CHAPTER TWENTY-SEVEN: IKAKASAL KA NA

67 4 0
                                    


nakatingin lang sa kawalan si Cecelia habang nakaupo sa kanilang sofa. nasa harap nya ang kabaong ng ama na napapalibutan ng mga bulaklak at ilaw. pang-apat na araw na ngayon ng lamay ngunit hindi pa rin nya matanggap ang nangyari. maya't-maya ang pagbalong ng kanyang mga luha.

"mare, kumain ka muna. alas onse na, hindi ka pa kumakain ng agahan." wika ng kaibigan nya. ngunit gaya nung unang araw nang lamay, she refused to eat. nawalan sya ng gana sa kahit anong bagay.

"hindi pwede yan, mare. manghihina ka nyan lalo. kumain ka, kahit konti lang. wala ako sa posisyong sabihin na alam kong masakit ang nararamdaman mo dahil hindi ko naman yan naranasan. ngunit Cee, may mga kapatid ka pang umaasa sa 'yo. kung magpapadaig ka sa hinagpis, pa'no na sina Lito at Nessa?" anito saka umupo sa tabi nya. ginagap nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. "mare, kailangan ka ng kambal. sa 'yo sila kumukuha ng lakas. kapag nanghina ka, ganun din sila. kaya sige na, kumain ka na. please, mare." pakiusap nito sa kanya.

napahagulgol sya at yumakap kay Audrey. nasasaktan sya sa tuwing naiisip ang mga kapatid. ang kanilang ina ay nasa ospital pa rin at nanghihina. ni hindi pa ito nagigising. palaki na rin ng palaki ang kanilang bayarin at halos masaid na ang naipon nilang pera, pati na ang pensyon ng mga magulang nya. ni hindi nya alam kung saan kukuha ng pantustos sa pag-aaral ng mga kapatid.

"ayoko na. busog na 'ko." wika nya sa mahinang tono. tinulak nya ang plato palayo at tumayo. bumalik sya sa sofa at tiningnan ang picture frame ng ama.

"Tatay...pa'no na 'ko ngayon? hindi ko alam ang gagawin ko. nasa ospital pa si Nanay at baon ako sa utang. tay...sa'n ako pupunta pagkatapos nito? ano po bang dapat kong gawin?"

her sobs filled the house once again. malungkot at naluluha na pinagmasdan ni Audrey ang matalik na kaibigan. ilang araw na itong tulala, 'di makausap ng maayos at ayaw kumain. kapatid na ang turing nya kay Cecelia kaya labis din syang nasasaktan sa pinagdadaanan nito. ngunit wala syang ibang magagawa kundi ang damayan ito at huwag itong iwanan. then, she remembered one person. ang taong dapat sana'y nasa tabi ni Cecelia sa mga oras na ito. pero ang bwiset, ni hindi man lang nagpakita o tumawag man lang. makakalbo nya talaga ang babaeng yun kapag nakita nya ito.

****************0o0**********'******

"patawarin mo kami hija kung ngayon lang kami nagpakita sa 'yo. wala kaming magagawa sa desisyon noon ng aming ina, ng lola mo. recently lang din sya pumanaw kaya nahati na ang mga properties nya. wag kang mag-alala, secured na ang parte ng Nanay mo. kami na rin ang magbabayad sa funeral expenses ng lamay, pati na sa hospital bills ng iyong ina. hayaan mo kaming makabawi sa mga pagkukulang namin, hija."

sabi ng kanyang tyahin, kapatid ng kanyang ina. galing pa sila sa Portugal at naparito sa bansa ng malaman ang malagim na sinapit ng magulang. hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman ng sabihin nitong wala na silang poproblemahin sa mga bayarin. somehow, naibsan ang bigat ng kanyang mga pasanin.

nakakalungkot lang na pumanaw ang lola nya na 'di ito nagka-ayos at ang Nanay nya. ma-pride ang kanyang abuela at pinanindigan naman ng ina ang desisyon nito. isinantabi na rin nya ang galit sa pamilya ng ina. mas kailangan nya ang tulong ngayon. lalo lang silang malulugmok kapag nagmatigas sya.

malapit na ang libing ng ama ngunit ni anino ng nobya, walang nagpakita. pagod na ang mga hinlalaki nya sa kaka-tap sa screen ng kanyang smartphone ngunit walang sumasagot. kahit sa messenger, wala rin.

isa ito sa mga nagpapabigat lalo ng puso nya. pakiramdam nya, iniiwasan at binabalewala na sya ni Ara. this is the time of her life that she needed her girlfriend the most. yet, Ara is nowhere to be found. at wala iyung kasing-sakit. nangungulila sya dito, gustong-gusto nya na itong makita. mayakap, mahalikan.

"Ate..." pinahid nya ang mga luha at hinarap ang kapatid na si Vanessa.

"hey. may kailangan ka? teka, kumain ka na ba? si Lito?" sunod-sunod nyang tanong dito. tipid ang ngiti na tumabi ito ng upo sa kanya at inakap sya. sinandal nito ang ulo sa balikat nya. hinaplos nya ang buhok ng kapatid at kinintalan ito ng halik sa noo.

"Ate, huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo. sabi kasi ni Ate Audrey, halos 'di ka na raw kumakain. kailangan ka pa namin ni Lito kaya sana maging strong ka. andito po kami, 'di ka namin iiwan. we're all in this together po. pangako yan." wika ng kapatid. niyakap nya ito ng mahigpit. she felt a different kind of warmth deep inside. mas nagkaroon sya ng rason para magpakatatag.

"thank you, bunso. i'm sorry kung naging mahina ako. magiging matatag tayo, lilipas din ito. aalagaan ko kayo at 'di pababayaan." aniya. ngayong wala na ang ama at nasa ospital ang kanilang ina, sya na ang tatayong magulang ng kambal.

*****************0o0***************

nanginginig ang mga kamay ni Audrey ng mabasa ang isang legit article. hindi sya makapaniwala. halos mabitawan nya ang tablet sa pagka-bigla.

POWERHOUSE COUPLE HECTOR LA GUARDIA AND ASTRID ZANDRA GARCIA SET TO TIE THE KNOT SOONER

yan ang nasa headline ng balita. kaya pala. animal talaga ang babaeng yun.

kaya pala hindi na ito ma-contact ng kaibigan nya dahil naghahanda na pala ito nalalapit nitong kasal.
pinagsabay ng malandi ang boyfriend nito at ang bestfriend nya. ang kapal ng mukha ng bruha.

nakadama sya ng tawag ng kalikasan kaya nilapag nya muna ang tablet sa kama ng kaibigan.
*****************0o0****************

"mare? andyan ka ba?" tawag nya dito. nakarinig sya ng lagaslas ng tubig kaya di nya na ito tinawag pa.

naupo sya sa kama ng may tila matigas na bagay sa may pang-upo nya. tumayo sya at sinilip ito. ang tablet pala nito na natabunan ng kumot.

'di nya ugaling makialam sa gamit ng iba, kahit pa sa kaibigan nya. ngunit 'di rin nya maintindihan kung bakit tila ba may humihila sa kanyang tingnan ang gadget.

na sana, 'di nya na ginawa.

the gadget landed on the floor. kasabay nang paghilam ng kanyang mga mata at pagbalong ng mga luha. nanlalambot din ang katawan nya at nawawalan sya ng lakas.

dumidilim ang paningin nya at umiikot ang paligid. at bago pa man bumigay ang katawan nya at mawala ang ulirat, isang bagay ang parang echo na paulit-ulit umaalingawngaw sa kanyang isipan.

si Ara, ang una nyang pag-ibig at ang babaeng mahal na mahal nya...

IKAKASAL NA.
*****************0o0***************

pinagsabay. langya. 🤦‍♂️🤦‍♀️

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now