CHAPTER FIVE: ULIRANG GURO

146 8 0
                                    


"okay little Hedwigs, pencils up in 5,4,3,2 and 1! pass your papers forward please." she said as her pupils pass their answered papers. alam nyang magsisipulasan ang mga paslit pagka-tunog ng dismissal bell kaya pinapasa na nya ang mga pinasagutan nyang math problems sa mga ito.

"papers that will be passed after the bell are automatic to get a zero. now, hurry up. Sylvianna, Aries kindly collect the papers and put it on my desk. thank you."

nilapag ng dalawang bata ang mga papel sa mesa nya. then, the bell ring.

"bell's here. goodbye, class!"

"goodbye, Miss Reyes! have a good day po!" tugon nila saka nagpaunahang makalabas ng classroom. sinamsam na nya ang mga papel at inilagay sa paper bag ng may maliit na boses ang tumawag sa kanya.

"T-Teacher?"


napahinto sya sa ginagawa at nilingon ang tumatawag sa kanya. she was surprised to see a little girl whose hair is done in a fancy twist bun with a cute green ribbon holding it in place.

"Noreen? bakit, may gusto ka bang sabihin sweetheart?" mababanaag nya ang lungkot sa mata ng paslit at hindi sya nito matingnan sa mata. pansin din nya ang papel na hinahawakan nito ng mahigpit.

"what is it, sweetheart? may maitutulong ba si Teacher?" tanong nya. ngunit naalarma sya ng humikbi ang nakayukong bata. inusog nya ang upuan palapit dito saka inangat nya ang mukha ng bata. namumula nga ang mga mata nito at namamasa ang mga pisngi sa luha. "why are you in tears? n-natatakot ka ba that i'll reprimand you if your paper is late? don't worry, i won't get mad. just give it to me, okay? tahan na..." she cooed, wiping the little lass' tear-stained face with a clean tissue.

ngunit umiling ang paslit. though binigay naman nito ang papel sa kanya. and she's puzzled upon seeing the child's answer sheet.

"your answers are correct, sweetheart. so bakit ka umiiyak at ayaw 'tong ipasa? binu-bully ka ba ng mga kaklase mo?" tanong nya. umiling muli ito. nagugulohan na talaga sya ng dumating ang yaya nito.

"naku bata ka! kanina pa 'ko nag-aalala sa 'yo!"

ang nababalisang bulalas nito. agad na lumapit ang yaya at nabigla din sa nakita sa kanyang alaga.

"b-bakit ka umiiyak, 'nak? may masakit ba sa 'yo? kinagat ka ba ng langgam?" ang sunod-sunod na tanong ng yaya na agad dinampi ang likod ng palad sa leeg ng paslit. ngunit tinabig nito ang kamay ng yaya at gulat silang pareho ng nagsumigaw ito.

"Daddy said that he's leaving us! n-narinig ko silang nag-aaway ni Mommy! t-then...i h-heard Mommy cried. she's begging Dad to stay but he didn't listened. ayoko silang maghiwalay, yaya! ayoko!"

bulyaw ng paslit saka tumakbo palabas ng classroom. agad nila itong sinundan at nakita nila itong nakaupo sa swing at doon umiyak ng husto. akmang lalapitan ito ng yaya ng pigilan nya.

"hayaan mo muna, Ate. ang mahalaga'y nasa malapit lang sya. ang gusto ko sanang malaman ay kung ano talaga ang nangyari. ako na ang nagsisilbing pangalawang ina ni Noreen dito sa SCA. she's under my care kaya dapat kong malaman ang lahat." aniya. malungkot itong napabuntong-hininga.


"a-ang totoo kasi, Ma'am... may nangyaring hindi maganda sa mga magulang ng bata. wag nyo po sanang sabihin sa iba ang malalaman nyo mula sa akin, Ma'am. naging mabuti po ang mag-asawa sa 'kin kaya ayokong pag-usapan sila ng iba." wika ng yaya na tila nababasag na rin ang boses. para itong maiiyak na rin.

"i won't tell a single soul, Ate. ligtas ang mga sasabihin mo sa akin. makakaasa ka." aniya. muling bumuntong-hininga ang yaya saka ito nagkwento.
**************0o0*****************

METROCEANNA TALES I: Unchained Melody Where stories live. Discover now