CHAPTER TWENTY-FIVE: THE SECRET IS OUT

75 4 0
                                    


ilang araw nang hindi mapakali si Ara magmula nang makausap nya ang nobya. ang totoo, tinamaan sya ng matinding guilt at pagkahiya.

guilt--dahil sinadya nyang i-reject ang mga tawag at request for video chats nito.

pagkahiya--dahil sa truth slap sa kanyang mukha na isandaan beses na mas matapang ito keysa sa kanya ng magawa nitong lumadlad sa pamilya nito. bagay na hindi nya pa nagagawa.

humigpit ang hawak nya sa kanyang mont blanc pen. nagpadala na naman sya sa karuwagan kaya hindi na naman natuloy ang pagka-come-out nya sa pamilya. tuwing naga-attempt sya, umuurong ang kanyang dila. inuunahan sya lagi ng takot.

isa pa, nagiging masama ang kutob nya nitong mga nakaraang araw. she can't help but overthink, lalo na't sunod-sunod syang tinatambakan ng paper works ng ina. hindi na nga magkandaugaga si RM sa pag-ayos ng mga schedules nyang nagkakagulo na dahil sa pangingialam ng ina.

she put her pen down and massage her temple. she's used to pressure ever since she work at their companya five years ago.

ang iba sigurong anak ng mga business magnates ay automatic na magmamana sa negosyo ng pamilya o magkaroon agad ng mataas na posisyon pagka-graduate nila, ngunit iba sa kaso nya. kung meron man sa kanilang magkakapatid na spoon-feed ang mana, yun ay ang Kuya nya. ito ang paboritong anak kaya hindi na sya magtataka.

graduate sya ng Business Administration ngunit nung nagtapos sya, naging rank and file employee sya ng halos tatlong taon bago na-promote. she was badly upset dahil sya itong anak ng may-ari pero naungusan pa sya ng mga kasabayan nya. kaya nung umangat ang kanyang pwesto, nagsumikap na syang kumapit dito ng maigi. it's all she has to keep herself afloat. kapag nagkamali sya ng hakbang, sa kangkungan ang kanyang kahihinatnan.

and she can't imagine herself being in that position. 'di nya kayang maghirap dahil kahit nga simpleng gawaing bahay, wala syang alam. kahit underwear nya, kasambahay pa ang naglalaba.

nasa gitna sya ng malalim na pag-iisip ng tumunog ang intercom nya.

[Ara, Madam Valeriana  has changed your scheds again! gosh, hindi ko na talaga matantya yang nanay mo! hindi ba nya alam na nagkakagulo ang mga appointments mo with what she's doing? grabe naman. what's happening ba, girl? bakit nagkaganyan sya bigla?]

mas lalong sumakit ang ulo nya sa sunod-sunod na tanong ng kanyang bestfriend/ secretary. sa narinig nya, mas tumibay ang duda nyang may pinaplano ang ina.

"I'm sorry for the inconvenience, Rachelle. the truth is, I really have no idea what my mother is up to. may mga duda ako pero yun lang. kahit nga ako, kinukutoban ng masama sa ginagawa nyang pangingialam. ganito na lang Rache," aniya saka sumandal sa kanyang leather swivel seat. "just keep your cool. sundin mo lang ang mga pinapagawa nya. don't worry, i'll find a way to end her charades. for now, kumalma ka muna. let me handle this."

[o-okay. alam mo, may masama din akong--oh gosh.]

"Rache, bakit? anong nangyari sa 'yo?" nag-alala ng marinig ang tila balisa nitong boses.

[it's your mother, Ara. she's the one calling now. not her fake boobs bitch of a secretary but your mother herself.]

nakadama sya ng panic. normally if her mother would communicate with her, ang sekretarya nito ang gumagawa. pero ngayong ang ina na mismo ang tumatawag... hindi nya alam ng dapat maramdaman.

[i'll forward the call to you. kausapin mo na lang para matapos na ang mga pagdududa natin. goodluck, girl.]

anito. wala na ang intercom at pumalit ang pagtunog ng incoming call alert ng kanyang smartphone.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now