after that incident in the boardroom, sa trabaho na agad ang atensyon ni Avril. tambak ang mesa nya ng mga business proposals at mergings. isa na dun ang proposed partnership mula sa Garcia Corporation. nais ng mga ito na magkaroon ng tie-up ang Maharlika Delta Hotels at ang airline ng mga ito."Deborah" tawag nya sa bagong sekretarya. kung pang-ilan na ito, 'di nya alam. "my coffee. hurry." aniya.
muli nyang sinuri ang proposal. kilala nya ang mga Garcia dahil resident din ang mga ito ng Elysian. pero sa totoo lang, wala syang magandang sabaw sa mga taong yun---lalo na kay Valeriana Garcia. there's something off with that old woman and her family na 'di nya matiyak kung ano."your coffee, Boss. French Vanilla Machiatto." wika ng sekretarya sabay lapag ng venti cup sa mesa nya.
"connect me with JShawn's secretary. kailangan ko syang makausap, asap. you can go. do not come here unless i call for you."
"yes, boss. right away." anito at umalis na. itinabi nya muna ang papeles at inatupag ang iba.
she's signing a renovation proposal on one of their resorts when her door opened and in came a pissed JShawn. sumalampak ito sa single seater sofa katapat ng desk nya.
"you're such a sournut, Riley. i'm in the middle of makinglove to my wife when Isabelle informed me that your secretary called saying that you want to talk to me asap. seriously?" ang nakabusangot pang turan nito. ibinaba nya ang hawak na mont blanc pen at inabot dito ang dokumento ng mga Garcia.
"umihi ka na lang para mawala yang sakit sa puson mo. for now, i need your opinion regarding that." aniya. kinuha nito ang papeles at binasa. after a while, nagsalita ito.
"I won't approve this if i were you. tuso si Valeriana at mas pabor sa kanila ang partnership na ito." sabi nito. tumango sya.
"yan din ang pagkaka-intindi ko sa dokumentong yan. kaya kita pinatawag to hear your take on that. mabuti at pareho pala tayo ng opinion." wika nya, saka ininom ang kape.
"I never liked that family. that witch Valeriana is a fucking homophobe."
JShawn's expression turned stone-cold. kahit sya'y ganun din. maraming beses nang napabalita noon pa man ang hatred nang matandang yun sa kanila at mga kabaro nila sa LGBT.
"she's declared persona non grata in Metropolis just recently. dahil yun sa snide remarks nya kina Genesis at Sofia Xenaki. ang huklobang yun, ang pamangkin pa talaga ng asawa ni Senator Kehlani Marqueza ang kinanti nya. buti nga. kapag nakikita ko sya, parang gusto kong pilipitin ang kulubot nyang leeg." anito na halatang galit talaga. nauunawaan nya ito dahil minsan nilang nasaksihan ang kalupitan ng babaeng yun. "it is a news that her eldest son left his wife and daughter para sumama sa mistress nya na first love daw nang taong yun. what an idiot. sarap gilitan ng leeg. i just wonder kung lahat ba ng anak nya tarantado ang ugali. tch." palatak pa nito.
"hindi pa naman nagbunga ng macopa ang santol. kaya marahil ganun nga. at yung konsepto nang first love na yan---it's downright foolish and utterly stupid. hindi lang naman isang beses nagmamahal ang isang tao. yang first love never dies na yan is pure bullsh*t. kapag sinaktan ka na, tanga ka na lang talaga kung babalik ka pa sa kanya." she said, shooting the cup in the bin. JShawn chuckled.
"hugot na hugot, ah. may pinaglalaban ka Boss?" kantyaw nito.
"ulol. umalis ka na nga. salamat sa payo." aniya. tumayo at nakipag-fist bump sa kanya.
"before i forget, Ahma said na umuwi ka ng maaga mamaya. we'll have dinner together." anito bago lumabas ng opisina nya. pagkalapat ng pinto pasara, napasulyap sya sa isang malaking picture frame.
***************0o0******************
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES I: Unchained Melody
RomansaNothing is more painful than loving someone you can never have.... *******************0o0******************* TRIGGER WARNING: 🚩LEAD CHARACTERS. THIS STORY CONTAINS SENSITIVE THEMES THAT DEALS WITH HOMOPHOBIA, CHEATING, MURDER, DOMESTIC VIOLENCE AND...