"what hurts the most
is being so close
and having so much to sayand watching you walk away
and never knowing what could have beenand i've seen
that loving you
is what i was trying to do..."
-What Hurts the Most[What Could Have Been], Rascal Flats
***************0o0******************"Cecelia naman! what you did back there is outrageous! kamuntik ka ng mapahamak dahil sa pesteng babaeng yun! ang kapal ng mukha nyang ipahiya at insultohin ka sa harap ng nakararami!"
wala na syang maintindihan pa sa mga sinabi ng kaibigan. umaalingawngaw pa rin sa isipan nya ang mga masasakit na salitang binitawan ng nobya. para iyung punyal na humiwa sa kanyang puso ng paulit-ulit.
"baka may mikrobyo yan. mahawa pa 'ko."
bakit? bakit nagawa ni Ara yun sa kanya? nangako itong hindi aalis sa kanya. sinabi nitong mahal sya nito at 'di sya iiwan. anong nangyari sa mga pangako nito? bakit sya nito tinalikuran?
she can't even cry despite the pain she's feeling right now. para bang ayaw nang tumubig pa ng kanyang mga mata kahit ano pang sakit ang nararamdaman nya.
"halika na. umalis na tayo rito. kalimutan mo na ang malanding yun at huwag mo na syang babanggitin pa!" anito na hinawakan ang kanyang kamay sabay hila sa kanya. but she resisted at nagmatigas na sumama dito.
"ano? halika na nga!"
"h-hindi. dito lang ako. hihintayin ko sya. babalik pa sya. alam ko, ramdam ko..."
kumakapit pa rin sya sa katiting na pag-asa na pwede nyang kapitan. hindi nya pa rin kasi matanggap ang lahat. ayaw nyang tanggapin.
"hindi! Cecelia naman. durogin at kunin nya na lahat sa 'yo, wag lang yang dignidad mo! kahit pride man lang, at least may itira ka para sa 'yong sarili! isinuka ka na nya, itinanggi pa! alam kong hindi maiwasang maging tanga, ngunit huwag mo naman sanang araw-arawin pa! gumising ka nga!" niyugyog sya nito ng malakas kaya napaupo sya sa aspalto. dito na sya napaiyak.
"I'm sorry, Cee. pero kailangan mong magising. kailangan mong tanggapin kahit ga'no kasakit. may mga kapatid kang umaasa sa 'yo. wag mong sirain ang buhay mo dahil sa karuwagan ng isang tao! hindi ka nya mahal dahil kung minahal ka ng higad na yun, ipaglalaban ka nya!" singhal nito na mas lalong nagpahagulgol sa kanya.
"we'll go home. sasama ka sa 'kin. halika na."
wala na syang nagawa nang hilahin sya nito. nagpatangay na lamang sya dito dahil wala na syang gana pang magpumiglas. muli nyang nilingon ang hotel kung nasaan ang babaeng una nyang minahal kasama ang lalaking pakakasalan nito. bubuo ito ng pamilya na hindi sya ang kasama.
what really hurts the most is the reality na sya ang sumingit, ang nakihati. she barge into Ara's life despite the fact na alam nyang may boyfriend ito. sumugal sya. ngayon---sya ang talo.
dapat umiwas na sya noon pa. may mga sinyales na hindi nya na dapat nilagay sa peligro ang kanyang puso. yung hindi sya pinakilala sa magulang, ni hindi mahawakan ang kamay nya sa publiko. ni ang ipagmalaking sya ang girlfriend nito, hindi nito magawa.
those things are warnings. ngunit masyado syang in-love dito kaya 'di nya iyun alintana. ang mga salita nito ang pinanghawakan nya.
"magpahinga ka pagkarating mo sa bahay. interment na ni Tito Victor sa martes. hindi mo pwedeng pabayaan ang kambal sa mga gawain. magpakatatag ka, Cecelia. utang na loob. para sa Nanay mo, kina Lito at Nessa."
sinandal nya ang ulo sa bintana ng kotse at malayo ang tanaw. then, thunderclouds started to form in the sky. and rain poured down. mapait syang ngumiti habang dumadaloy ang kanyang mga luha-- kagaya ng ulan. sana nga, matamaan na rin sya ng kidlat para matapos na ang lahat.
***************0o0****************nakarating sila ng bahay at agad syang inalalayan ng mga nag-aalalang mga kapatid.
"pahinga ka lang, Ate. kami na ang bahala dito sa bahay. kailangan pa nating maghanda para sa libing ni Tatay."
"tama si Lito, Ate. si Nanay, dadalawin pa natin sya. be strong po. mahal ka namin. tandaan nyo po yan." wika ni Nessa na kinintalan sya ng halik sa noo. lumabas na ang kambal at sumunod namang pumasok ang kaibigan dala ang isang baso ng gatas.
"here, drink this. makakatulong yan para makatulog ka. sige na, mare."
inalalayan sya nitong maupo sa kama at pinainom ang gatas sa kanya. naubos nya ang laman ng baso.
"sleep, mare. it'll help you. maiwan na kita dito."
pagkalabas ni Audrey, dala nya sa pagtulog ang kanyang sama ng loob...
****************0o0****************kaya mo yan, Cee. tatagan mo ang loob mo. pagsubok lang yan.
mag-iwan po sana kayo ng comment. gusto ko pong malaman ang reaksyon nyo kada-chapter. salamat.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...