CHAPTER FIFTY: A BALL TO REMEMBER

62 4 0
                                    


she never had experience fun like this. nilibot nila ang buong Metroceanna at maya't-maya silang humihinto para bumili ng pagkain o di kaya'y magpa-refuel. they'd eat their grub in the car while enjoying the ride.

"masarap ba?" tanong nya kay Avril matapos nya itong subuan ng sweet-chilli flavored twister fries. nag-thumbs ito at tumango, habang nagmamaneho. sa layo ng kanilang byinahe, nilagpasan na nila ang Metropolis at ngayo'y papunta silang dalawa sa lungsod ng San Isidro.

"hindi ka ba napapagod? ako naman ang mag-drive." aniya dito. umiling ito.

"long drives like this aren't new to me. i'm used to it, actually. malimit talaga akong mag-land travel, kaya ayos lang." sagot nito. she smiled. sa mahabang oras ng biyahe, nakita nya sa ibang anggulo ang isang Avril Zhang. hindi na ito ang dating masungit na nakilala nya. several times she saw Avril smiled--laughed even. kita ang tunay na saya sa mukha nito.

kahit sya, genuine din ang sayang nadarama. para bang pakiramdam nya, ngayon lang sya nakalaya.

nakalaya, mula sa sa sakit na dulot ng isang tao; mula sa hinagpis sa pagpanaw ng  ama at pagkawala ng alaala ng kanilang ina. for the first time, she felt free.

"stop-over tayo ulit. let's go there." turo nito sa isang arko. lumapit sila papasok sa isang malaking gate na bakal.

"magandang umaga po." pagbati ng nagbabantay sa kanila. "welcome to Fortalejo Farm."

"magandang umaga din po. may kainan po ba dito?" tanong ni Avril dito.

"ah, opo. nandun po sa loob, yung malaking cottage." sagot nito.

"salamat po." tugon nila. umabante ang kotse papasok.

"malawak ang farm na ito at maraming pananim. mabuti't dito tayo pumunta." aniya, looking at the vast green fields.

"first time mong makapunta sa ganitong lugar?" tanong nito sa kanya nang ihimpil ang kotse sa labas ng isang cottage.

"oo. ang ganda pala dito sa probinsya."

"baba na muna tayo para kumain. dahil farm 'to, sure akong presko ang mga pagkain. pasok na tayo."

magkahawak-kamayng pumasok sila. nasanay na rin syang hinahawakan nito ang kamay nya mula nung bumibyahe sila. it somehow felt good to held Avril's hand like this.

"tuloy po kayo." pagbati ng isang teenager na magandang babae sa kanila. "I'm Heart Gatmaitan. upo po kayo."

imwinestra nito ang isang kahoy na mesa na may dalawang magkatapat na upuan.

"heto po ang menu namin. nago-offer po ang The Hut nang authentic vegan and vegetarian dishes." anito. ngunit napansin nyang namumula ang pisngi ng dalagita habang nakatunghay kay Avril. umigkas ang isang kilay nya. halata nyang type nito ang kanyang kasama.

"i'll have honey-glazed roasted chicken breast with pako salad. and dalandan coolers." Avril said, handing the menu back to the teenage girl. 'di nakaligtas sa kanya ang pagkagat-labi nito. ang bata pa, lumalandi na.

"kayo po, Ate? anong order nyo?" baling nito sa kanya. hindi nya pa rin binababa ang kilay.

"gusto ko ng malanding pusit na pinakuluan ng matagal. meron kayo nun?" aniya.

"po?" ang nagugulohang tanong nito. palihim nya itong inirapan.

"wala. what i mean is that i'll have what she ordered. thank you." she smiled not so sweetly.

"ah. okay po. i'll have it prepared." anito saka tumalikod at pumunta sa counter.

"malanding pusit? may ganun palang pagkain?"

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now