FINALE CHAPTER: THEIR UNCHAINED MELODY

306 8 8
                                    

UNCHAINED(V):

not bound by shackles and chains; unfettered, unshackled, untied unbound. not restrained or tied down by bonds.

"letting go of something and someone dear to you doesn't mean one is a coward. It just means that you have to give up a thing, a person that's not really meant for you..."
---Anonymous

"there are people who are just meant to stay in our hearts, but not in our lives..."
***************0o0******************

Avril zip the last of her bags. she then look around the room where she was confined for seven months. hindi sya makapaniwalang nakahiga lang syang parang lantang gulay sa mga panahong yun. she sighed and sat down at the edge of the bed.

Neurocirculatory Asthenia. yan ang karamdamang gumupo sa kanya. masyadong technical ang medical jargon na iyun at ayaw na nyang isipin. ang mahalaga'y umayos na ang kalagayan nya, though hindi naging madali ang lahat.

pagkagising nya, nanghihina pa rin ang kanyang pakiramdam. hindi sya makakain ng maayos dahil sa malat ng kanyang lalamunan. puro soup-based lang ang diet intake nya.

she recovered after a week. ayaw nyang magpadaig sa sakit. kailangan nyang bumangon ulit at balikan ang mga trabaho nyang naiwan. nahihiya na sya kay JShawn na syang sumalo sa mga responsibilidad nya. naiwan tuloy nito ang pamilya.

"are you all set?" nilingon nya ang nagtatanong. tumango sya.

"yeah. ako na ang magdadala nitong backpack." aniya saka sinukbit ito.

lumapit ito at sinuri ang backpack.

"may kabigatan 'to. ibaba mo na, ako na ang magdadala nyan." anito na sinubokang tanggalin ang strap sa magkabila nyang balikat, ngunit iniwas nya ito.

"ano ka ba, Shawn. ganyan ba kahina ang tingin mo sa 'kin? kaya ko na 'to. it's just a backpack." aniya na inayos ulit ang pagkakasukbit ng backpack.

"sigurado ka? baka mabinat ka nyan." ang nag-aalalang turan nito. "ipadala na lang natin yan kay Ludwig."

"huwag na. Shawn, ayos na ako. sakit lang yun, Zhang ako. sakalam tayo, 'di ba?" biro nya pa.

"hindi lang sakit yun, Avalanche Riley. kamuntik ka ng mawala sa 'min kaya wag kang magbiro ng ganyan." ang hindi natutuwang turan nito. nakakaunawang humingi sya ng tawad sa pinsan.

"dui buqui. ikaw pa tuloy ang nagtaguyod sa kompanya. naiwan mo pa sina Wendy at Samara. babawi ako, Shawn. pangako yan."

aniya. tinapik nito ang balikat nya.

"don't mind it. more than being cousins, we're best of friends. sino pa bang ibang magdadamayan kundi tayo rin lang." anito. "magpalakas ka. huwag mong madaliin ang katawan mo at baka mabigla."

"opo, Ma'am. halika na nga. gusto ko nang lumabas dito. mas lalong lalala ang sakit ko dito sa ospital." aniya na nauna nang lumabas ng pinto. yumukod ang mga guards pagkakita sa kanya. tinanguan nya lang ang mga ito.

papunta na sya sa exit ng pigilan sya ng isa sa mga ito.

"Boss, sa rooftop po tayo. maraming media sa labas." wika ng isa sa kanila. she frowned at him.

"how come that they knew? pa'no nangyari yun?"

"may papparazzi po nakapasok sa ospital at nagpanggap na nurse. natimbog namin sya ngunit naikalat na pala nya na ngayon kayo made-discharge. pasensya na po." paghingi nito ng paumanhin saka yumukod.

"ano pa bang magagawa ko. umalis na lang tayo dito, i wanna go home." aniya na tinahak ang daan papunta sa elevator. pagkarating nila sa rooftop, nanduon na at umaandar ang chopper.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now