CHAPTER THIRTY-EIGHT: ORIENTAL DRAGON PRIME II-THE IRON FIST LEADER

75 5 0
                                    

umupo sya at binuksan ang laptop. ito ang una nyang ginagawa bago nya hinaharap ang gabundok na mga dokumento na dapat nyang pirmahan. magmula nang maging publicly listed ang korporasyon. kinuha nya ang salamin at itinutok ang mga mata sa screen.

maganda ang performance ng PSE ngayon. bullish, ika nga. umaarangkada din ang P/E ng kompanya at bawing-bawi ang revenue. kung ordinaryong mga mata ang titingin sa mga graphs at figures na ito, tyak na malilito at sasakit ang ulo. but not her.

this is her cup of tea. a thing she's been doing since time immemorial. kinakain ng utak nya ang mga numero na parang almusal. focus lang sya sa ginagawa at pagtitipa sa keyboards ng may pumindot sa alarm bell ng opisina nya.

"Riley, papasok na kami. dala namin ang pinapagawa mong dumplings, anak." anito. it's her long-time governess, Sylvia. ito lang ang tumatawag sa kanya sa pangalawa nyang pangalan imbes na ang palayaw nyang Avril. isa rin ito sa mga taong pinagkakatiwalaan nya ng lubos.

"come in, Nay." tugon nya na 'di inaalis ang tingin sa screen. dinig nya ang paglapag ng mga plato sa center table ng opisina at pagsalin ng inumin sa baso. hinayaan nya lang silang kumilos at iwan ang pagkain sa mesa.

"kumain ka na dito, Riley. sige na." sabi nito.

"yeah. paki-iwan na lang, Nay." tugon nya na ang annual gross income naman ng kompanya ang tinitingnan. "I'll eat that later."

"hindi, Riley. dumulog ka na dito bago pa lumamig itong dumplings. iwan mo muna yan. ikaw na bata ka, pati dito sa bahay dinadala mo ang iyong trabaho." anito. at dahil kukulitin lang naman sya nito, tumayo na lang sya at tinungo ang visitor's area. umupo sya sa couch at tinanggal ang takip ng pagkain. napapikit sya ng maamoy ang masarap na aroma ng dumplings. agad syang kumuha ng chopsticks. kumuha sya ng isa at sinubo. napatangu-tango sya sa sarap.

"xie, xie Nay." aniya sa matanda. ngumiti ito at ginulo ang kanyang buhok.

"kumain ka lang, dinamihan ko talaga yan. magbababad ka na naman sa trabaho at makakalimutan na namang kumain."

"mapaparami talaga, Nay. para mo na 'kong bibitayin sa dami nito."

apat na malalaking dinnerware ang pinaglagyan nito ng chicken dumplings. meron pang pork asado siopao, siomai at ngohiong. ang inumin naman ay iced red tea.

"o sya, maiwan na kita. alam mo na ang gagawin sa mga ito pagkatapos mong kumain."

tumango sya. lumabas na ito kasama ang iba pang kasambahay. anlakas ng dighay nya pagkatapos kumain. she's really full. pinagpatong-patong nya ang mga dinnerware at ininom red iced tea.

tumayo sya at hinawi ang kurtina. naghahalo na ang kahel at lila sa kalangitan. dapit-hapon na pala.
**************0O0*****************

she could see the whole of Elysian from here. ang mga nagtatayugan ring kabahayan na malayo ang agwat sa isa't-isa. hindi uso dito ang pagiging magkapitbahay. lalo na't kasing tayog rin ng kanilang mga tahanan ang pride ng mga nakatira rito. ang totoo, sa kanila lang talaga ang lugar na ito ayon pa sa kanyang Ahma. ngunit nung 1960's, binuksan ito ng kanyang Angkong sa iba. hanggang sa ganito na ang namulatan nya.

she never liked those elitist families residing here. mga taong para sa kanya'y mabuti sa harapan, nananaksak naman ng talikuran. sa tuwing may okasyon ang angkan nila, she's disgusted to see their big, fake smiles and the obvious flaunting of their jewelled laurels. kung sya lang ang masusunod, babawiin nya ang lupa at paaalisin nya ang mga mapagkunwaring yun.

tuloyan nang lumubog ang araw. dusk took over the vast horizon and the moon is up with the stars.

binuksan nya ang floor-to-ceiling glass french door. tinanggal nya ang tali sa kanyang buhok na hanggang balikat ang haba and let the cool, evening air blew it away. tumingala sya sa langit at napangiti. bagay na hindi nya ginagawa sa iba. sa malawak na kalangitan, tatlong bituin na namumukod-tangi ang kinang.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now