Cecelia could still feel the pain on her abdomen despite the pain killers that she's taking. nahihirapan pa rin syang bumangon at umupo ng maayos dahil sa gumuguhit na kirot. nagkulay-ube na ang pasa. mahapdi rin ang kanyang mga siko at tuhod."halang talaga ang kaluluwa ng mga yun. buti nga at natimbog na sila ng mga pulis. yung isa, naka-confine pa raw. mas mainam ngang ma-tegi na ang isang yun ng tuloyan." wika ng kaibigan habang sinusubuan sya ng mushroom soup. namamanhid kasi ang braso nya kaya 'di sya makahawak ng kubyertos.
"bakit ba 'ko minamalas ng ganito? pakiramdam ko tuloy, ang sama kong tao. imbes na makatulong ako kina Auntie, nagiging pabigat pa 'ko."
nakakapanghina ang kalagayan nya ngayon. naka-confine sya sa isang napakamahal na pribadong pagamutan at tyak na libu-libong tumataginting na pera ang gagastahin nila. kakabayad pa lang nila sa funeral expenses ng ama at sa hospital bills ng ina ngunit heto sya, nadisgrasya.
"mare, mga pagsubok lang ito sa inyo. avoid looking at it negatively. at isa pa, may PhilHealth at SSS naman tayo. covered na ang mga expenses mo dito." wika nito.
"napakamahal ng ospital na ito, mare. bakit dito ako dinala? kahit pa covered ito ng health benefits natin, mahal naman ang mga gamot dito kapag may reseta na ang doktor."
aniya. isang beses nga, narinig nya mula sa mga nurse na nagchi-check sa kanya na may mga private suites dito na aakakalain mong hotel imbes na hospital rooms. kaya gusto nya na talagang ma-discharge para 'di na lumaki pa ang bayarin nila.
"you don't have to worry about that, mare. ayon pa sa billing office nitong ospital, charged na raw sa kanila lahat ng expenses mo. at yung nagligtas sa 'yo ang may utos nun. mare, natatandaan mo ba ang hitsura nya?"
tama. yung taong nagligtas nga pala sa kanya. ang laki ng utang na loob nya dito. kung 'di ito dumating, wala na sya ngayon.
"h-hindi,eh. ni hindi ko sya nakita. nawalan na 'ko ng malay nung sikmuraan ako nung isa mga hayop na yun." wika nya. kahit pigain nya ang isip, 'di nya ito matandaan pa.
"sayang. mukhang bigtime kasi mantakin mo, sagot ng ospital ang bayarin mo at ang taong yun ang magbabayad."
ang hindi makapaniwalang turan nito. that left her thinking, too. ang Teng Tan Xhien Medical Center ay ang level 1 at ISO certified Hospital sa Metroceanna at sa buong pilipinas. sa pangalan pa lang, alam na kung anong lahi ng may-ari ng pagamutang ito.
"mare, sino nga ulit ang may-ari nitong ospital?" tanong nya dito. alam na alam kasi iyun ng kaibigan nya.
"pag-aari ito ng mga Zhang, mare. filipino-chinese hospital ito na ginto ang bills sa sobrang mahal. pero wag ka, state-of-the-art ang mga medical equipments dito. napabalita nga dati na ang mga doktor dito ang nag-opera sa former US President nung bumisita sya dito sa bansa." kwento pa nito. maraming beses na nyang narinig ang angkan na iyun na katapat sa sobrang yaman ang mga Del Fuego ng Metropolis. pero ni minsan, 'di pa nya nakikita sa personal ang mga ito maliban kay Madam Xienna.
"mare, hindi kaya isa sa mga Zhang ang nagligtas sa 'yo at nag-shoulder ng hospital bills mo? ohwemgee. kung totoo ang hula ko--kyaahh!! swerte mo mare! ang hot kaya nilang mag-pinsan!"
turan nito na kinikilig ng sobra. daig pa nito ang obsessed na fangirl na pinapantasya ang idolo nito.
"haist. tumigil ka nga, mare. swerte ka dyan. kamuntik ko na kayang ikapahamak ang nangyari. kung totoo man yang hula mo, hindi ko alam kung pa'no ako makakabawi sa kanya. niligtas na nya ang buhay ko tapos sya pa ang magbabayad sa mga gastusin ko dito."
hindi ordinaryong tao ang mga Zhang. sila ang mga tipo ng tao na kahit tissue basta may pirma nila, tatanggaping IOU iyun sa kahit saang bangko. ngayon pa lang, nalulula na sya ng sobra.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...