick at nagmamasid lang.

"oh? ganun ba. maganda?" tanong nito sabay tawag  sa waiter at nagpa-refill ng cheese sticks.

"seriously? yan talaga ang tinatanong mo?"

"heller. alangan namang tanungin kita kung mabuti ba ang kalooban nya eh 'di mo naman sya ganun kakilala. and besides, this is Maharlika Delta Hotel. irrelevant ang panget dito, mare." anito na kinindatan ang dumaang waiter na gwapo. napailing na kumain na lang sya ulit saka sinagot ang tanong nito.

"paandar ka rin,eh. makapagsalita ka dyan parang ikaw yung may-ari ng hotel. at isa pa, masama kayang manlait."

"duh. reality bites, mare. ako nga tanggap ng pang back-cover lang ng magazine. at teka--'di mo pa sinasagot ang tanong ko, ah. ano, maganda ba? dyosa? mala aphrodite o hera?" sunod-sunod pang tanong nito na ikinatawa nya ng husto. pabirong nahampas nya ito sa balikat.

"diosmio yang mga tanong mo, mare. well, napakaganda nya. para syang living mannequin at halatang hindi purong pinay. ganun." sabi nya. tumango-tango ito.

"so--what's her name then?"


"Ara Garcia daw. that's what she told me---mare!" bulalas nya. nabuga ba naman nito ang iniinom na mocktail. buti na lang walang tao sa paligid.

"mare naman! buti na lang walang dumaan. napa'no ka ba, ha? sinagot ko lang yung tanong mo nagkaganyan ka na. bakit ba?" ang nagtatakang tanong nya rito. kumuha ito ng malinis na facial tissue saka pinahid sa bibig nito.

"nabigla lang ako, bruha ka. kilala mo kung sino si Astrid Zandra a.k.a Ara Garcia? gosh girl, kung ako yun baka nakipag-selfie na ako! eeekk!!" turan nito na talagang kinikilig pa.

"syempre hindi. ngayon ko lang sya nakilala, eh. teka nga, ano ba kasing meron sa kanya at ganyan ka maka-react? OA naman nito." aniya. Audrey rolled her eyes and get her smartphone. may tinap ito sa screen saka binigay sa kanya.

"read that article, mare. go." anito. binasa nya na lang para tumigil ito. para kasing crazy fangirl umasta.

nakakalula nga ang babaeng yun. nag-iisang anak na babae ito at isa ring kilalang socialite at online sensation.

Irish-Filipina ang ina nito na ang pangalan ay Monique Valeriana Filan Garcia. ang ama nito ay nagngangalang Lucas Aurelio Guidotti Garcia, Italian-Filipino. pag-aari nila ang Garcia Conglomerate na transportation ang linya ng negosyo gaya ng shipping at airlines. nakasaad rin sa article na on and off boyfriend nito ang modelong si Hector La Guardia.

she's impressed. talaga ngang may sinabi ang babaeng yun na halata naman sa tindig nito at postura.

"amazing, 'di ba? madatung ang pamilya nila. though hindi nga lang kasing yaman ng mga Zhang na may-ari nitong hotel." anang kaibigan. patuloy nyang iniscan ang article nang may mahagip ang mga mata nya. may mga kapatid ito--nagngangalang Arvin Drake ang panganay  at Anton Luis ang bunso. napako ang mga mata nya kay Arvin. inalala nya kung bakit sobrang pamilyar nito sa kanya.

then a memory pop in her head.

nakasimangot na binalik nya ang smartphone ng kaibigan.

"oh, anyare sa 'yo? nalula ka ba na commoner ka at her majesty sya? naku, okay lang yan mare."

anito. umismid lang sya.

"wait lang, ha. anong attitude yan? nabasa mo lang yung article, nagka-ganyan ka na. ganun ka ka-affected?"

"hindi,no. dun sa kapatid nya ako naaasar." she said saka kumuha ng ladies drink.

"ha? what's with them?"

"a lot is with them. nalimutan mo na ba yung kinwento ko sa 'yo about dun sa pupil ko na iniwan sila ng mama nya kasi yung kanyang papa, sumama dun sa kerida na first love daw nito?" papapaalala nya dito. namilog ang mga mata nito at tumango.

"you mean, kapatid nya ang gagong yun?! omg! sino?"

"Arvin Drake." ang wala gana nyang sagot. nairita na naman sya kapag naalala ang ginawa ng hayop na yun sa pamilya nito. ang matinding lungkot na dinanas ng mag-aaral nya sa hiwalayan ng mga magulang nito. she badly wanted to scratch his wretched face.

hanggang matapos ang party, wala pa rin sya sa mood. malas pa at nakita nya ulit ang babae papuntang parking area kaya agad syang nagtago. may kasama itong maldita-looking na matanda.

ayaw nya sa mga taong yun. more pa.
*************0o0*******************

bruha ang nanay, cheater ang kapatid. what a family you have, Ara.

Please comment and vote po. Please
🙏🥺☺️

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now