CHAPTER SEVENTEEN: FALLING

88 5 2
                                    

Please, comment and vote. Please 🙏
**************0o0******************

"hi. good morning." bati ni Ara sa kanya kinaumagahan. nakasuot ito ng simpleng white shirt na naka-tuck-in sa isang high-waisted slim fit jeans at low-cut sneakers naman ang sapatos nito. her reddish-brown hair is plaited and lays on her left shoulder. Cecelia bit the inside of her cheeks. ang ganda at sexy pa rin nito sa kabila ng simple nitong kasuotan.

"h-hi. aga natin,ah." aniya.

"oo nga. sabado kasi ngayon kaya...ano---dinala ko 'to for you." anito na inabot sa kanya ang isang malaking paper bag.

"ano naman ang mga 'to?" tanong nya na sinipat ang bag.

"why don't you take a look? i'm sure magugustohan mo yan." anito. binuksan nya ang paper bag at kinuha ang mga laman nito. namilog ang kanyang mga mata sa nakita.

"oh my gosh. seafood samgyeupsal! grabe ka. sa'n ka umorder ng mga 'to? mahal ang mga 'to!" bulalas nya.

"galing lahat ng yan sa Koryeo-Gogi Republic. nagpa-reserve ako kahapon pa lang. imbes na luto, raw and fresh ingredients ang inorder ko." sabi nito.

namangha sya dito. alam na alam talaga nito ang mga gusto nya. her heart fluttered at the gesture. ramdam nya ang pamumula ng magkabilang pisngi.

"are you okay?"

"h-ha?" tuliro nyang tanong dito. ngumiti ito.

"you're flushed. ayos ka lang ba talaga?"

nahihiyang inipit nya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tenga. tumikhim sya at inaya ito sa loob ng kanilang bahay.

"h-halika muna sa loob. tuloy ka." aniya. sumunod ito sa kanya.

"Nay,Tay, may bisita po tayo." sabi nya.

"andito ako sa kusina, anak. dumiretso na kayo dito." sabi ng ina.

"opo! tara. sa kusina tayo. andun ang parents namin." paanyaya nya dito. bitbit ang paper bag, pumunta na sila sa kusina. nakita nyang naglalagay ng mga rekado at pansahog ang ina sa counter. ang knyang ama naman ay sinisimulang ibabad sa marinate ang karne.

"Nay, Tay. si Ara nga pala. kaibigan ko po. Ara, parents ko. sina Nanay Yana at Tatay Vic." pakilala nya sa mag magulang rito.

"hello po sa inyo, magandang umaga. ako po si Astrid Zandra. Ara na lang po ang itawag nyo sa 'kin." anito sa mga magulang nya.

"ikinagagalak  naming makilala ka, Ara. welcome sa bahay namin, hija." wika ng ama.

"salamat po, Tito." anito. ngumiti lang ang kanyang ama. feeling close agad ito sa parents nya.

"ano ba yang dala nyo, anak?" tanong ng ina.

"ah, oo nga pala. seafood samgyeupsal po ito, Nay." sagot nya. napakunot-noo ang ina.

"s-samgyu...ano ulit yun? naku, ang hirap namang bigkasin nyan anak. ano bang klase ng pagkain yan?" ang nalilitong tanong ng ina. napahagikhik silang dalawa sa reaksyon ng kanyang ina.

"Nay, ang samgyeupsal po ay isang uri ng korean dish at way of eating. parang katulad po ito nung shabu-shabu sa kinainan nating japanese restaurant dati. yun nga lang, mas dominant sa samgyeup ang mga gulay, gaya ng lettuce." paliwanag nya. napatango ang ina. kalauna'y natawa ito.

"naku. ako nga'y matanda na. 'di ko na masabayan ang pananalita ninyong kabataan. o sya, kayo na ang bahalang maghanda nyan at may lulutoin din ako dito, ha ba?" sabi ng ina.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now