CHAPTER FORTY-NINE: PASSENGER SEAT

61 4 0
                                    

******************0o0***************

there's a defeaning silence after that. walang ni isa mang nagsalita sa kanilang dalawa.

kalaunan, Cecelia broke the silence.

"so it's you all along? all this time, ikaw pala yun at wala ka man lang sinabi?" kumpronta nito sa kanya. "what do you take me for, Avril? isang tanga?" her eyes are glassy at para itong maiiyak.

"no, it's not like that. please, makinig ka muna. let me---"

"no! you lied to me and that's it! siguro tuwang-tuwa ka habang nag-uusap tayo online habang wala akong malay na ikaw pala yun!" turan nito na pumiyok ang boses at naiyak na nga. sinubokan nyang pakalmahin ito ngunit tinatabig lang nito ang kamay nya.

"hindi nga yun ang totoo, please makinig ka muna--" giit nya dito ngunit ayaw nitong makinig. nagmartsa ito palabas ng kanyang opisina kaya agad nya itong sinundan.

"Cecelia naman, try to hear me out first. wala akong intensyong pagtawanan ka o lokohin. hindi ako ganung tao. please, hear me out..."

nakapasok na ito sa elevator. kinuha nya ang smartphone at tinawagan ang 
isa sa mga family driver.

[Boss? ano pong ipaguutos nyo?]

"pakihatid si Cecelia pauwi." aniya saka tinapos ang tawag. agad syang lumulan ng elevator para mahabol ito.

"bitiwan mo nga 'ko!" piksi nito. but Avril held her arm still.

"hindi pwede. ihahatid kita pauwi. wala kang kotse kaya i'll take you home." aniya. pinukol lang sya nito ng matalim na tingin saka sya inirapan.

"no, thanks. i am capable enough to bring myself home."

"okay. if you don't want me to take you home, then hayaan mong ihatid ka ni Mang Igme. please." aniya dito. nakasimangot pa rin ito at nakataas ang isang kilay.

"fine. at huwag ka nang magpapakita sa 'kin, manloloko ka!" she snapped. pagkarating ng sasakyan, agad itong sumakay at pabalya pang sinara ang pinto.

napabuntong-hininga at napailing na lang sya ng makalayo na ang kotse. she frustratingly comb her fingers through her hair sa kanyang nagawa. malaking hamon sa kanya ngayon kung pa'no ito susuyin. ayaw nyang mahulog sa wala ang friendship nila.
***************0o0*****************

hindi nya muna ito kinulit para lumipas ang galit nito sa kanya. kaya naman ang solusyon nya ang pinsan. agad nyang pinuntahan ito sa kompanya.

"ano kamo? magpapaturo ka sa 'kin pa'no manuyo ng babae? aba. at sino naman ang babaeng yan, aber?" tanong nito nang magkausap sila.

"si Cecelia. nagka-away kami. kasalanan ko rin naman kasi." aniya. sumilay ang isang pilyang ngiti sa mukha ng pinsan. she rolled her eyes. alam na nya ang kasunod nito.

"langya, Avril. 'di ka man lang nagsabing kayo na pala. kung 'di pa kayo nagkatampuhan, 'di ko malalaman." tukso nito sa kanya, sabay taas-baba ng kilay.

"tch. hindi kami, okay? walang ganun. nagalit kasi sya dahil sa nagawa ko." aniya. then, she told JShawn everything. napangiwi sya ng batukan sya nito.

"aray naman! sakit nun, ah." maktol nya.

"eh sira ka nga talaga. anong pumasok dyan sa kukote mo at nagawa mo yun? syempre kahit ako, ma-o-offend din. may pa Heart Fixxer, Heart Fixxer ka pang nalalaman." anito na pumalatak na lang. napakamot sya sa ulo.

"eh tulongan mo na lang kasi ako." aniya.

"magsabi ka nga ng totoo, Riley. may gusto ka ba kay Cecelia?"
tanong ng pinsan. that caught her off-guard. ramdam nya ang pag-init ng mga pisngi kaya agad syang nag-iwas ng tingin.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now