"hija, may hinanda akong pink ice-scramble. kumain ka muna nito." dinig nyang alok sa kanya ng tyahin. ngunit hindi sya umimik at nanatiling nasa labas ang tingin. ganito na ang ganap nya, mahigit limang buwan na ang lumipas.then, a warm hand patted her shoulder gently. naghila ng upuan katapat nya ang tyahin.
"Cecelia, hindi mo dapat hayaang ganito ang iyong sarili. kailangan mong magpakatatag at bumangon, hija."
magpakatatag, bumangon? ni hindi nga nya alam kung pa'no humarap sa mga tao pagkatapos ng lahat. ng eskandalo, ang nakapatay sa kanyang ama...
at ang pagkamatay ni Ara.
she clench her fist on her lap, as hot tears fell from her eyes. isang bangungot ang lahat ng iyun. lagim na kahit sa pagpikit nya ay 'di mawaglit.
niyakap sya ng tyahin ng mahigpit at inalo. sa kanyang pamilya, tanging ito lang at ang ina ang hindi nagbago ng pakikitungo sa kanya.
bumukas ang pinto ng kanyang silid.
"Auntie, alis na 'ko. si Nessa, wala syang pasok ngayon." wika ng kapatid nyang si Lito.
"sige, hijo. ingat ka. teka, 'di ka ba magpapa-alam sa Ate mo?" tanong ng tyahin dito.
"nagmamadali po ako. i'll go ahead." tugon nito saka sinara ang pinto.
"Carlito---"
"wag na po, Auntie. ayos lang." sabi nya na halos ibulong ang mga salita. mas tumindi ang kanyang paghikbi at ang pagsisising dinaramdam. sobrang sakit na ang layo na ng damdamin ng mga kapatid nya sa kanya. ininda nya ang malamig nilang pakikitungo sa loob ng mga panahong nakabalik sya sa bahay nila.
"pagpasensyahan mo na ang kambal, hija. naging mahirap para sa kanila ang mga nangyari. maunawaan mo sana. hayaan mo, 'di ako titigil na kausapin sila."
"hayaan nyo na po. nauunawaan ko sila. isa akong malaking kahihiyan sa pamilyang ito. malandi ako at makati. dapat lang na 'di na nila ako igalang. napakasama kong tao..."
ginagap ng tyahin ang mga kamay nya.
"lahat naman tayo, nagkakamali. sino ba sa atin dito ang hindi nagkakasala? ang mahalaga, matuto sa mga pagkakamaling yun at huwag na iyung uulitin pa." payo nito sa kanya.
matapos pumutok ang eskandalo nya at ang katotohanang kapatid ni Ara ang nakasagasa-patay sa kanilang ama, nag-iba ng tuloyan ang pakikitungo sa kanya nina Lito at Nessa. ramdam nya ang hostility ng dalawa sa kanya, na para bang kulang na lang ay lantaran na syang ipagtabuyan.
Ara was cremated immediately after she died. sinara na rin ng NYPD sa Amerika ang parricide case laban dito. kamatayan ang naging kabayaran sa nagawa nitong kasalanan.
si Anton Luis, kusang-loob na isinuko ng ama nito. nahatulan itong makulong ng dalawampung taon at walang nirekomendang pyansa.
dapat sana ay masaya ang pamilya dahil sa wakas, nakamit na nila ang hustisya. ngunit walang nangyaring ganun.
dahil sa kabila pa man ng hustisya, 'di maitangging nakiapid pa rin sya sa babaeng kapatid ng taong pumatay sa kanilang ama. at sinaktan nya ang taong malapit sa puso ng mga kapatid nya.
kumusta na kaya ito ngayon? wala syang ibang dinulot dito kundi puro sakit. sa pagkabulag nya sa maling pag-ibig, nawala ito sa kanya.
"magkaiba ang pangungulila sa pagmamahal, hija. nung dumating ka sa buhay ni Avril, tinuruan mo syang maging totoo sa kanyang nararamdaman. ikaw ang nagpapasaya sa kanya. natuto syang makisama sa iba at unawain ang pagkakamali ng kanyang kapwa. you bring out the best in each other and that's what made both of you better. hija, nasa 'yo na ang tamang tao. sa puso mo, alam mo ang sagot. yung taong kasama mo nung mga panahong tinalikuran ka nang iba. yung bumuo sa 'yo nung dinurog ka. samantalang kayo ni Ara, para kayong tuyong kahoy na lumalagablab agad sa kaunting apoy. madali kang mag-init dahil nasanay ang katawan mo sa kanya. kaunting haplos, kaunting hawak ay rumurupok ka. at hindi yun tama. dahil ang pagiging marupok ay lame excuse lang ng mga taong hindi makuntento sa kung ano ang meron sila. hija--ang mga bagay na madaling umapoy, madali ring natutupok. at ang madaling matupok, dagliang nawawala. si Ara, sya ang apoy na tutupok sa 'yo. dapat pinili mo ang apoy na maligamgam ang init at mainam sa katawan. yung sapat para mapawi ang nararamdamang lamig at kayang linawin ang iyong isipan. and you knew, Cecelia. you knew who already owns heart..."
******************0o0**************malinaw pa sa kanya ang payong iyan ng tyahin nya.
ngayon lang nya napagtanto lahat ng bagay. ang totoo nyang nararamdaman.
what she felt for Ara is merely lust that she mistakened for longing. tama ang tyahin. madali syang bumigay sa dating nobya dahil nasanay dito ang katawan nya. ngunit wala iyung pagmamahal dahil mas nangibabaw sa kanila ang init ng laman.
she gently touch the lock and key. pumapatak doon ang kanyang mga luha. isa ang bagay na ito sa palatandaan kung ga'no sya kamahal ng taong kanyang sinayang.
hindi nya talaga kailangan ang naglalagablab na apoy. ang kailangan nya ay ang apoy na papawi sa lamig ng gabi at yayakap sa kanya para ipadama ang mabining init nitong dala.
but she chose the wrong fire. now, it consumed her. at naglaho ito matapos syang tupokin.
and the sun will set for you
and the shadow of the day
will embrace the world in grayand the sun will set for you...
she train her eyes at the Metroceanna skyline. nakakamangha ang pinaghalong pula at kahel sa walang ulap na kalangitan. papalubog na ang haring araw.
sana lang, hiling nya---sa paglaho ng araw ay ang bagong simula ng muli nitong pag-angat sa alapaap. hangad nya na sana sa pagsikat nitong muli, may pag-asa pa ring mabago ang buhay nya.
at sana, mahanap ni Avril sa puso nito ang kapatawaran para sa kanya.
***************0o0****************the sunset doesn't signify goodbye. it means that some things need to end for a while, to make way for the tranquility of the night. sa ganung paraan, makakapagpahinga ang puso at may panahong maghilom habang hinihintay ang pag-asang hatid ng bagong umaga.
one chapter to go, mga lodi. please hold on 'till the Finale.
mag-iwan po sana kayo ng comments and votes dito. salamat.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...