CHAPTER SIXTY-ONE: JUSTICE DELAYED IS JUSTICE STILL

102 3 2
                                    


napatigil sa paglalakad si JShawn ng maramdamang may sumusunod sa kanya. she heightened her senses and observed. she's in the basement parking of Teng Tan Xhien Medical Center. isang magandang balita ang natanggap nila sa hapong ito kaya somehow, gumaan ang pasanin nila. magmula nang ma-confine si Avril pagkatapos pumanaw ng kanilang Ahma, sya na ang sumalo sa mga naiwan nilang responsibilidad. at 'di yun naging madali.

palapit na sya sa kanyang sasakyan ng may makita syang anino sa peripheral vision nya. maingat na binuksan nya ang pinto sa driver's seat at inangat ang upuan.

kinuha nya mula doon ang kanyang licensed .45 Magnum Calibre handgun. kinasa nya ito at sinarang muli ang pinto ng kotse at dahan-dahang humakbang papunta sa anino.

likod ng isang tao ang nakita nya. nakasuot ito ng isang pulang hoodie jacket at pantalon. rubber shoes ang sapin sa paa.

walang-ingay syang humakbang palapit--at tinutok ang dulo ng baril sa batok nito.

"wag kang kikilos. sabog yang bungo mo 'pag di ka sumunod."

ang mariin nyang utos dito. itinaas nito ang dalawang kamay sa ere.

"h-hindi ako lalaban. hindi po ako kalaban. maniwala po kayo." anito. hindi nya ibinaba ang hawak na armas.

"at bakit ako maniniwala sa 'yo? sino ka, bakit mo 'ko sinusundan?" tanong nya na mas diniin ang baril sa batok nito.

"maniwala po kayo, hindi ako nagsisinungaling. pasensya na kung sinusundan ko kayo. hindi ko kasi alam kung pa'no lumapit sa inyo. nawa'y pakinggan nyo po ako. napakahalaga po ng sasabihin ko."

anito. mahigpit pa rin ang hawak nya sa baril ngunit inilayo na nya ito ng kaunti.

"humarap ka."

dahan-dahan itong humarap sa kanya at binaba ang hood na suot. nagkatinginan sila nito.

"marahil ay hindi nyo na ako kilala. ako si Jekjek. anak ako ni Rosauro, ang yumaong driver ng mga Zhang."

nanlaki ang mga mata nya sa narinig. inaninag nya ang mukha nito at unti-unti, nagiging pamilyar na ito sa kanya.

"Jekjek? yung batang keso?" aniya. tumango-tango ito.

"opo, ako nga. salamat naman at naaalala nyo na po ako."

wika nito na nakahinga ng maluwang. inilayo nya ang baril at ibinaba.

"akala ko kung sino. ba't mo naman ako palihim na sinusundan? pwede mo naman akong lapitan dahil hindi ka na iba sa amin. kumusta ka na?"
tanong nya dito. kilala nya ito dahil anak ito ng dati nilang driver---at kapatid ng dapat ay witness noon sa pinaka-malagim na krimen sa Metroceanna.

"maayos naman po ako. Ma'am, may mga sasabihin po ako. kailangan ko po kayong makausap." wika nito na luminga sa paligid. tila balisa ito at bakas dito ang takot.

"mukhang seryuso ka nga. put your hood up, dun tayo sa kotse. halika na."

mahinahon lang silang sumakay sa kotse na agad nyang pinaandar palabas ng parking area.

"ngayon, maaari ko na bang malaman ang sadya mo sa 'kin? dama kong takot ka. bakit?"

tanong nya dito habang nagmamaneho. bumuntong-hininga ito bago sumagot.

"t-tungkol po ito kay Kuya Gerold, Ma'am. inipon ko po lahat ng tapang ko para maharap kayo matapos naming lumayo sa ciudad maraming taon na ang lumipas." salaysay nito.

"sige, magkwento ka lang. makikinig ako." aniya dito.

"wala na po si Kuya. inatake sya sa puso sa kawalan namin ng matinong kabuhayan. sobrang hirap po ng buhay sa bukid, Ma'am. isang beses sa isang araw na lang kami nakakakain." kwento nito na 'di napigilang maiyak. "kailangan naming lumayo, Ma'am. hina-hunting nila kami mula nung tatayo sanang witness si Kuya. hindi sya biglang naglaho. sadyang napilitan lang kaming lumayo."

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now