the whole academy became a lot busy the next moment. dumating rin ang mga magulang ng mga paslit para bihisan ang mga ito.pinagdiriwang ng paaralan ang United Nations Day. may presentation ang kanyang klase kaya 'di rin sya magkamayaw sa pag-aasikaso ng mga dapat gawin.
"sige na, kids. form a line and go straight to the auditorium. parents, kindly assist them there. hurry up." aniya sa mga bata at magulang. nauna na syang lumabas ng classroom papunta sa auditorium.
"sa sabayang pagbigkas pala ang mga chikiting mo, mare." anang matalik nyang kaibigan at kapwa guro na si Audrey. inaayusan nito ang pamangkin na kasali sa isang patimpalak mamaya.
"naku, oo. kaya nga babantayan ko talaga. alam mo naman ang mga grade-two pupils. parang mga trumpong 'di mapakali." aniya na hinintayng makaupo ng maayos ang mga bata.
"sinabi mo pa, mare. been there, done that. buti na lang at grade-six na ang advisory ko ngayon. at least, hindi na masyadong sakit sa ulo. maupo ka kaya muna? mag-ayos ka na rin." anito.
"mamaya na lang, mare. sisigurohin ko munang maayos ang mga bata. wala naman akong sasalihan kaya okay lang---"
"anong wala? don't tell me hindi ka na-inform?" nagtatakang tanong nito sa kanya. sya nama'y nagulohan din sa tinanong nito.
"hindi na-inform? tungkol saan?"
"hala sya. nakapaskin kaya dun sa bulletin board yung announcement! mare, ikaw ang pambato ng Montessori Department sa Miss UN ng Academy!"
she's surprised with what she just heard. hindi nga sya informed.
"w-what? pero...hindi naman nila ako tinanong ukol dyan. ayoko, mare. alam mo namang wala akong hilig sa ganyan." ang namomroblema nyang turan. totoong ayaw nya talaga sa kahita anong pageants kahit nung estudyante pa lang sya. ngunit kahit ayaw nya, sya naman lagi ang napipili.
"nah, mare. unanimous ang boto na ikaw ang representative natin. isa pa, ikaw ang reigning Mutya ng Akademya. natural lang na ikaw ang magdadala sa pangalan ng Montessori. kaya gora ka ng umawra, mare. kaya yan, ikaw pa." wika ng kaibigan sa kanya.
ayaw nya pa rim talagang sumali. may ganda nga syang taglay ngunit kinulang naman sya sa self-confidence. may stage freight kasi talaga sya, idagdag pa na introverted syang tao. yun ngang Mutya ng Akademya, kamuntik pa syang mahimatay sa kaba.
****************0o0****************"Miss Reyes." napalingon sya sa tumawag sa apelyido nya. it's their Head Mistress.
"Head Mistress. magandang umaga po sa inyo,Madam." pagbati nya dito.
"magandang umaga din. alam mo na ang tungkol sa Miss UN, hindi ba?" tanong nito. napasulyap sya sa kaibigan na nagkibit-balikat lang. muli syang tumingin sa Punong Guro at ngumiti.
"o-opo, Madam--"
"mabuti kung ganun. pagkatapos ng mga bata sa activities ngayong araw, umuwi ka agad at matulog ng maaga. bukas ng umaga ang Miss UN." anito. hindi nya na tuloy alam ang gagawin. ayaw nya talagang sumali ngunit natatakot naman syang baka maging grounds ito na mapatalsik sya bilang guro kapag hindi sya pumayag.
"may problema ba, Miss Reyes?"
she snap from her frustrated thinking and tried to put up a smile.
"wala po, Madam. i'm okay. s-sige po, maghahanda ako para bukas." aniya. tumango ito.
"that's good. i'll go ahead." anito saka umalis. nakahinga sya ng maluwag pagkatapos.
"grabe talaga ang air of authority ng matandang yun. dinaig nya pa ang dementors. nakakapanghina ang presensya nya. kaloka." anang kaibigan na pinalakad na ang pamangkin matapos ayusan.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
Storie d'amoreNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...