CHAPTER THIRTY-SIX: SI HOTTIE MASUNGIT

80 4 0
                                    


"okay fifth graders, fall in line properly please. find your height, arms forward and stand straight. walang tulakan, okay?"

yan ang instruction nya sa mga bata habang pumipila ang mga ito para sa flag raising ceremony. the wide quadrangle is filled is filled with the giggles and laughter of children again. may ilan pang naghahabulan at naglalaro kahit pinapapila na. she got her whistle and blew it. agad na umayos ang mga paslit at bumalik sa linya.

umakyat na sa podium ang Head Mistress ng Academy at nagbigay ng opening at welcome speech. sumunod sya dito at tumayo sa gitna, then the national anthem played. kinumpas nya ang mga kamay sa beat ng kanta habang sumasabay dito ang mga bata.

matapos nito, umakyat ang isa sa mga mag-aaral ng grade six para sa panatang makabayan.

there's a dance number right after the ceremony. intended ito as a form of exercise para sa mga bata. mas ginanahan pa ang mga mag-aaral nang ang mag-lead sa sayaw ay ang sikat na bubuyog na mascot mula sa isang kilalang fastfood chain.

after the dance number, pumila ulit ang mga bata papunta na sa kani-kanilang classroom. sya naman, excited nang makita ang mga bago nyang tuturuan. nakaabang na sya sa kanila sa gilid ng pinto.

she smiled upon seeing a line of graders coming her way.

"good morning po, Teacher." bati nila sa kanya habang papasok sa silid-aralan.

"good morning din, mga bata." ganting bati nya. pumunta sya sa likod ng mesa at pinanuod ang pag-upo ng mga bata sa napili nilang upuan. hinayaan nya lang muna dahil ia-arrange naman sila mamaya base sa unang alphabet ng kanilang apelyido.

ngunit may napansin sya. labintatlo lang ang mga mag-aaral na andito. labinlima dapat sila kaya may dalawang wala pa. inintindi nya na lang, total ay unang araw pa naman ng klase.

"is it okay if we'll wait for your other two classmates?" tanong nya sa mga bata.

"okay po." tugon nila. she felt happy. mukhang mababait naman pala sila.

"but it's boring. can't we just start without them? what if they're absent pala?" nabigla sya ng may marinig na boses na ubod ng conyo at taray. nang tingnan nya, galing pala sa isang batang babae na may braided platinum blonde hair. nakahalukipkip ito at nakabusangot pa. napakurap-kurap syang nakatingin dito. the little girl looked foreign at obviously, galing sa mayamang pamilya.

"just wait a while, okay? baka paparating na sila---"

"pa'no kung hindi nga? we'll just wait here, ganun? duh. sabi ko naman kasi kay Mommy, boring ang first day. i should've stayed at home and watch HallyPop." maktol nito. 'di makapaniwalang napailing sya sa inaasal ng batang ito.

napaka-ikli ng pasensya nito at halatang spoiled at bratinella.

hindi nya ito pinatulan. bata pa din ito kahit gaano pa kataray. sya ang kanilang guro kaya dapat lang na habaan nya ang kanyang pasensya sa kanila. They're in their adolescent stage of life, kung saan typically rebellious ang ganitong edad.

she glance at her wristwatch. eight o' clock ang simula ng klase nila at seven fifty na sa kanyang relo. nag-abang sya ulit malapit sa pinto at tinanaw ang hallway.

she patiently tap her shoes when she saw three people walking fast. patakbong lumapit sa kanya ang dalawang bata, kasama ang tantiya nya'y kanilang yaya.

"good morning po. sorry we're late, Teacher."

paghingi ng paumanhin ng isa sa mga bata, sabay yukod.

"zaoshang hao po. duibuqui for being late." wika ng isa pa. ang totoo, wala syang naintindihan sa mga sinasabi nila. hindi sya pamilyar sa lengguahe na iyun.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now