CHAPTER THIRTY: THANK YOU FOR THE BROKEN HEART

69 6 0
                                    


Cecelia woke up in the middle of the night, exhausted. pakiramdam nya, umakyat sya sa isang matayog, matarik at mabatong  bundok. napahawak sya sa sintido ng kumirot iyun.

she felt nauseus,too. kaya muli nyang pinikit ang mga mata. after a while, napagpasyahan nyang lumabas ng silid. pagka-apak ng mga paa nya sa sahig, tinantya muna nya kung hindi ba sya mahihilo. nung mapagtantong kaya nya, she walk towards the door and open it.

pagkarating nya sa baba, maliwanag as usual ang living room nila. maingay din sa labas dahil sa mga taong nagsusugal.

dumiretso sya sa kusina at binuksan ang ref. kinuha nya ang isang pitsel ng malamig na tubig at nilapag sa dining table. kumuha sya ng baso at sinalinan ito ng tubig.

"hindi ka pala nakatulog." napalingon sya sa nagsalita. it's her maternal aunt, Candelaria. gaya ng kaibigang si Audrey, hindi rin ito umalis sa tabi nila habang pinaglalamayan nila ang ama.
pinangatawanan nito ang sinabing babawi sa kanilang magkapatid.

"opo. pasensya na kayo."

aniya. ngumiti ito saka kinuha ang pitsel ng malamig na tubig at binalik sa ref. binuhos naman nito sa sink ang laman ng baso. maya-maya pa'y kinuha nito ang takure at sinahod sa gripo. pagkapuno, ini-on naman nito ang stove at nilagay sa ibabaw ang takure.

"kapag ganyang 'di ka makatulog or nagising ka bigla sa gabi mula sa pagkaka-himbing, huwag kang uminom ng malamig na tubig. mas lalo ka lang magigising. if you have trouble sleeping, drink tea instead. the ideal is matcha. it can relax your nerves." payo nito. napangiti sya sa malumanay nitong personalidad. magkatulad ito at ang ina. matagal nang balo ang kanyang Auntie Aria na nakapag-asawa ng isang Japanese Parliament Minister. nagtatrabaho ito sa Emperador ng Japan ngunit nasawi sa cardiac arrest. may dalawa silang anak na parehong nagsipag-asawa na.

sa kabila ng rift dati sa angkan ng ina, 'di nya mapigilang hindi maging malapit sa tyahin. napakabuti nitong tao.

"salamat po, Auntie. nahihirapan nga talaga akong matulog these days. nagkaka-halu-halo na kasi ang lahat sa isip ko. napapagod na rin akong umiyak. parang bibigay na ang puso ko sa sakit." aniya na di napigilang pumiyok na naman ang boses. timing at sumipol na ang takure. tumayo ang tyahin at may ginagawa. kapagkuwa'y nilapag nito ang isang mug na may lamang umuusok pang tsaa. napapikit sya sa minty na bango nito.

"antayin mo munang lumamig ng kaunti. inumin mo lang kapag kaya na ng dila mo ang init." anito. muli itong naupo katapat nya. "ngayon, maaari mo bang sabihin kung ano ang bumagabag talaga sa 'yo? nitong mga nakaraang araw, napansin kong tila nagkakagulo kayo. hindi ako nag-usisa dahil ayokong isipin nyong nakiki-alam ako. ngunit nais kong malaman mo na nandito lang ako, handa akong makinig sa 'yo."

humigpit ang hawak nya sa baso. dinama nya ang init nito saka nagsalita.

"Auntie, bakit po ba may mga taong kaydaling manakit ng iba? yung ang bilis nilang mangako, ganun din kabilis napapako. akala ko ako ang mahal nya pero 'di nya 'ko pinili. ni hindi nya 'ko pinaglaban."


humikbi sya nang maalala ang masasakit na salitang binitawan ng nobya--o mas akmang sabihing dati nyang nobya. pinandirihan pa sya nito at pinaratangang may dalang mikrobyo. hindi nya lubos akalaing ganun pala ang tingin nito sa kanya, pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan nila.

ginagap ng tyahin ang kanyang mga kamay. inangat nya ang mukha at tiningnan ito sa mata.

"anak, ganyan talaga ang mangyayari kapag huwad ang pag-ibig ng isang tao. dahil ang totoong pagmamahal, wala yang pagsubok na 'di kayang lampasan kasehoda kung sino pa ang humadlang. dahil kapag pinakawalan ka nya nang ganun kadali na hindi man lang sya sumubok na ipaglaban ka, then that person is not the right one for you. just take a look at your mother. she stood up for your father kahit kapalit nun ang pagtakwil ni Mama sa kanya. Ceceliana was disowned and disinhireted by our family for marrying your father. pero ang tapang nya, alam mo ba yun? pinagbantaan na sya't lahat ng magulang namin, mas pinili nya pa rin ang iyong ama. ganyan din dapat ang taong mamahalin mo, hija. kung maaari, ibigin mo ang taong ipagmamalaki ka sa lahat at hindi ka ikakahiya. yung ikaw ang pinili at pipiliin ka sa araw-araw. kapag natagpuan mo na ang taong yan, huwag mo nang pakawalan."

**************0o0*******************

her aunt's words remained in hear heart and mind. totoo palang nakakagaan ng loob kapag may nasasabihan ka ng iyong problema. masaya sya na kahit pa'no, maliban sa bestfriend nya at mga kapatid--andito din ang tyahin nila. somehow, gumaan ang pakiramdam nya. at naliwanagan ang kanyang isipan.

masakit. wala pa ring kasing sakit ang pangyayari. at hindi nya alam kung kailan sya maghihilom.

thank you for
the broken heart
and thank you for
the permanent scar...

yan ang lyrics ng isang kantang 'di nya sadyang napakinggan.

dapat nga bang ipagpasalamat ang pagkadurog ng puso? hindi nya alam. sana may makapagsabi ding ganun nga.

she turn the music off. ayaw na nya na sanang lumuha pa. nakakapagod na.
**************0o0*******************

mas gagaan talaga ang pakiramdam ng isang taong bigo kapag marami ang sumusuporta sa kanya. family support really matters lalo na kapag problemado ka.

mag-iwan po sana kayo ng comments. salamat po.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now