kagaya ng sinabi ng kanyang ama, walang naging pagbabago sa pagtrato nila sa kanya. walang ilangan, ganun pa rin. mas lalo pa nga syang napalapit sa pamilya.naisip nya, ganito pala ang pakiramdam kapag malaya ka. yung wala kang tinatago dagil tanggap ka ng iyong pamilya. laitin, husgahan at hamakin ka man ng ibang tao--hindi na yun mahalaga sa 'yo. mahal ka ng iyong pamilya and that's all matters.
"tanggap nila ako my love! ang saya ko talaga. legal na tayo sa kanila!" kinausap nya via video chat ang nobya. ngunit nagtataka sya dahil tila balisa si Ara at 'di mapakali. ngumiti ito pero may kakaiba talaga. "my love? may problema ba?"
[uhm, w-walang problema my love. everything's fine. m-masaya lang ako at nasabi mo na sa kanila.] anito.
"oo nga. ang saya ko talaga, my love. ayos na rin tayo kina Nanay. eh...ikaw hon, kailan tayo pupunta sa inyo?"
there's a long silence that followed.
"my love? okay lang ba talaga?"
[huh? oo naman. ano kasi--huwag muna ngayon, my love.] sagot nito.
hindi nya maiwasang sumama ang loob sa naging tugon nito. para bang wala yata itong balak na ipakilala sya sa magulang nito.
[my love, huwag ka nang malungkot. don't worry, gagawa ako ng paraan. a-ano kasi, busy sina Mama. yeah, ganun nga. ayos lang naman yun sa 'yo, 'di ba?]
sabi nito. she wanted to say that she's upset, na hindi iyun ang gusto nyang marinig. ngunit 'di nya magawa. baka kasi yun pa ang pag-awayan nila.
kaya mas pinili nyang ngumiti na lang.
"i'm okay. and...ayos lang. h-hindi ka pa siguro handa. i'm willing to wait naman."
aniya. but somehow, she's hoping na sana ay magkaroon ito ng lakas ng loob na iharap sya sa mga magulang nito. mas titibay sila kapag legal na both sides ang kanilang relasyon.
[salamat, my love. i love you, kita tayo mamaya. bye.]
the video call ended. malungkot na ibinaba nya ang smartphone. humiga na lang sya sa kama, nakatingala sa kisame.
hindi nya mawari ngunit nagsimula na syang mangamba para sa kanilang dalawa. hindi nya maintindihan kung bakit ito nakipag-relasyon sa kanya gayung hindi sya nito kayang ipakilala sa sarili nitong magulang. nasa bahay lang sya ngayon dahil school break ng mga mag-aaral for two weeks. ito sana ang magandang panahon para ipakilala sya nito ngunit napurnada pa.
she pick up her phone and sent a text message to Audrey. kailangan nya ang payo nito.
'di nagtagal, may kumatok na sa pinto nya.
"mare, ako 'to."
tumayo sya at pinagbuksan ito. natawa sya ng makita ang datingan nito. nawala saglit ang lungkot nya.
"anong ootd yan, mare? para kang naglalakad na omelette!" bulalas nya. ngunit natawa lang din ito at pumostura pa sa harap nya.
"o, bongga di ba? ito pak na pak na awrahan amega! try mo!"
"sira. halika na nga dito. may pag-uusapan tayo, mare. kailangan ko ang payo mo." aniya. umayos ito at sumeryuso.
"ganun ba? oh edi sige. halika na." anito. pumasok na sila at umupo sa paanan ng kama.
"ano bang pag-uusapan natin? you look worried. anyare ba?"
malalim syang napabuntong-hininga at inakap ang mga tuhod nya.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...