"sigurado po ba kayong ikakasal sya, Ate Audrey? pero impossible yun. hindi ba, sila ni Ate Cee? pa'nong magpapakasal sya, kung girlfriend sya ng Ate namin?"she groaned as she heard voices around her. parang may mga nag-uusap malapit sa kanya ngunit 'di nya makilala kung sinu-sino sila dahil mabigat ang pakiramdam nya.
"sigurado ako. legitimate ang source ng article at kinumpirma mismo ni Valeriana Garcia, ang ina ni Ara." wika ng isa. she slowly tried to open her eyes ngunit malabo ang nakikita nya.
"pero kung gayung may boyfriend na pala ang babaeng yun, bakit pa sya nakipag-relasyon sa kapatid namin? ginawa nyang tanga ang Ate ko! bwiset. namatayan na nga kami at nasa ospital pa si Mama, dumagdag pa sya!"
"hinaan mo nga yang boses mo, Carlito! hindi magandang marinig ka ni Ate---gosh, gising na sya! Ate? kami 'to. ayos ka na ba?"
ang sunod-sunod na tanong ng boses na nagiging pamilyar sa kanya. it came from her sister, Vanessa. binuka nya ang mga mata at lumilinaw na ang nakikita nya.
bulto ng tatlong tao ang nakapalibot sa kanya--ang kambal at si Audrey.
"mare, salamat naman at gising ka na. dali, Lito. kumuha ka ng tubig." anito sa kapatid na agad tumalima. nagsalin ito ng tubig sa baso at binigay sa kaibigan. inalalayan sya nitong makabangon mula sa higaan. nahahapong sumandal sya sa headboard habang pinapainom sya ng kaibigan ng tubig.
"how are you feeling? nag-alala kami ng husto sa 'yo. yan na nga ba ang sinasabi ko, hindi ka dapat nagpapalipas---"
"totoo ba?" she asked in a hoarse voice, barely a whisper. her eyes started to sting as tears threaten to fall yet again.
walang umimik sa tatlo. nag-angat sya ng tingin at isa-isa silang tiningnan.
mas naluha sya ng makita ang tila pagkahabag sa mga mukha nila. nakaiwas ang kanilang mga mata, sinyales na meron silang hindi sinasabi sa kanya.
"tell me the truth, please. hindi totoo ang article 'di ba? h-hindi sya ikakasal. utang na loob, sabihin nyong 'di yun totoo. ako ang mahal nya. ako ang mahal nya. nangako sya sa 'kin..."
niyakap sya ng mahigpit ni Audrey nang muli na naman syang tumangis. pakiramdam nya, wala nang katapusan ang kanyang hinagpis. mula sa pagpanaw ng ama at sa pagkakaratay sa ospital ng ina. hindi na sya halos makahinga sa sobrang sikip ng kanyang dibdib. parang pinipiga ang kanyang puso sa labis na sakit.
mahal na mahal nya ang nobya. kaya hindi nya kailanman matatanggap na mawawala ito sa kanya, na ikakasal ito sa iba. at ang masaklap, magpapatali ito sa isang lalaki. isang nilalang na wala syang laban dahil kaya nitong bigyan ng mga anak at normal na pamilya ang babaeng mahal nya. bagay na 'di nya magagawa.
"tama na, mare. wala na tayong magagawa. huwag mo ng saktan ang iyong sarili, please. andito kami, Cee. hindi ka namin iiwan. kaya sana huminahon ka..."
ngunit ayaw magpa-ampat ang kanyang mga luha. kagaya ng ayaw ring tumigil ng paniniwala nyang babalik si Ara---na sya ang pipiliin nito.
***************0o0****************
Cecelia loves Ara so much. at yun ang pinanghahawakan nya para maniwalang ipaglalaban sya nito at babalik ito sa kanya.
"mare, huwag ka nang pupunta dun. masasaktan ka lang ng husto sa gagawin mo. please naman, Cecelia. makinig ka sa 'kin..."
ngunit ayaw nyang pakinggan ang payo ng kaibigan. pupunta sya sa pagdarausan ng engagement nito. nabalitaan nya sa TV na may gaganaping engrandeng engagement party sa Maharlika Delta Hotel. hindi nya palalampasin na makita ito. alam nya na kapag nakita sya nito, magbabago ito ng isip. sya ang totoong mahal ni Ara. sigurado sya dun.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...