CHAPTER SIXTY: KATOTOHANANG HINDI MAIBABAON

84 3 0
                                    

"where there is smoke--

always expect that there is fire."
---Anonymous

[TRIGGER WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS SENSITIVE SCENES THAT DEPICTS ABUSE AND FORCED, NON-CONSENSUAL INTERCOURSE. READER'S DISCRETION IS STRONGLY ADVISED. PEOPLE WITH TRAUMA OR ANY TRAUMATIC EXPERIENCE WITH SUCH INCIDENTS ARE HIGHLY ADVISED NOT TO READ. THANK YOU.]
**************0o0****************

"gawan mo ito ng paraan! gagastos ako ng malaki, apulahin mo lang ang scandal!" asik nito sa kausap. hindi nya alam kung bakit, ngunit kusang huminto ang mga paa nya para makinig.

"wala na akong pakialam sa kung ano ang gagawin mo! just do it, tonto! hanapin mo ang nagpakalat ng p*tang*nang video at patayin mo!"

nanghilakbot sya ng marinig ang mga salitang binitawan nito. hindi nya akalaing magagawa nitong magpapatay ng tao na para bang walang halaga dito ang buhay ng iba. ano bang klaseng tao ang pinili nya?

"hindi nya dapat malaman ang bagay na yun! matagal na ang pangyayaring yun at 'di na dapat inuungkat! ang kapatid ko, hindi sya makukulong. aksidente ang nangyari, ganun lang. kapag nakarating kay Cecelia ang totoong nangyari na si Anton Luis ang naka-hit and run sa magulang nya, mapapatay kita! hanapin mo ang witness at likidahin mo---"

"Kapatid mo ang nakadisgrasya sa magulang ko?"

nanlaki ang mga matang lumingon ito sa kanya. nabitawan nito ang smartphone at namutla.

"m-my love..."

nanginginig ang katawan nya sa galit. mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao at ang parang sasabog ang puso nya sa bilis ng tibok nito.

"magsalita ka! kapatid mo ang sumagasa sa magulang ko?!! sagot!!" dumagundong ang bulyaw nya sa loob ng silid at nagsisimula nang mamuo ang kanyang mga luha.

"h-hindi ko alam ang sinasabi mo. nagkakamali ka lang ng narinig." tanggi pa nito sabay iwas ng tingin. nagdilim ang paningin nya at kusang umigkas ang kanyang kamay at pinadapo sa kanan nitong pisngi. lumagak ang mukha nito sa lakas ng kanyang sampal.

"SINUNGALING! NAPAKA-DEMONYO MO, HAYOP KA!! all this alam kung sino ang walang pusong nakadisgrasya sa magulang ko at wala ka man lang sinabi! walang-hiya ka! hayop ka, hayop! hayop!" pinaulanan nya ito ng mga sampal, suntok at sabunot. kinalmot nya pa ang maaabot nyang balat nito.

"tama na, tama na! nasasaktan na 'ko, ano ba!"

"wala akong pakialam! kulang pa ang sakit na yan sa hinagpis namin ng pamilya ko! napaka-hayop nyo! wala kayong kasing demonyo!"


"tama na sabi, damn it!" bulyaw nito na pinatamaan din sya ng isang sampal. mas lalong tumindi ang galit nya sa naranasang pananakit. hilam na ang mata nya sa luha at hulas na ang kanyang mukha.

"oo! kapatid ko nga ang nakasagasa sa magulang mo. ngunit 'di nya iyun sinasadya! wala syang kasalanan! at hindi ko sya hahayaang makulong dahil inosente sya! kapatid nya 'ko at poprotektahan ko sya!" singhal nito sa kanya. para na syang kakapusin ng hininga sa narinig. ang laki ng pagkakamali nyang binalikan pa ito. nagpaloko at nagpa-uto sya ng matindi.

"pinatay nya ang tatay ko. nang dahil sa kanya nabaldado ang aking ina at nawalan sya ng alaala. nasira ang pamilya ko nang dahil sa nangyari. namatayan ako ng mahal sa buhay at hindi mo alam kung ga'no yun kasakit! wala kang alam!!"

namamaos na ang boses nya sa kakaiyak. the sad and cruelty reality hit her so hard. how wrong she was for choosing Ara.

tama nga ang kasabihan: wala sa una o gitna, kundi laging nasa huli ang pagsisisi.

"my love, I'm---"

"huwag kang lalapit, kriminal! galing ng impyerno ang pamilya mo!" pinagdadampot nya ang mga bagay doon at ibinato dito.

"tumigil ka na! kahit magwala ka pa, hindi na sila mabubuhay pa! tanggapin mo na lang!" nanlilisik ang mga matang hinaklit nito ang kanyang braso saka sya kinaladkad papasok sa silid. nagpumiglas sya at pinalo ang kamay nito ngunit sampal ang kanyang natamo.

"huwag kang umasta na parang mabuti kang anak! dahil kung matino kang babae, 'di ka sasama sa akin dito! kaya tumahimik ka!"

nagimbal sya ng punitin nito ang kanyang damit at dinakma ang kanyang bra saka ito pwersahang tinanggal. piniga nito ang kanyang dibdib at marahas na hinawakan.

itinulak nya ito ng buong lakas ngunit sadyang mas malakas ito sa kanya. iyak na lang sya ng iyak sa kahayupang ginagawa nito sa kanya. wala na syang maramdamang kilig. nanrimarim sya at sumigaw sa abot ng kanyang makakaya. ngunit 'di ito tumigil.

nanghihina na syang manlaban dito at puro hikbi na lang ang nagagawa nya.

pinagparte nito ang kanyang mga hita at ipinasok ang kamay sa beach shorts nya. akma nitong ipapasok ang daliri sa loob nya ng lumipad ang pinto ng silid. the door landed on the floor with a loud crash kasabay ng pagkakatanggal ni Ara sa ibabaw nya.

"tabunan nyo ng kumot ang hubad nyang katawan. kilos na." utos ng kung sino. may mga tumakip ng kumot sa kanyang kahubdan at walang tigil din ang kanyang paghagulgol. her body is trembling with so much fear.

"it's okay, Ma'am. we got you. calm down po, hindi ka na nya masasaktan. mga taga PNP-CIDG at BOI po kami. ligtas na po kayo." wika ng isa sa kanila. nagkagulo na sa loob ng Villa dahil may mga myembro ng media na kasama. tinakpan nya ang mukha ng may tv crew na kinukunan sya ng footage.

"take that camera off, ano ba? i-respeto nyo ang privacy ng tao!" singhal ng isa sa mga pumasok sa tinutuloyan nila sabay takip sa kanya, shielding her from the vulture media.

"sige na naman, kahit isang pahayag lang!" pangungulit pa ng isang reporter.

"umalis ka nga! at wag mo 'kong paandaran nyang freedom of speech mo dahil 'di yan uubra. men, alisin nyo nga yan dito!" utos nito sa mga tauhan. galit na umalis ang bastos na reporter. nagbanta pa itong kakasuhan ang pulis dahil sa paglabag diumano nito sa kalayaan nilang mamahayag.

at kahit sarado ang silid, dinig nya ang mga pambubulyaw at pagmumura ni Ara.

"you are under arrest for the case of murder and conspiracy for the death of your deceased husband, Hector La Guardia. the petition and appeal of his family to cross examine the human remnants of his ashen remains was granted by the New York Trial Court. there it was found out that he didn't die of cardiac arrest but of asphyxia due to strangulation. and two witnesses came up to testify. and as the head of the Bureau of Immigration Anti-Fugitive Unit, I am arresting you to have you deported back to the US to face the jury. you have the right to remain silent, and anything you say can be used in favor or against you in the court. if you have no lawyer to defend you, the court of Manhattan is willing to give you legal assitance. cuff her---anak ng! ibaba mo yang baril Miss Garcia! ibaba mo yan!"

nagsumiksik sya sa headboard ng kama nang marinig ang malalakas na sigawan mula sa labas.

"i'll never let you get me alive! mamamatay muna ako bago bumalik sa bansang yun at makulong!!" sigaw nito na inumang ang dulo ng baril sa mga autoridad. para na itong wala sa tamang pag-iisip.

"'di ka namin sasaktan, sumama ka lang sa amin ng mahinahon..." pakiusap pa ng mga nag-aaresto. ngunit tumanggi ito at nagmatigas. hindi napigil ng isa ang sarili at inagaw ang baril kay Ara. nagpambuno ang dalawa at at nahihilahan sa baril nang...

***************0o0****************

napatili sya ng umalingawngaw ang putok ng isang baril.

isa sa kanila ang tinamaan ng bala. sumuka ito ng dugo saka dahan-dahang bumagsak sa sahig.

natahimik ang lahat at nagkatinginan. bumuntong-hininga sila saka nagbigay ng utos ang kanilang hepe.

"dalhin natin sila ospital." anito na unang lumabas ng paupahan.
*************0o0*******************

Whew. people who doesn't feel and show remorse are the worst people to ever walk in this planet. and I'm talking about you, Ara.

Please read, comment and vote po sana. Please po. Salamat 🙏🥺🤗


METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now