CHAPTER THIRTEEN: DENIALS

106 6 0
                                    

Please, comment and vote. Please 🙏
****************0o0****************

umabot pa hanggang kinabukasan ang pagmumuryot ni Cecelia. kamuntik pa nyang hindi magawa ang kanyang lesson plan at iba pang mga gawain dahil sa pagka-inis nya sa Ara Garcia na yun.

"anak, ayos ka na ba? wag ka munang pumasok kung masama pa ang pakiramdam mo." wika ng ina habang sinasandukan ng chicken macaroni soup ang mangkok. nilapag nito iyun sa tapat nya.

"maayos na po ako,Nay. pasensya na po talaga kung 'di ko po kayo nasamahan." aniya. she stir the soup and take a little sip. napapapikit sya sa sarap.

"walang kaso yun, anak. sayang lang at 'di mo nakita ang garden ni Lady Felicidad. napakaganda talaga. alagang-alaga at impressive ang landscape." papuri ng ina sa lugar. halata ang paghanga sa mga mata nito.

"eh Nay, totoo po bang palasyo ang bahay ng mga Zhang?" tanong ng kapatid na si Lito. ngumiti ang ina dito.

"oo,anak. Palace Estate kasi ang residence nila kaya sobrang lawak. hayaan nyo, kapag naimbita ako sa susunod ay isasama ko na kayo." wika ng ina na ikinatuwa ng mga kapatid.

"how's the assembly nga pala? ano namang mga pinag-usapan nyo kahapon?" tanong nya.

"para po syang inspirational seminar. para po syang payo sa amin, lalo na kaming graduating na sa Senior High." sagot ni Lito.

"at alam mo pa, Ate---ang bait po nya. nakipag-handshake sya sa amin at binigyan kami ng toblerone kada isa. at kahit may edad na sya, ang ganda nya pa rin. ang puti at ang kinis po ng kutis ni Madam Xienna. para syang manika na tumanda." wika naman ng kapatid nyang si Nessa.

"mabuti kung ganun. ako kasi, sa malayo ko lang sya nakikita dati. o sya, hurry up na. babiyahe pa tayo."

****************0o0****************

matapos maihatid ang mga kapatid, bumalik na naman ang inis nya. badtrip syang naupo at nakatitig lang sa blankong screen ng kanyang desktop computer.

"eherm." dinig nyang tikhim ng kung sino. tamad syang nag-angat ng tingin at agad nagbaba ng tingin ng makilala ito.

"not now, mare. wala ako sa mood." aniya. naghila ito ng upuan malapit sa kanya.

"at bakit, aber? dumaong ba ang barko na pula?" tanong nito.

"hindi. kakatapos lang ng mens ko last week. basta, wala 'to." tanggi nya pa.

"mare,ah. wag ako. isang dekada na tayong magkaibigan kaya kilala kita. now, spill." anito. nakabusangot na dinabog nya ang mga paa saka nya kinwento ang nangyari sa pizza place. matapos magkwento, hindi nya alam kung matatawa ba o maaasar sa reaksyon ng kaibigan.

napakurap-kurap ito at nakaawang pa ang bibig. gulat na gulat sa mga sinabi nya.

"o,ayan. halata namang 'di ka naniniwala." maktol nya pa.

"wait lang mare,ah." anito na napakamot sa ulo. "pina-process pa kasi ng mga neurons ko ang sinabi mo. seryuso ka ba talaga? so you mean nung nag-abutan kitang nakahiga sa sahig... kakatapos nyo lang mag-ano... mag---" anito na pinapalaki pa ang mga mata na kalauna'y humaglpak ng tawa. nahampas nya tuloy ito ng clear book.

"baliw! anong kakatapos mag-ano? dumi talaga nyang utak mo, Audrey. hindi kami gumawa ng ganun, no! aksidente lang ang...ah, basta! manyakis pa rin sya at makapal ang mukha! damn. isusumpa ko talaga sya!"

gigil nya pang saad. hindi talaga mawaglit sa isip nya ang halik na yun. ni wala nga syang maayos na tulog.

"asus. heto, may tanong ako." anito na mapanukso syang tiningnan. "nagustohan mo ba? may urge ba sa katawan mo na mag-respond?" Audrey ask, wriggling her eyebrows.

agad na uminit ang magkabila nyang pisngi sa tanong ng kaibigan. ramdam nya rin ang pamumula ng mga ito.

"h-hindi ah! straight ako, no! pinagsasabi mo dyan." ang nakaismid nyang tugon. humagikhik ang kaibigan sa response nya.

"omg, mare. i'm not asking naman if straight ka ba o hindi. kaloka ka. ang tanong ko kung nagustohan mo ba ang halik nya, yun lang. naku, naku. in denial ka, mare. sure yan."

"hindi nga. i don't swing that way, ano ka ba." hindi talaga sya aamin. though alam nya sa sariling may nararamdaman syang kakaiba ng maglapat ang mga labi nila. but she shake the thought off. wala lang yun. tama, wala lang dapat.

"mare, payo lang--wag ka nang mag-deny. ang hot kaya ni Miss Ara." anito. mas naasar lang sya dito lalo.
*************0o0*******************

she's watching an EXO concert video in her laptop just to stay her thoughts away sa nangyari kahapon at sa panunukso ng kaibigan nya. nakakainis din minsan ang kakulitan nito.

inenjoy nya ang panunood nang tapikin ni Mang Claro ang balikat nya. tinanggal nya ang headset at tiningnan ang gwardya.

"ano po yun?" tanong nya. "may kailangan po kayo, Mang Claro?" .

"ah, opo Ma'am. may naghahanap kasi sa inyo sa may guard house. 'di ko muna pinapasok dahil kukumpirmahin ko muna kung totoong magkakilala po kayo." wika ng gwardya.

"talaga po ba? eh ano daw po ang pangalan nya?" pagtatakang tanong nya.

"Ara Garcia daw po. matangkad, maputi at kulay tanso po ang buhok nya. may bitbit nga po syang pumpon ng mga bulaklak,eh." wika nito. nanlaki ang mga mata at natutop nya ang bibig. baliw talaga ang isang yun!

hindi nya tuloy alam ang gagawin. ano bang pumasok sa utak ng babaeng yun at pumunta dito?

"Ma'am?"

alangan syang ngumiti sa gwardya.

"s-sige po. pupuntahan ko sya. salamat."

lintik talaga. naloko na.
**************0o0******************

sige, deny pa Ma'am. ikaw rin. may pa flowers pa naman yung isa :D :D

kindly leave a comment and vote po. PLEASE 🥺🙏😊

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now