itinago nya sa kanyang safe ang kwintas. nakalagay iyun sa trapdoor sa ilalim ng kama na sya lang ang nakakaalam. the precious jewelry belongs to an affluent family so she can't afford to lose it. kulang pa ang buhay nya pangbayad 'pag nagkataon.kinabukasan, nagayak na sya para pumasok na sa SCA. pinatawag sya sa opisina ng Head Mistress para sa bago nyang advisory class.
"magandang umaga po sa inyo." bati nya sa mga kasama sa bahay. valenciana, longganiza, cheese hotdog at beef tapa ang almusal nila.
"magandang umaga po, Ate." bati ng kambal.
"good morning,hija. dumulog ka na at kumain." anang tyahin nya. naghila sya ng silya at naupo.
ngayong araw din ang college entrance exam ng kambal.
matapos kumain at bago umalis, nagpaalam muna sila sa ina at humalik sa noo nito. gaya ng makalabas ito ng ospital, tahimik lang ito at walang reaksyong nakatingin sa kanila.
"alis na kami, Nanay. wag kang mag-alala, babalik agad ang kambal pagkatapos ng exam nila. we love you po." aniya saka lumabas ng silid.
"bye po, Nanay. gagawin po namin ni Nessa ang lahat para makapasa sa exam. magsusumikap po kaming mag-aral. ipagmamalaki nyo po kami." ani Lito na yumakap sa ina. ganun din si Nessa.
"alis na po kami, Auntie." paalam nila sa tyahin.
"paalam, mga bata. ingat kayo lagi." anito. sumakay na sila sa kotse at lumabas na ng kanilang garahe.
"galingan nyo mamaya, kambal. alam kong kaya nyo yan. just pray before you take the exams." payo nya sa dalawa habang nagmamaneho papuntang MPU.
"salamat po, Ate. asahan nyo po ang best namin sa exam. gagawin po namin lahat para makapasok sa MPU."
wika ni Nessa. ngumiti sya at pinasok ang kotse sa mala-football field na quadrangle ng Metroceanna of the Pacific University. manghang-mangha ang mga kapatid sa pinaghalong oriental at european architecture ng unibersidad.
"grabe. mas kahanga-hanga pala ito sa personal. ang ganda talaga!" ang natutuwang bulalas ng kapatid na si Nessa.
"o sya, pumasok na kayo. goodluck sa inyo. pray before the exams, okay?"
bilin nya sa mga kapatid.
"opo, Ate!" tugon nila. kumaway sya sa mga ito saka muling sumakay sa kanyang kotse. madali lang syang nakarating sa SCA mula sa MPU dahil hindi naman ganun kalayo ang mga ito sa isa't-isa. pagkahimpil nya sa kotse, kinuha nya ang shoulder bag at umibis.
nagkasabay pa sila ni Josie na tinaasan sya ng isang kilay at inirapan. deadma lang sya dito like always. hindi na magbabago ang mga gaya nitong pinupugaran ng insecurity ang katawan.
dumiretso sya sa opisina ng punong guro. she knocked, then a heard a voice telling her to have the door open.
"Ouvre la porte." anito. The Head Mistress replied in French. nagturo dati ng linguistics ang HM nila kaya marami itong alam na banyagang lenggwahe.
binuksan nya ang pinto at binati ito pagkapasok nya.
"parlez vouz francais, hija." anito. "have a seat, please."
"Bonjour, Madam." pagbati nya dito. She pulled the chair behind the Head Mistress's desk and sit across her.
"I know that you're informed via e-mail with your new advisory
class. are you ready to be transferred to your new class and pupils, hija?" tanong nito. ngumiti sya at tumango. normal na sa kanilang mga guro na malipat ng grade level, lalo na sa mga gaya nyang nagtuturo sa elementarya. though ito ang unang beses na mailipat sya ng mga graders na tuturuan."very well, then. your new graders and advisory class is Grade-Five Kublai Kahn. ang star section among all fifth grade classes. heto ang mga new enrollees sa baitang na yan, hija." anito na inabot ang isang silver clear book sa kanya. binuklat nya ang mga ito ngunit nagtaka sya.
"fifteen pupils lang po ang tuturuan ko, Madam?"
"yes. bukod-tangi kasi ang mga batang yan na iha-handle mo, Cecelia. kaya nga sila ang star section dahil talagang mga matatalino silang mga bata. isa pa, papasok sa section na yan ang dalawang VVIP na mag-aaral." sabi nito. tiningnan nya ang mga batang ito.
sino kaya sa kanila ang tinutukoy nitong VVIP?
"sino po sila, kung mamarapatin nyo pong malaman ko." aniya.
"those two kids are the great-grandchildren of Lady Felicity Valdez-Zhang, hija. kilala mo naman siguro ang Chairwoman ng IVI Conglomerate at may-ari ng SCA at MPU, hindi ba?"
kulang na lang mahulog ang panga nya sa sahig. hindi nya maintindihan kung bakit tila pinaglalaruan sya ng kapalaran. nasa kanya pa ang hinihinalang heirloom ng naturang angkan at ngayon, magiging guro pa sya ng dalawang bata na apo ni Lady Felicity. para bang nilalapit talaga sya sa mga Zhang.
mahinang natawa ang punong-guro sa reaksyon nya.
"masasanay ka rin, hija. matatalino at galing sila sa pinaka-mayamang angkan dito sa bansa, yes. pero mababait at hindi sila pasaway na mga bata. I knew you could handle them well. okay, you're set. goodluck sa opening of classes, Teacher Cecelia."
*************0O0*******************
"huwhat??!! hala ka, mare. mula sa kwintas, ngayon sa mga bata naman. aba, mukhang destiny mo ata talaga yan. congrats, mare!" ang nagagalak na bati ng kaibigan sa kanya.
"salamat, mare. pero alam mo, kinakabahan ako. 'di ba yung dalawang bata, lumaking marangya? baka mamaya, spoiled brats ang mga yun." aniya.
"ay, hala sya. wag nega, mare. bad yan."
pinandilatan at hinampas pa sya nito ng nirolyong kartolina.
"wag ka ngang judgemental, bawal yan. at tsaka, mga bata kaya yan. ikaw na ang nagsabi, kids are loveable whatever age they are in. malay mo, mababait nga sila. at isa pa, hindi lahat ng rich kids masasama ang ugali. my pupils are one of those that i'm talking about. so cheer up. at least both of us aren't demoted. i stayed in my sixth graders and you got promoted to the fifth grade. o, di vah bongga? pak!"
gumaan ang loob nya sa kakalugan ng kaibigan. Audrey's right. dapat syang magpasalamat. maybe, this is the start of a new chapter in her life. the opportunity to move forward and go on.
she's now going to put the past--and the people in it behind. kahit sya na tumalikod at nanakit sa kanya.
ang hiling nya, tuloyan na nyang makalimutan ang pait at sakit ng nakaraan.
****************0o0*****************good luck, Teacher Cee. bigatin ang mga tuturuan mo and who knows-- baka sila ang way para ma-meet mo ang bago mong the one :D :D
mag-iwan po sana kayo comments. please. salamat. 🙏🤗
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomanceNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...