she fixed her self at akmang isisilid muli ang kanyang mga make-up ng mahulog ito sa panginginig ng kanyang kamay. napapalatak sya at akmang pupulotin ang nahulog nyang lipstick ng may makauna sa kanyang gawin yun. magkapanabay pa silang tumayo nito.
"oh, sorry. heto." anito. she look at the person and she's bewitched with what she see.
standing infront of her in a sweetheart bodice silver cocktail dress and city sleek styled-hair is the most beautiful woman she has seen that night. napalunok sya at parang na-engkantong hindi maalis ang tingin sa napakagandangdalaga.
tumikhim ito na nakapagbalik ng katinuan nya. napakurap-kurap sya at namula sa pagkatulala.
"I believe this is yours. sorry at pinulot ko. kamuntik ko na kasing maapakan." wika nito. her voice is soft, mellow and very feminine. mas lalo tuloy syang natameme dito.
"uhm...okay ka lang po ba?" tanong nito.
"h-huh?" tuliro nyang tanong. she badly wanted to scold herself. baka kung anong isipin nito sa kanya. nakakahiya!
"heto, baka kailangan mo pa. excuse me." anito na nilapag ang lipstick sa lababo. tumungo ito sa isa sa mga cubicles.
napabuga sya ng hininga. damn. baka pinagtawanan na sya nung magandang babae sa pagkatulala nya dito na para bang ngayon lang sya nakakita ng babaeng ganun ka-ganda.
her gay self can't help but admire the stunning woman. nakaka-akit ang taglay nitong alindog at ganda. kaya kahit akward, hinintay nyang lumabas ito ng cubicle.
dumiretso ito sa lababo at naghugas ng mga kamay. nagulat pa ito ng makita sya.
"may kailangan pa po kayo?" tanong nito. Ara tried so hard na 'di na matuliro dito. so, she put on a smile.
"pasensya na. i haven't said my thanks sa 'yo kanina. i'm Astrid Zandra Garcia." aniya na naglahad ng kamay dito. "call me Ara na lang."
tinuyo ng babae ang mga kamay nito saka tinanggap ang handshake nya.
"wala yun. Cecelia Reyes ang pangalan ko. Cee ang nickname nila sa 'kin. nice meeting you, Ara." anito ng magdaop ang mga palad nila. her hands are so tender. oh god.
parang bulak ang mga palad nito. little electric-like currents generated from her fingertips to her veins. napahigpit ang pagkakadaop ng palad nya dito.
"n-nice meeting you too, Cecelia." aniya na 'di na naman maalis ang mga mata dito. those orbs are the most mesmerizing browns she saw. para iyung purong tsokolate na tinunaw.
"e-excuse me lang,ha?" anito. napakurap-kurap syang muli at napatingin dito. anak ng tupa. natulala na naman sya.
"yes? b-bakit?"
"yung kamay ko. pakibitaw sana." sabi nito. dito pa sya natauhan.
"oh my gosh. pardon me, Cecelia. pasensya na." paghingi nya ng paumanhin dito sabay bitaw sa kamay nito. ngumiti ito na ikinapula ng husto ng mukha nya.
"okay lang. maiwan na kita, Miss. i mean, Ara. sige." anito sabay dampot sa dala nitong purse at lumabas ng ladies room.
*****************0o0****************Astrid just followed the gorgeous lady in her line of sight hanggang sa mawala ito. napailing sya sa inakto nya kanina. sanay syang nakakakita ng gwapo at magaganda. ngunit para sa kanya, iba si Cecelia.
kung pa'nong iba, 'di nya rin mawari. even her f*ckbuddy, Danica--may taglay ding ganda, katawan at mukha. pero ni minsan kasi, hindi pa sya natulala sa kahit sino. ngayon lang. hanggang ngayon nga, kumakabog pa ang puso nya.
she's in that state when her phone pinged. kinuha nya ito at binasa ang text message galing kay RM.
[Astrid, asa'n ka na ba? balik ka na dito. Madam Valeriana is looking for you, ano ka ba!]
she sighed and put the phone back in her purse. sa pagkatulala nya kay Cecelia, nakalimutan na nya ang event. at ang ina nya pa talaga ang unang nakapansin na wala sya doon.
she scan the place the moment she came back. nagbasakaling andito si Cecelia. she crane her neck to look around pero 'di nya ito nakita.
"mas importante ba yang hinahanap mo keysa sa responsibilidad mo dito?"
she snap and came face to face with her prima donna mother. umayos sya agad at binati ito.
"hi, Ma. i'm sorry na natagalan akong bumalik. everything is fine, don't worry." aniya.
"i could see that." her mother replied plainly. hindi sya umimik.
"did you invited them?" biglang tanong nito sa kanya.
"ha? ano pong ibig nyong sabihin?"
"those two." anito na ikiniling ang ulo sa isang direksyon. sinundan nya iyun at huminto kina Genesis at Sofia.
"w-what's with them? they're guests here, too. nakisali sila sa auction and they donated. yun naman ang purpose ng gala, 'di ba?" aniya. 'di nya maiwasang kabahan sa gagawin ng ina.
"I don't give a single damn about their money. palalampasin ko ang presensya nila ngayon pero hindi na sa susunod. and i will give you this warning, Astrid Zandra." mariing wika nito na tinitigan sya ng matindi. hindi na lang sya nagsalita pa. "wag ko lang malamang nakikipag-halubilo ka sa mga ganyang tao. don't you associate yourself with their kind. kapag sumuway ka--sisigurohin kong magsisisi ka."
umalis ito ulit, leaving her rooted where she stands. muling bumangon ang takot nya at pangamba. kay lupit talaga nito kahit kailan sa kanya.
************0o0******************mabubuti ang mga ina. ngunit ibang usapin ang nanay ni Ara. nakow, tumatanda nang paurong si Madam. que gandang buhosan ng muriatic ang bibig sa dumi ng mga sinasabi. 😤😠
Please comment and vote po. Please 🙏🥺
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...