it's a fine, saturday morning. nagtulong-tulong sila para maiupo sa wheelchair ang ina. ilalabas nila ito para masikatan ng araw at makalanghap ng sariwang hangin. madali lang nila iyung nagawa dahil napagkasunduan nilang ilipat sa ibaba ang kwarto nito. natatakot silang baka madisgrasya pa ang ina sa kakapanhik-baba sa hagdan.
"naalala mo sila, Nay? yan ang inaalagaan mong mga halaman at bulaklak. ang gaganda na nila, 'di ba? ako na ang nagdidilig sa kanila araw-araw." aniya sa ina. nakatingin lang ito sa mga halaman sa kanilang hardin.
nagka-ideya sya at pumitas ng mga bulaklak at ginawang boquet. binigay nya ito sa ina.
"for you, Nay. nagustohan nyo po ba?"
tiningnan nito ang pumpon ng mga bulaklak. ngunit, bigla na lang itong umiyak. naalarmang nilapitan nila itong magkapatid.
"Nay, bakit po? may masakit ba sa inyo?" ang nag-aalala nyang tanong dito, searching her mother's face.
"m-may...mga imahe sa isip ko. isang tao. binibigyan din nya ako ng ganito. hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sobrang labo. ngunit ang puso ko, napupuno ng tuwa. hindi ko alam kung sino sya...pero batid kong mahalaga sya sa buhay ko." wika nito saka sinamyo ang mga bulaklak.
nagkatinginan silang magkapatid. may mga nakikitang imahe ang ina, yun nga lang ay malabo ang mga ito. at hindi nila masasabing makakabuti ito o hindi. hanggang ngayon kasi, hindi pa nila nasasabi rito na pumanaw na ang kanilang ama. wala itong alam.
"may hinanda ako makakain ninyo dito. mabuti itong naisip ninyo na ilabas ang inyong ina. para naman hindi mamutla at tuloyang matuyo ang balat nya." wika ng tyahin nila. nag-bake ito ng strawberry croissants at blue berry shortcake para sa kanila.
"ito na po ang gagawin natin kapag weekend, Auntie. baka sakaling manumbalik ang alaala nya kapag makakalanghap sya ng preskong hangin tuwing umaga."
"tama ka riyan, hija. mainam nga iyun para sa inyong ina. o sya, maiwan ko na kayo." anito na bumalik sa loob ng bahay.
sinamahan nila ang ina hanggang tanghali. hindi naman mainit dito dahil sa lilim ng punong mangga. ang mga kapatid, naaaliw din sa kanilang ginagawa. naglalaro ang dalawa ng badminton.
her phone ring. unknown number ito pero sinagot nya pa rin.
"hello? sino 'to?"
[it's me, Avril. sorry, ah. nakaka-abala ba 'ko?]
"hindi naman. teka, pa'no mo nalaman ang number ko?"
[from the kids. tinanong nila kay HeadMistress Caroline. uhm, I hope you don't mind.] anito. ngumiti sya.
"hindi naman. ayos lang. napatawag ka yata?"
[ah, oo. gusto kasing gumala ng mga bata. aanyayahan sana kitang mamasyal kasama namin. kung ayos lang sa 'yo.]
"talaga? hindi ba nakakahiya yun?"
[hindi, ano ka ba. gusto rin ng mga bata na makasama ka. papayag ka ba? ipapasundo kita.] wika nito.
"sasabihan ko ang mga kapatid ko. i'll call you back mamaya."
[okay. i'll wait for your call. bye.]
"bye." the call ended. tinawag nya ang mga kapatid at ipinaalam dito ang sinabi ni Avril. natuwa ang kambal sa narinig at agad pumayag.
"Nay, mamamasyal tayo. bibihisan na kita." aniya dito. ang kambal, sabik na hindi pa man nya nasasabi kung kanino sila sasama. matapos bihisan ang ina, muli nyang tinawagan si Avril.
[hey. handa na kayo?]
"oo. salamat, ah?"
[you're welcome.]
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...