CHAPTER FIFTY-FIVE: GALAWANG AHAS

89 5 0
                                    


"the snake in human form is a scarlet woman dressed in deceit and lust."
-Anonymous

WARNING: EXPLICIT SCENES AHEAD. NOT SUITABLE FOR HOMOPHOBES AND MINORS. READER'S DISCRETION IS STRONGLY ADVISED.
***************0o0****************

"tahimik ka mula pa kanina. ayos ka lang ba?"

napaangat sya ng tingin mula sa pagkakayuko ng marinig ang tanong ni Avril. tumikhim sya at inayos ang pagkakahawak sa paso kung saan nakatanim ang marcotted stem ng Kadupul.

"I'm fine. inaantok lang siguro ako." tugon nya at muling tiningnan ang tanim. wala pa itong bulaklak dahil matagal pa bago ito mamumukadkad muli.

"ang Tan Hua at ikaw Cecelia--ay walang pinagkaiba. maganda, nakaka-akit. walang hindi mabibighani sa 'yo. at ang apo ko, wala syang magawa kundi ang pagmasdan ka lang. dahil alam nyang panandalian ka lang sa buhay nya. na mawawala ka rin dahil mas pipiliin mo ang iba keysa sa kanya..."

umaalingawngaw pa sa isipan nya ang mga salitang iyun mula sa matandang Zhang. kumalabog ang puso nya sa sobrang kaba. may alam kaya ito sa nakaraan nya? ang mga salitang yun, halatang may pahiwatig.

"kung wala syang lugar sa puso mo, then let her go.."

she look at Avril in her peripheral vision. kalmado lang ito habang nagmamaneho.

ang totoo, hindi nya kayang mawala si Avril sa buhay nya. sa loob ng mga panahong kasama nya ito, kampante sya at masaya. everytime she's with Avril she feels safe and secure. and she can't bear the idea of letting her go.

tinapat nya ang kamay sa kaliwang dibdib. dama nya ang payapang tibok ng kanyang puso. ganito lagi ang pakiramdam nya kapag magkasama sila. Avril gives her the tranquility she needs.

ngunit ang puso nya ang nag-aalangan pa. gusto nang isip nyang kamuhian si Ara, ngunit ang puso nya ang biglang nagbago. there's a part of her that longs to see Ara again. na ituloy ang kung anumang naputol nilang ugnayan noon.

tama si Audrey. she's being unfair to Avril.

"kalabisan ba kung hihilingin kong manatali ka sa tabi ko, kahit nasasaktan na kita?" she said it in a whisper, staring outside the car's window.

"huh? may sinasabi ka ba?"

she snap out of her reverie. tipid syang ngumiti.

"wala. don't mind me." aniya. tumango ito at itinutok muli ang mga mata sa kalsada.

"syanga pala, may Founder's Ball bukas ng gabi. in celebration yun ng SCA Foundation Day. dapat nandun ka, lahat ng teachers required na pumunta." anito.

"talaga ba? hindi ko yata alam yan." aniya. nagtatakang sinulyapan sya nito.

"Audrey didn't tell you?"

muling nanumbalik ang lungkot sa kanya ng mabanggit ang pangalan ng kaibigan. hanggang ngayon, hindi pa sya nito kinikibo.

"hindi,eh. n-nakalimutan nya siguro."

"really? that's a first. 'di ba laging sya ang nagbabalita ng mga kaganapan sa 'yo? the two of you are so close. may nangyari ba?"

nag-iwas sya ng tingin. she refused to answer.

"nire-respeto ko ang kung anumang hidwaan nyong dalawa. hangad kong magka-ayos kayo." wika ni Avril sa kanya.

pagkarating nya ng bahay, diretso sa kanyang silid. inilapag nya ang paso sa bedside table. bukas na nya ito ire-repot.

she got her smartphone. magbabaka-sakali syang sasagutin na nito ang tawag nya.

the other line ringed. pero voicemail ang sumagot.

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now