kumuyom ang mga kamao nang makita ang mga litratong ibinigay ng PI na binayaran nya. she's badly hurted upon seeing the woman she loves being happy in someone elses' arms. hindi nya matanggap na napunta ito sa iba.
aminado syang kasalanan nya ang lahat. ininsulto, itinanggi, tinalikuran nya ito at sinaktan. walang araw at gabi na 'di nya iyun pinagsisihan.
ngunit hindi nya iyun sinasadya. nagawa nya lang ang mga bagay' ng yun para ito maprotektahan, lalo na mula sa kanyang ina. at isa pa--wala pa syang kapasidad noon. hindi nya pa kayang labanan ang pamilya nya.
iba na ngayon.
for so many years, pinagplanuhan nya ang pagpapabagsak sa bruha nyang ina. hindi naging madali. ngunit nagawa nya.
muli nyang tiningnan ang mga larawan. bigatin ang kanyang karibal, aminado sya dun. pero wala syang planong magpadaig. babawiin nya si Cecelia dahil sa kanya lang ito. at batid nyang babalik din ito sa kanya kapag nalaman nito ang dahilan kung bakit nya ito kailangang iwan. mauunawaan sya nito. sya ang mahal nito.
kumpyansa sya dun. sa kanya pa rin ito mapupunta.
****************0o0****************"may relasyon na ba silang dalawa?" tanong nya sa PI nang ibigay na nito ang mga impormasyong gusto nya. magmula nang makabalik sya sa pilipinas, si Cecelia kaagad ang hinanap nya. labis syang nalungkot ng malamang nadisgrasya ang mga magulang nito. namatay ang ama ng nobya at nawalan ng alaala ang ina. nasasaktan sya lalo pa't dapat ay nandun sya para damayan ang nobya.
nobya--dahil hindi naman sila pormal na naghiwalay. nagpakasal man sya sa iba, ito pa rin ang mahal nya. at sigurado na mahal rin pa rin sya nito.
"wala po silang relasyon, Madam. sa mga nalaman ko, manliligaw pa lang si Avril Zhang kay Cecelia Reyes." sagot ng PI. she smirked. manliligaw lang naman pala. wala naman pala syang dapat ikabahala.
at kahit pa siguro may namamagitan na sa dalawa, kukunin nya pa rin ang babaeng mahal nya. wala syang pakialam kahit si Avril pa ang bumuo sa mahal nya. hindi sya naniniwala sa bagay na yun.
Cecelia is hers. at aagawin nya ito.
"Madam, here are the papers that you need to sign." anang sekretarya nya.
"ilapag mo na lang. you can go." utos nya rito. tumalima at umalis ang sekretarya. bagong hire ito dahil ayaw nang bumalik pa ni RM sa kompanya--kahit sya na ang bagong CEO.
she sighed deeply. masama ang loob nito sa kanya dahil mas pinili nyang pakasalan si Hector sa Amerika keysa tanggapin ang alok ni Wendy sa kanya. tinawag sya nitong duwag.
mapakla syang ngumiti. hindi sya duwag. wala itong alam sa hirap na pinagdaanan nya, maabot nya lang ang posisyong ito. she succeeded in toppling down her evil mother para sya ang pumalit sa pwesto nito. she used her marriage to Hector para makakuha ng mas malaking stocks. she bought her mother's shares and the rest was history.
ngayon, wala nang makakapigil pa sa kanya. wala nang hawak ang ina sa kompanya. sa kanya na ang lahat.
***************0o0******************"ang kapal ng mukha mong gulangan ako! ipokrita ka!" bulyaw ng ina ng malaman nito ang ginawa nya. nagsilabasan na ng mga ugat nito sa sintido at leeg sa sobra-sobrang galit.
umangat ang isang sulok ng kanyang labi. she look at her mother mockingly.
"bakit? nakaka-insulto ba na nalamangan ka ng anak mo? well then, wala ka nang magagawa. you have nothing now, mother. you're at my mercy. i'd beg if i were you."
buong pagmamalaki pa nyang turan dito. alam nyang ito ang kanyang ina at dapat nya itong igalang. ngunit wala na ang respetong yun matapos lahat ng ginawa nito.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
Roman d'amourNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...