INTRODUCTION: TAN HUA

656 9 4
                                    

nasa loob na ng bahay ang mga bisita sa okasyon. lahat, nabighani sa misteryusong ganda ng mga bulaklak na ito. muli syang napapikit at sinamyo ang napakabangong kapaligiran na tila may nagsaboy doon ng isang mamahaling pabango.

"I could see that you're still enchanted."

daglian syang nagdilat at nakadama ng hiya ng makita ang Zhang Matriarch. sa kabila ng katandaan, tuwid pa ring nakatayo ang matanda at wala man lang mga alalay na kasama maliban na lang sa kawayang tungkod na lagi nitong hawak.

"oo nga po, eh. may mga flowering plants din naman si Mama sa garden namin pero pinaka-natatangi ang mga Kadupul. nakakabighani silang talaga." aniya. the old lady smiled knowingly. 'di nya maiwasang humanga din sa kasama nya. gaya ng mga bulaklak sa harap nya, matalinghaga din itong tao.

"tama ka. nakakabighani nga silang tunay. this flower is so rare that even in the country where it natively grows, it's a previlege to see them in bloom. dahil sa ikli ng buhay nito, hindi sya pwedeng ibigay kahit kanino."

nanatili itong nakatingin sa mga bulaklak. palalim pa ang gabi kaya namumukadkad pa ang mga ito.

"Epiphyllus Oxypetallum o Dutchman's Pipe Cactus. tinatawag ng karamihan bilang Kadupul o Arwaka. ngunit sa China, binansagan itong Tan Hua. ang matalinhagang bulaklak na sa gabi lang namumukadkad at nalalanta bago magbukang-liwayway. kaya wala itong katumbas na halaga ng pera at kahit ang pinakamayamang tao sa mundo, hindi ito maaaring gawing pang-regalo. napakaikli kasi ng buhay nito kaya ang dapat gawin ay pagmasdan lang ang ganda nito hanggang sa ito ay mawala."

humarap sa kanya ang maalam na matanda at tiningnan sya diretso sa kanyang mga mata.

"ang Tan Hua at ikaw, Cecelia---ay walang pinagkaiba. maganda, nakaka-akit. walang hindi nabibighani sa 'yo. at ang apo ko... wala syang magagawa kundi ang pagmasdan ka lang. dahil alam nyang panandalian ka lang sa buhay nya. na mawawala ka rin dahil mas pipiliin mo ang iba keysa sa kanya. kaya sana---kung walang lugar sa puso mo si Avril..." the old fellow said in a calm but steadfast voice. there's subtlety and firmness in it that made Cecelia guilty as fuck. "please, let her go."

***************0o0******************

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***************0o0******************

ALL RIGHTS RESERVED SAM ST.CLOUD ©️ WATTPAD PHILIPPINES.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now